01. Fallin to Pieces

380 13 1
                                    

Fallin To Pieces

Vice's POV

Nagpapakasaya ako dito sa bar, dahil sa masaklap na nangyari sakin. Ang sakit sobrang sakit. Matapos lahat ng anniversary, lahat ng mga bagay na ibinigay nya sakin noon. Pagkatapos nya akong paniwalain na mahal nya ako. Ngayon? Ikakasal na pala sya. Wala man lang akong kaalam alam, at ang masakit pa don binigyan nya pa ako ng mga salitang hinding hindi ko makakalimutan.

Flashback

"Terrence please, sabihin mo hindi totoo yan." pagmamakaawa ko.

"Vice tumigil ka na! Ikakasal na ako sa iba! hindi kita mahal, hindi kita minahal, at hinding hindi kita mamahalin." sabi nya na nakatingin sa ibang direksyon.

"No no, look at me. Tingnan mo ko!" sigaw ko dahil para lumingon sya, hinawakan ko ang pisngi nya.

"M-mahal m-o ako diba?" my voice cracked. Tinanggal nya ang kamay ko sa pisngi nya.

"Asa ka pa, bakla ka Vice. Hinding hindi kita mamahalin." diretsong sabi nya bago umalis na sa bahay ko. Napaluhod nalang ako.

End of Flashback

Tinuloy ko ang pag-inom, hanggang sa lumabo na ang paningin ko. Dahil sa nagbabadyang luha na papatak. Tumakbo ako palabas ng bar at doon na isinigaw at iniiyak lahat.

"AAAHHH! BAKIT BA?! ANO BANG GINAWA KO!" patuloy parin ako sa pag-sigaw ng bumuhos ang malakas na ulan. Tamang tama para hindi makita ang mga luha ko.

Tinry kong hanapin ang kotse ko pero sadyang malakas na ang tama sakin ng alak na hindi ko man lang naalala na wala akong dalang kotse.

Lumakad lang ako ng lumakad, patuloy sa paglakas ang ulan. Sobrang lamig. Pero okay lang, magkasakit nalang sana ako. Mamamatay. Wala na akong pake sa sasabihin ng media tungkol sakin. Patuloy parin ako sa pag-iyak at paglalakad. Napapagod na ako, bigla nalang ako natumba sa sahig.Sinubukan kong tumayo ngunit ayaw ng mga paa ko.

"K-kung inaakala m-mo, ang pag-ibig ko'y m-magbaba-go, I-itag-ga mo sa b-bato. Dumaan m-man ang maraming pasko. I-ikaw parin ang B-BUhay K-ko." kumanta ako, sabay ng buhos ng ulan. Ang kantang ito, ito ang unang kantang kinanta nya saakin.

Pinilit ko ulit na tumayo, this time nakatayo na ako. Sobrang lamig, nanginginig na ako sa lamig. Pero wala akong pakialam, pupuntahan ko si Terrence. Pupuntahan ko sya.

Terrence's POV

"Okay na, ma. Wala na kami, masaya ka na ba?" sabi ko ng medyo may galit.

"Very good anak, buti naman at sinunod mo ako. Kung hindi, patay na ngayon ang Vice Ganda na yan." sabi ni Mama, nagpigil nalang ako ng galit. At umakyat sa kwarto ko.

Pinatigil nila ako sa pagbabasketball, dahil ako na daw ang maghahandle ng kompanya namin. At ang masaklap pa, pintagil na nga ako sa paglalaro ipapakasal pa ako sa Dianara na yon. Tinakot nila ako, mamamatay daw si Vice kapag hindi ako sumunod sa mga pinagagawa nila. Pero parang ako naman ang mamamatay sa sakit. Makita ko palang na umiyak si Vice, di mabilang na tusok ng karayom na ang bumabaon sa puso ko.

Lumabas ako sa balkonahe ng kwarto ko at pinanood ulan. Kumanta ako kasabay nito.

"Paano bang magmahal? Palagi bang nasasaktan, umiiyak nalang palagi gusto ko ng lumisan. Paano bang magmahal? Kailangan bang nasasaktan? lagi nalang di maaari ngunit ayaw lumisan." Pagkanta ko, pinunasan ko naman ang isang luha na pumatak sa mukha ko.

Ang kantang yon, isa sa mga kantang isinulat ni Vice noon. (imagine nyo nalang si Vice nagsulat) Nung nagkahiwalay sila ng ex nya. Pero di nya parin nilalabas yung kanta. Yumuko nalang ako.

PAANO BANG MAGMAHAL? • ViRenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon