Chapter Five

18 1 0
                                    

He walked outside to check how the modification of the housing site into their temporary military base went.

"Nakita na si Salmentar?" tanong niya sa kapwa Combatant sa Army na si Illana nang makasalubong ito.

"Wala pang update sa HQ, eh. Naghahanap pa ang Navy at Air Force."

"Tanginang 'yan..." aniya't naglakad papunta sa built-in bulletproof wall na ipinalibot sa site.

Natatakpan iyon ng trapal sa labas kaya hindi mahahalata ng mga sibilyang residente na ginagawa na nilang military base ang loob niyon.

Mataas din ang pader kaya hindi madaling masilip. Plus, they put a bulletproof roofing above, as well.

"Kumusta ang lakad mo sa ANSIN?" tanong ni Illana nang papunta na siya sa surveillance center. It is two of the thirty container rooms they modified to put all the monitors and devices they need in surveillance.

"Hindi ako nakapasok do'n kanina, eh. Hinarangan ako. Naglagay na lang ako ng camera roon."

He saw the other rooms serving as the war room, supply room, firearm testing center, make-shift barracks, and clinic on his way to the surveillance center.

Magkatabi lang iyon at ang war room.

"Ano na ang update?" tanong niya sa mga junior na nakabantay sa monitor.

"No suspicious movement on the outer perimeter since you installed the camera, Sir," sagot ni Hodeza.

"Siguradong nasa loob ng bahay lahat ng aktibidad nila ngayon," aniya. "'Yong mga kargador? May dumating ba?"

"Pinauwi rin sila, Sir," sagot ni Lorica.

"Pupunta mamaya ang Field Commander, 'di ba?" tanong niya sa kapwa senior.

Tumango si Illana.

"Papasukin ko sila mamaya."

"Sama, Sir!" anang mga junior niya.

"No. Baka mahalata tayo 'pag sumama pa kayo. Sisilip lang naman ako ro'n. I'll just call for back-up if something happened."

Hindi na sumagot ang tatlo at ibinalik na lang ang mga mata sa monitor.

Lumabas siya at naglakad naman papunta sa firearm testing center. Kailangan nila ng facility na 'yon para masigurong maayos na gumagana ang mga armas nila.

Sinalubong siya ng mga putok ng baril pagkapasok niya sa loob.

Soundproof ang testing area kaya hindi maririnig ng mga tao sa labas ng base ang mga putok.

He saw three Combatants testing the firearms.

Lumabas din siya agad para balikan si Fohrenn.

He saw her asleep again.

"Fohrenn," tawag niya sa babae't isinara ang pinto.

She didn't move.

"Fohrenn!" sigaw niya.

She flinched and turned to look at him. "B-bakit?" pupungas-pungas na tanong nito.

"Marunong ka bang humawak ng baril?"

"H-ha?"

"Do you know how to fire a gun?"

"N-no..."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Weren't you told to learn how to use firearms?"

Umupo ito sa gilid ng kama. "Wala naman silang sinabi..."

"Didn't you read all the emails sent to you? ANDMI requires an applicant to be knowledgeable in firearm usage and maintenance."

Napakamot ito sa ulo.

Kadete Serye Book 3: A Soldier's DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon