Warning: This chapter includes explicit sexual content and discussions of intimacy between characters. Reader discretion is advised.
CHANDRIA LILY LOPEZ
"Lily," sumeryoso ang mukha niya, pero huminga din ng malalim. "Fine," niyakap ko siya nang pumayag siya at hinalikan ko pa siya sa pisngi, napatawa naman siya.
"But I'm working with you." Napanganga ako nang sabihin niya iyon. "Ikaw? Sa arteng mong 'yan? Kaya mong magtrabaho sa dangwa?" Ngumiti ito at napakamot sa ulo.
He did what he wanted to do. Sumama ito saakin sa dangwa at pinagpalit ang posisyong bilang presidente ng Sierra Bank Inc. bilang florist.
Akala ko noong una ay nagbibiro ito, but he's not. Pinasa niya kay Ravi ang posisyon bilang presidente temporarily.
"Kakayanin mo dito?" Tanong ko habang nag-iinventory. Kasama ko si Dahlia at naglilinis ng shop namin dahil tatlong linggo kaming hindi nakapagbukas.
"We should do a makeover." Sabi niya habang nililibot ang tingin sa paligid at nag-iisip kung ano pwedeng ipangdesenyo sa store.
"No, I don't have much budget as of now, Reid." Seryoso kong sabi sa kanya habang pinagpatuloy ang ginagawa.
Nakapag-order narin ako ng mga bulalaklak dahil may mga orders na kaagad kami. May shop naman ako online kaya pwede kaming makatanggap online, para pick-up or delivery nalang.
"Lily! Nakabalik ka na!" Bigla akong niyakap ni Dina nang makita ako kaya niyakap ko din siya.
"Grabe hinahanap ka sa bar!" Sa sinabi ni Dina ay napaubo si Reid kaya napatingin kami sa kanya. Napalunok naman ako nang laway dahil galit na galit itong nakatingin saamin ni Dina.
"Teka, siya 'yong naghahanap sa'yo sa bar!" Gulat na sabi ni Dina, napatingin naman ako kay Dina at kay Reid. Umiwas naman ng tingin si Reid, at ramdam kong bumaling saakin ang tingin ni Dina.
"Boyfriend mo, Lily?" Tanong ni Dina na ikinaubo ko. "Boyfriend? Soon to be husband na 'yan ni Ate Lily, Dina." Singit ni Dahlia nang makapasok ito dala ang basket na may mga red roses.
Napaubo naman ako sa sinabi ni Dahlia pero kaagad akong inabutan ni Reid ng tubig. "We should put humidifier in here." Sabi ni Reid na ikana-pokerface naming tatlo.
"Lily!" Pumasok si Mrs. Gomez na suki ko, she's an event organizer, at saakin siya kumukuha ng mga bulaklak dahil ang gaganda daw kasi at affordable. Dahil mismong galing sa farm namin.
"Mrs. Gomez! Napadalaw po kayo? Kailangan niyo ulit ng bulaklak?" Natatawang sabi ko, napalo naman ako ng mahina ni Mrs. Gomez sa braso ko.
"Ano pa nga ba! Hinahanap kita kaso sarado kayo, mag-oopen ka na ba ulit? May kasal kasi akong aasikasuhin sa susunod na linggo." Lumawak naman ang ngiti ko, "oo naman po, tatanggihan ba kita?" Pareho kaming natawa pero nahagip niya si Reid na nagbubuhat ng mga karton na may lamang wrappers.
"Boyfriend mo?" Tanong ni Mrs. Gomez, "Ay nako ma'am, future husband na po 'yan ni Ate Lily." Singit ulit ni Dahlia habang inaayos naman ang mga ribbons.
"Hindi po, nagbibiro lang si Dahlia." Natatawang sabi ko pero nakaramdam naman ako ng mabigat na braso sa balikat ko.
"Bagay po ba kami?" Natawa si Mrs. Gomez sa sinabi ni si Reid. "Oo, naman! Sa kasal niyo ako gawin mong organizer, Lily ha! Aasahan ko 'yan!" Namula naman ako sa sinabi ni Mrs. Gomez, kaagad ko ring siniko si Reid pero napatawa lang ito ng mahina.
"Sure, Mrs. Gomez. We're looking forward to work with you soon to our wedding." Nakurot ko ang tagiliran ni Reid sa sinabi nito, at tumawa lang si Mrs. Gomez. Kinuha naman ni Dahlia ang order ni Mrs. Gomez kaya napalayo kami ni Reid sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/369162958-288-k37171.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted Fate (Reid Sierra)[Under-Editing]
Roman d'amourWARNING: R18+ on some chapters. Read at your own risk. Reid Sierra x Chandria Lily Lopez Reid Sierra and Luxury Suarez had been together for a decade before their wedding day arrived. However, their joyous occasion turned into chaos when a woman, na...