Prologue

53 2 0
                                    

"I'm sorry Blake, but I'm breaking up with you." Straight faced na sabi ni Monica sa payat niyang boyfriend.


Walang nagawa ang lalake kundi ang mag-iiyak sa harapan ng maganda, sexy at popular na si Monica...ang first girlfriend niyang ex girlfriend na niya ngayon.



Hindi natinag ang babae sa nakakapang-awang tanawin na nasasaksihan niya. Imbes na aluin nito ang kawawang naging boyfriend ay walang lingon-lingong tinalikuran niya ito.


He left him there, at the back of their shool. Crying.


Gusto sanang magmakaawa ng payat na si Blake na huwag siyang iwan ni Monica dahil mahal na niya ito pero wala siyang nagawa kundi mapasalampak sa damuhan at humagulgol yakap ang kanyang mga tuhod.


Nasabi rin kasi ni Monica na pinagpustahan lang daw nila siya ng kanyang mga barkada kasi mailap na lalake ito. Kinatatakutan siya hindi dahil sa katawan kundi dahil sa taglay na kasungitan. Kasi payat naman talaga ito pero may taglay namang kagwapuhang pwede niyang ipagmalaki.



Matapos ang limang oras na pag-iyak ay napagdisisyunan ni Blake na pumasok sa last class niya. Eventhough nagdalawang isip pa ito dahil classmate niya si Monica. At kung minamalas nga naman ay seatmate niya pa ito sa subject na iyon.

Masakit parin sakanya ang panggagagong ginawa nito for eight freakin' months. Hindi niya matanggap na pulos kalokohan lang pala ang naging unang relasyon niya at napamahal na siya sa babaeng nanloko sakanya. Tsk tsk. Poor skinny boy.



Pagpasok sa room ay wala pa ang kanilang teacher. Nag-iingay pa ang mga kaklase niya at kanya-kanyang chismisan ang nangyayari sa kaliwat kanang bahagi ng room.


Napalingon siya sa may gilid ng room. And there she is, the love of his life... flirting with the oh so popular basketball player sa school nila.



Kumuyom ang kamao niya at naglakad patungo sa tabi ng EX GIRLFRIEND niya at ng putanginang kalandian niya. He sat there habang pilit iniiwas ang tingin sa mga ito. Nasasaktan siya. He's hurting while seeing his princess flirting with another prince.


Sa kabila ng nalulungkot at nasasaktan niyang dadamin ay hindi niya maiwasang magalit sa babae. Pero di rin niya mapigilan ang pagmamahal na nararamdaman niya para rito. 8 months rin kasi sila.


Nang hindi na makatiis sa paglalandian ng dalaea ay tatayo na sana siya ng may magsalitang babae sa kanyang gilid. "Uhm. Hi? May naka-upo ba dito?" Mahinhing tanong nito at nakaturo sa kanang vacant na upuan kung saan katabi niya lang rin.

Umiling si Blake at ngumiti naman ang babae bago umupo sa tabi niya. Hmm. She wears braces. Maganda ito at mukang mabait. Makinis at medyo brown ang buhok. She also looks innocent. Ngayon lang niya ito nakita. Maybe she's a new student?



"Ako nga pala si Ayumi Chanelle Jimenez. New student." Nilahad nito ang kamay sakanya.



Pansin niyang natahimik ang buong room at nakatuon ang atensyon ng classmates niya sakanila ng babaeng nagngangalang Ayumi daw.


Kita niya sa pheriperal view niya na kumunot ang noo ni Monica habang nakatingin sakanila. Napangisi siya at may naisip na kalokohan.


"I'm Blake Dela Cruz." He smiled at Ayumi at nakipagkamay.

Nakarinig siya ng mahinang pagsingahap at pagtili na para bang kinikilig sa room.

Oh well, can't blame them. Ngayon lang siya ngumiti in public. Noon kasi ay ngumingiti lang siya kapag silang dalawa lang ni Monica ang tao. Di rin siya nakikipag-usap sa ibang babae. Gwapo rin si Blake. Super gwapo.

My Ex is Still My Next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon