PROLOGUE

18 1 0
                                    

TAGU-TAGUAN MALIWANAG ANG BUWAN. Sabay sa kaluskos ng dahon ng mga punong sumasayaw sa hangin sa ilalim ng bilog na buwan ang bawat yabag sa pagtakbo ng isang dalaga. Sa malamig na gabi, ang usok lang ng bawat paghinga nito ang pinanggagalingan ng init. Kung sumigaw naman ay basag na boses lang ang umalingawngaw sa madilim na kagubatan.

"T-tulong!"

PAGBILANG KO NG SAMPO, NAKATAGO NA KAYO. Nakatago na siya sa likod ng puno, tinatakpan ang tunog ng hininga, ngunit ang tibok ng puso ay umakyat na hanggang tenga. Sa mga oras na ito ay tanggap na niya ang katapusan ng buhay, ngunit sa mga oras ding ito ay ayaw pa niyang mamatay – Dasal na lang sa Diyos sa kanyang isip ang tanging nagawa; Ama namin, sumasalangit ka...Patawarin mo kami sa aming mga sala...Iadya mo kami sa lahat ng masama.

SAMPO. Pagakpak lang ng paglipad ng mga uwak paalis ng kagubatan ang tunog na bumalot sa gabi. Ni isang tinig galing sa dalaga ay nawala , ni ang sigaw ay pinatahimik.

Kinaumagahan sa radyo at telebisyon ay iisa lang ang balita; Sa GreenField Mountain College of Biology Study, isang bangkay ang natagpuan.

"Parang inatake ng oso, tingnan mo nga ang kalmot sa leeg" binuksan ng mamang nagiimbistiga ang itim na bodybag para ipakita, sabay pitik sa kanyang sigarilyo.

"Walang oso dito sa Pinas, investigator" kunot noo na tiningnan ng mamang pulis ang malamig na bangkay na halos maputol na ang leeg.

"Wala pa akong nakitang kasong tulad nito, parang di tao ang gumawa" ani ng imbistigador, at pahabol pa nito "Naniniwala ka ba sa aswang chief?".

1...2...3...4...5...Limang segundo ng katahimikan ang bumalot kaharap ang isa't-isa bago napatawa ang mamang pulis "Hahaha...Wag mo akong patawin investigator, you watch too much horror stories".

"Haha...Chief pinapagaan ko lang ang hangin, napaka seryoso ng grupo ninyo "pagbibiro pa ng imbestigador.

"Sa totoo lang, pang-anim na kaso ng ito. Parehong walang ebidensya, maliban sa parehong madugong pagpatay...Ang hula lang namin ay iisa lang ang may sala" buntong-hininga ng mamang pulis.

"Do you think it is a serial killer on the loose?" titig ng imbestigador sa mga mata ng mamang pulis.

"Hindi ako sigurad-".

"CHIEF!!!" sigaw ng isang tumatakbo at humahangos na binatang pulis. Muntik pa nga itong mapatid sa ugat ng puno at bumagsak sa nalalantang bangkay sa itim body bag kung nahuli lang sa paghila ang Chief sa braso nito.

"Police officer Eman,ingat! This is a crime scene, we don't want to be careless!" lektur pa nito sa binata.

"Sorry Chief...di na mauulit" sabay kamot-ulo nito.

"Dapat lang...Ba't ka sumisigaw kanina hah?"

Sumaludo bigla ang binatang pulis at nagsalita "Reporting sir! Nandito daw yoong ibang mga detective na tutulong sa atin".

Napalingon ang lahat sa humaharurot na itim na sasakyang nag drift-parking pa sa loob ng crime scene at muntik pang lumipad papunta sa kanila. Ang hindi alam ng lahat, ay ang loob ng sasakyan, dalawang lalaking nag balat-kayo bilang mga imbestigador, Brigham at Archibal. 

Ang unang nabanggit ay kilala sa sungit at tulis ng dila nito, habang ang isa naman ay sira-ulong gago...ayon sa kanila.

Isang linggo na ang nakalipas bago sila nagkakilala, madugong mga krimen ang naganap; Sunod-sunod na pagkawala ng mga piling biktima, patayan at gulo sa di maipaliwanag na paraan.

ParacosmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon