kabanata 14

48 4 1
                                    

Nag babalik

Ako ang nangako na nasa tabi niya lang ako upang maalala ang lahat. Upang sabayan ang kahibangan niyang ASAWA niya ako.

Pero bakit ngayon ako ang umaasang sana totoo nga iyon. Nangako ako sakanya, pero ako mismo ang bumitaw. At ngayon ako pa mismo ang nag hahanap.

Pero.... sabi niya sasamahan niya ako this week? Bakit wala?

Ako ang umalis ng gabing iyon pero may parte ng katawan kong sana habulin niya ako kinabukasan upang ipaliwanag ang lahat? Ang mga bagay bagay na hindi ko maalala noon. Na sasamahan ako upang maalala... pero wala.

Nababliw na ako... kasalanan ko to pero ako ang mag hahanap.

Pero sabi niya 'wife' bakit parang wala lang? Kumikirot ang puso ko kakaisip na wala lang talaga ang lahat at lasing lang siya marahil kaya niya iyon nasabi...

Halos isang lingo ko narin siyang hindi nakikita. Inaabala ko lang ang sarili kong gumawa ng damit, damit, damit kahit yata madaling araw ay ginagawa ko iyon dahil hindi ako makatulog. Kaya sa isang lingo tatlo na ang natapos ko.

4 o'clock na at nag tratrabaho parin kaming dalawa ni Saira. Nanadito kami ngayon sa condo ko. Halos dito na nga rin siya matulog dahil sa pagod, nung una nga ay ayaw niya pa dahil nakakahiya daw.

Halos hindi narin ako nag lilinis kung lilinisin kasi ay panibagong kalat nanaman bukas, kaya napag isipan naming pag katapos nalang ay sasamahan niya akong mag linis

"Matagal mo na bang nabili tong condo mo?" Tanong ni Saira habang nag gugupit ng tela

"Oo, pinag ipunan ko talaga to nang mag trabaho ako sa Artrials"

Napatingin ito saakin, naka upo siya sa lapag habang ako ay sa single sofa "Artrials? Malaking companya yon bat mo iniwan?"

"Na-aksidente ako noon at nag karoon ako ng head and brain injuries dahilan upang mag ka amnesia ako"

"Wow! Mabuti at naaalala mo na ngayon"

"Yeah, actually 2 years bago ko tuluyang maalala ang...lahat?"

"What do you mean?"

Napabuntong hininga ako "hindi ko kasi alam kung naalala ko na ba ang lahat, parang kulang? Parang meron pa dapat akong maalala"

"Bakit naman" tuluyan niya nang inilapag ang gunting at tumingin saakin

"May naaalala kasi ako, tungkol kay... Ken" humina ang boses ko ng bangitin ko ang panagalan niya

"ang sabi mo ay fan ka ng sb19 right?" Nakakunot na ang noo niya nang tumingin ako rito

"may nabalitaan ka bang girlfriend niya noon or issue na meron?"

"Bakit, tingin mo ba naging kayo?" Humagalpak ito ng napakalas "alam mo ganyan din ako noon nung baliw na baliw ako kay Ken, yung feeling na nag iimagine ako na kaming dalawa. Baka nag iimagine ka lang... kasi may gusto ka narin sakanya"

Oo ang sabi nila, pag may gusto kang tao, minsan napapanaginipan mo sila. Pero ako? Gusto ko ba si Ken? Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko ng maalala ko ang pangalan niya.

Pero kung nag iimagine lang ako ng tungkol saaming dalawa dahil gusto ko siya. Ibig sabihin nangangarap na nga rin ako na maging kami? Pero bakit siya?
Mas, mas gugustuhin ko pa si Pablo kung sakali... kung imagination ko man yon dahil gusto ko DAW siya. Bakit Sabi ni Ken, asawa niya ako.... ano ba talaga?
Pero kung hindi siya gumagawa ng kwento at asawa niya nga ako, bakit wala namang kumalat na balita na kami nga?

Kasi nga nag sisisnungaling lang siya

May parte saakin ang umaasang sana nga totoo ang sinasabi niya.

Loving you (SB19 Series #1 Ken)Where stories live. Discover now