VOTE
COMMENT
BE A FAN
:)
Fourteen.
----------
Pagkadating namin sa bahay nina Gab agad namin syang ginamot ni Gaylen.
Wala pa naman ang parents nila kaya kami lang tatlo ang andito ngayon.
Nagrepresenta na din akong dito na matulog sa kanila para matulungan ko si Gaylen, kawawa naman kung sya lang mag-isa ang mag aalaga sa aking Gab. Akin??? Hahaha
"Ano ka ba. Ok lang naman na kami dito nuh, kaya ko na 'to , sige na umuwi kana. Hinahanap kana nyan sa inyo, gabi na kaya!"
"Di yan. Pramis ^^(") magpapaalam nalang ako. Asan ba landline nyo? Patawag ah!"
Dialling.....
*kringgg..kringgg
"Gonzalez residence, how may I help you?"
Wow mi ganun? Taraaaay! Matripan nga!
"Ehem. Police station calling." Nagpipigil na ko ng tawa dito hahaha
Silence....
Natahimik ang kabilang linya. Natakot? Haha
"De joke lang. Si Ada po ito! Hahahahaha"
"Laki din ng topak mo e nuh? Oh ano? Ba't ka napatawag? Gabi na ah, dapat andito kana sa bahay sa mga oras na 'to di ba?"
"Easy boy! Hihihi kuya dito na muna ako matutulog kina Gaylen ah? May overnight project kasi kami eh."
Okay I LIED. Di naman kasi pedeng basta ko nalang sabihin na tutulungan ko ang isang lalaki na crush ko dahil naaawa ako dahil mahal ko sya, at aalagaan at pagsisilbihan ko sya sa gabing ito.
O kahit ano paman yan, may lalaki padin akong kasama kaya baka iba naman isipin ng mga tao sa bahay. Kaya okay nalang siguro ang magsinungaling. Yan ba ang tinatawag nilang white lies? Hihi yun na yun
Dami ko namang sinasabi eh.
"Pakisabi nalang kay Mommy ah? Thanks. Aylabyu muah tsup! Goodnight tweetams kuyaaaa."
Ang hyper ko na ba masyado?
*tooot..tooot
Ay? Langya binabaan lang ako? Ang dami ko kayang sinabi, wala man lang response kahit "K" man lang?
Tanga ba ko? Ano 'to text para sabihang K? Hindi naman ako potassium ah? Aish andaming satsat!
At yun nga natapos na kaming mag dinner ni Gaylen, hindi padin nagigising si Gab mula kanina.
Nag-aalala na talga ako sakanya, baka napano na sya. Aish
Iniwan ko muna si Gaylen sa kusina at nagpunta sa kwarto ni Gab.
Pumasok na ko kaagad, wala din naman kasing silbi kung kakatok pa ko e, di ba?
Gisingin ko na kaya si Gab? Para din naman makakain na sya.
Pero bago yun pinagmamasdan ko muna sya, ang gwapo nya kahit tulog. Hinawakan ko pisngi nya, at inamoy ang buhok nya.
Ay tama na nga! Baka ano pa ang magawa ko sa nilalang na 'to. Magkasala pa ko. Juskopo patawarin nyo Po ako. Dejokelang!
Niyuyugyog ko sya. "Gab? Gabriel? Gab?"
o_-
-_o
Gumising na sya!
"A-raaay. Ahhh a-ansaak-kit."
:(
"Gab? Wag ka munang bumangon. San ba masakit? Anong gusto mo? Teka lang ah, bababa lang ako. Babalik ako kagad."
Tumakbo naman ako pababa.
*TOINK
Nadapa pa talaga ako. Haaay ang lampa ko talga kahit kelan. ADA LAMPA nga naman. Naalala ko tuloy si Dion. Ahhhh nooo! Galit ka sakanya Ada galit ka!
"Dahan dahan naman kasi. Ba't ka ba natakbo? Nakita mo ba yung multong nakatira sa kwarto ni Kuya? Hahahaha"
O____O May mumu daw! Napatayo naman ako bigla.
"Gaylen naman eh. Ehhhh hihihi si Gab kasi gising na!"
At yun kinuha ko ang prinepare kong porridge para kay Gab, kumuha din ng pain relievers at tubig si Gaylen at nagtungo na kami sa kwarto ni Gab.
Pagkatapos nyang kumain at uminom ng gamot nakatulog na ulet sya. Ganun ba talga ka sama ang pakiramdam nya?
Hindi man lang kami nakapag-usap tungkol sa nangyari at tungkol samin. Hihi joke lang! Pa-epal lang ^^v
Kinabukasan, napagpasyahan namin ni Gaylen na di na muna papasok. Sasamahan namin si Gab hanggang sa maayos na sya.
"Kuya ano ba kasing nangyari kahapon?"
"Onga Gab ba't ka nila binugbog? Pati si Berri sinaktan din nila."
Andito kami ngayon sa sala nila.
"Hindi ko nga din alam eh. Ako nga rin ay naguguluhan. Bigla nalang kasing dumating yung mga lalaki."
Ganun? Wala pala syang alam, bakit ganun nalang ang inabot nya? Humanda ka Dion hinding-hindi kita mapapatawad. Hoho T_T Haay kawawa naman ang aking Gab oh.
"Salamat pala Ada ah. Hindi mo naman kailangang gawin 'to eh. :) pero salamat padin hindi mo ako iniwan."
Nag smile sya! Ba't ganun kahit ang dami na nyang galos at pasa sa mukha eh ang gwapo nya padin. Aghh nakakaOMG!
"Ano kaba. Wala yun nuh, basta't para sayo! :)" Lumalandi ang lola nyo teh!
Hinawakan nya ko sa kamay, actually magkatabi kasi kami hihi kinikilig ako syeeet!
"Ang sweet mo naman. Swerte ng magiging boyfriend mo"
Sarili mo ba ang tinutukoy mong maswerte? Haha joke syempre may Berri na sya nuh.
Hanggang CRUSH ka nalang Adrie! Take note: CRUSH :/
Speaking of...
"Oy kamusta na kaya si Berri ngayon?"-ako
"Wow concern? Hahaha" epal din tong si Gaylen eh, akalain pa ni Gab na ako ang kontrabida sa storyang 'to hoho
"Tse. Pero seryoso ano na kaya nangyari sakanya after nung kahapon?"-me with a very serious face :|
"Onga nuh, kakausapin ko din si Berri nag alala ako sakanya, hindi ko nadin kasi alam nangyari sakanya kasi nga nawalan na ko ng malay dun. Tatanungin ko sya baka sakaling alam nya ang rason sa nangyari kahapon. Napano na kaya yung girlfriend ko? Tsk"
Haay bakas sa mukha ni Gab ang labis na pag-aalala. Naiinggit ako sa Berri na yun, ang swerte nya din eh. Gwapo na mabait pa, naka jackpot si pugita Haha
Sana lang hindi nya sasaktan si Gab.
Wala na sakin ang atensyon ni Gab ngayon dahil kausap na nya sa telepono si Berri. Awww saklap :c
Ganunpaman, masaya ako dahil nagawa ko syang alagaan.
I never regretted my night with him.
***
BINABASA MO ANG
My Undying Love
RomanceBoy meets girl. And life has a certain game for them, or shall I say only on him? Will he give-up on her? How long can he fight for her?