"Luceida! Anak, bumangon kana at samahan mo'ko mamili ng mga school supplies n'yo" narinig kong tawag ni mommy sa'kin nang maalimpungatan ako."Opo ma, sandali lang po.." maamong sabi ko kay mama, at tinatamad na bumangon sa kama.
Mabilis akong naligo at nag ayos para samahan si mama sa mall.
"Luceida, naka ayos kana ba?" Tanong ni mommy na nasa salas
"Opo ma, sandali lang po" sagot ko pabalik kay mama habang inaayos ang aking buhok.
Nang matapos ako ay agad akong bumaba at ayain si mama na umalis papuntang mall para makapili ng ibibiling school supplies para sa aming mag kakapatid.
Agad rin naman kaming nakarating sa mall at agad na bumili ng mga school supplies at pag tapos ay nag aya si mommy na kumain.
"Saan mo gusto kumain nak?" Tanong ni mama sa'kin. "Sa jollibee tayo my" excited na sagot ko kay mommy.
After naming umorder di rin nag tagal at dumating na yung pag kain namin. Isa ito sa mga favorite kong pangyayari lalo na't halos minsan lang mangyari na nag kakasama kami ni mama na kaming dalawa lang. Dahil madalas na kasama n'ya ay ang bunso kong kapatid.
"Alam mo nak, pangarap ko talagang makapag abroad.." biglang sabi ni mama habang kumakain kami. Tiningnan ko lang s'ya at patuloy na nakinig sa kung anong sasabihin n'ya.
"Pero.. dahil sa kalagayan ng kapatid mo di ko magawang umalis.. sa totoo nga lang mas gagaan sana ang buhay natin kung makakapag abroad ako.
Tahimik akong nakinig kay mama, alam ko na matagal n'ya nang pangarap yon, dalaga palang s'ya pangarap n'ya nang mag abroad kaso dahil sa mga pangyayari at dahil narin siguro sa tadhana di nangyayari ang pangarap n'ya.
Cinomfort ko si mama at ipinaalala sakanya na hindi pa huli ang lahat. Kaya nga pinag-bubutihan ko dahil gusto kong ibigay ang buhay na masagana sakanila.
Matapos nang pangyayaring pag uusap namin ni mama noong araw na 'yon, naging mabilis rin ang araw. Kinabukasan ay pasukan na namin agad, medyo kinakabahan pero keri na rin siguro.
Inihanda ko na ang isusuot at mga gamit ko para sa pasukan.. maaga akong natulog para maaga rin akong magising upang mag prepare.
Maaga akong nagising at nag prepare para pumasok.
Ng makarating ako sa school namin ay agad kong hinanap ang section namin. Nang makita ko ang section namin ay agad akong pumasok.
Nakakakaba pero pumasok parin ako dahil ano namang magagawa ng kaba ko kung in the end of the day kailangan ko ring pumasok. Iba iba ang mga tao rito, may mga mukang masungit, approachable at may mga mukang likas na matatalino.
Nililibot ko ang aking mata sa loob ng aming silid nang biglang napahinto ito sa isang lalaking wari ko ay may pag ka malambutin.
Oo, inaamin ko malakas talaga pakiramdam ko kung may pag ka malambutin o di kaya ay binabae ang isang lalaki. Ikaw ba naman buong buhay mo ang lahat ng nagustuhan mo ay kundi beki ay may pag ka malambutin.
Yung lalaking nakita ko ay may pag ka mestizo, he also have high bridge nose and perfect brows.. i can't explain properly pero muka s'yang perfect sa mata ko.
Di nag tagal ay nilihis ko rin ang tingin ko ng pumasok ang aming adviser. "Good morning class, my name is Eric Martinez, your advisory teacher.." after non ay ipinaalam na rin ni sir ang mga rules at regulations sa aming classroom at school.
"We're going to do an introduce yourself as usual, to be familiarize with your classmates."
Isa-isa nang nag pakilala ang aming mga kaklase at di nag tagal, oras na para mag introduce nung lalaki na muka ngang medyo feminine.
Tumayo s'ya at nag salita "Good afternoon classmates, my name is Ezekiel Brylle C. Anzano" after modestly introducing himself he bowed and went back to his seat.
After he introduced his self, di nag tagal natapos naring mag introduced and katabi ko, which means it's my time to introduce myself.
Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa harap. "Good afternoon classmates, My name is Luceida Jane D. Gomez" pag papakilala ko habang nililibot ang paning sa mga kaklase kong nakatingin.
Nang tumingin ako sa gawin n'ya ay nakatingin s'ya sa'kin ng seryoso. Para bang kinikilatis ang pag katao ko.
After kong mag pakilala ay agad akong nag bow at bumalik sa aking kinauupuan.
"Hi! Luceida right?" Biglang tanong nang katabi kong babae. Maputi, maganda at mukang mabait and isang 'to.
"Uhh, hi! Oo my name is Luceida! Ikaw?" Tanong ko pabalik.
"I'm Amelia Grace Buenaventura, nice meeting you!" sabi n'ya at nakipag hand shake sa'kin.
"Let's be friends! Sabay tayong mag lunch later!" Sabay na sabi nito.
"Ah sige ba, wala rin akong kasabay kumain"
Warning: Grammatical errors and typos
YOU ARE READING
Aiming that femboy
RomanceA girl named Luceida, An hopeless romantic girly who wants to experience genuine love. But the downside is, she wants to experience it with a guy, not just guy but a feminine guy. Do you think she can get and experience the genuine love she craves?