02. Run Away

263 15 4
                                    

Vice's POV

After 2 weeks, napag-isip isip ako na tanggapin nalang lahat kahit masakit pipilitin kong tanggapin na wala na talaga.

It's May 22! Concert ko na! Eto ang inaasikaso ko, It's my 4th concert at the big dome and sold out! Ang di ko lang alam kung paano ko gagawing sucessful ulit ang concert ko. Hayyyyssshh, kinakabahan na ako! It's 7:00 PM at inaayusan na ako dito sa backstage ng Araneta. 8:00 and we'll start na concert.

Naririnig ko na ang mga hiyawan ng tao sa labas. Sumilip ako at nakita ang dami ng mga tao, kailangan mapasaya ko lahat ng nandito. Good vibes, good vibes, Vice. Kalimutan mo muna lahat.

Terrence's POV

"I SAID NO!" sigaw ni mama.

"Ma! Wala akong gagawing masama. For the last time humihiling ako sayo. Let me watch the concert, please." pagmamakaawa ko, gusto kong mapanood ang concert ni Vice.

"Do you have, tickets?" tanong nya, mukhang mapapapayag ko to.

"Opo, dalawa kami ni Mike." sagot ko ng nakasmile na.

"No, hindi mo isasama si Mike. Isasama mo si Dianara." sabi nya. Ano?!

"MA?" pagrereact ko.

"Isasama mo or wala?" sarkastikong sabi nya. Argh.

"Urgh FINE!"

"Dianara! Ija!"pagtawag nya, nandito kasi ang bruhildang babaeng yon.

"Yes ma?" sagot nya pababa ng hagdan.

"Sumama ka na kay Terrence." sabi ni Mama.

"Really? Awww I love you!" sabi nya sabay yakap sakin. Tinanggal ko naman ang pagkaka-akap nya sakin. At dumiretso na kami sa labas.

"I want to see Vice's reaction pag-nakita nya tayong mag-kasama." sabi pa nya.

"Tumahimik ka." sabi ko, at inistart na ang kotse, 7:30 na at anytime magsisimula na ang concert.

Ng makarating kami sa Araneta ay kaagad kaming pumasok, wala ng pila dahil nakapasok na lahat. Umupo kami sa may sulok ng Patron B ni Dianara at inintay ang pagsisimula ng concert.

Vice's POV

"This is it, Buern. Ughhhh, sana maayos." sabi ko habang shinashake ang mga kamay ko.

"Good Luck Meme. Labas ka na." sabi ni Buern at inaya na ako sa labas.

Nagsimula na tumugtog ang kantang I am Beautiful. Pumwesto na ako at inantay ang cue ng pagkanta. Naririnig ko ang maingay na dagundong ng Araneta dahil sa sigawan ng mga tao. Agad akong napangiti.

".... I am beautiful, no matter what they say..."

Terrence's POV

"....I am beautiful, no matter what they say..." napalingon agad ako sa baba ng marinig ang boses na iyon.

Nakita kong unti unti syang itinataas, napalawak na ngiti ang nasa labi nya. Na ngayon ko lang muli nakita, napagakanda.

"Tsk tsk lalo syang nagmukhang kabayo." sabi naman nitong katabi ko. Hindi ko nalang pinansin.

Natutuwa pa akong pumalakpak, habang nagoopening. Napakasaya ko na makita ang taong mahal kong nakangiti at masaya, sana lang hindi na sya umiyak pa.

Fast Forward

Vice's POV
Nasa kalagitnaan ako ng Vice Pogi prod, nakita kong naghihiyawan na ng ang mga ViceRylle babies (kaway to them) Dahil napopogian sakin, YUCK! Maganda kaya ako. Natapos na ang 'This I Promise You' Napatingin ako sa itaas sa may Patron B at may nakita akong pamilyar na tao. Ng medyo lumiwanag doon ay nakumpirma ko kung sino sya.

Biglang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko, lalo na ng makita ko kung sino ang nakayakap sa kanya. Naramdaman kong may namumuo na namang luha sa mata ko. Yumuko ako para punasan. At itinuloy ang pagkanta.

".... what I have to do is follow you,to lighten up my loan. You treat me like a rose...."

Di ako pwedeng maapektuhan, kailangan kong tapusin ang konsyerto ng masaya.

General's POV

After ng concert ay nakangiting sinalubong ni Vice ang mga kaibigan at boss nya sa Abs-Cbn.

"CONGRATS MEME!" sabay sabay na bati ng Team Vice. At isa isang binigyan ng yakap si Vice.

"Well done, Vice. Napuno mo na naman ang Araneta. Natibag mo na naman ang record mo nuon." sabi ni Boss Gabby na halatang masaya.

"Salamat po, at syempre salamat sa Diyos diba?" sagot ni Vice.

Matapos ng ilang minutong pagkain ay nakaramdam ng pag-ihi si Vice kaya nagpunta sya ng C.R. Di naman inaasahan kung sino ang makikita nya doon.

Vice's POV

Nakita ko si Terrence, iniwan sya ni Dianara sa may C.R. Nakita kong pumasok sya, lakas loob ko syang sinundan sa loob. Pagpasok ko ay agad ko syang kinompronta.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito." kuyom palad kong sabi.

"V-vice?" nakita kong napalingon sya.

"At sinama mo pa talaga ang babaeng yon?" galit kong sabi.

"Fiance ko sya Vice." sabi nya. Ang galit na nararamdaman ko ay naging lungkot. Humihina na naman ako.

"Sayang naman kasi yung ticket nyo, may iba pa akong pony na mas deserve yon." nakakuyom palad ko paring sabi habang diretsong nakatingin sa kanya. Nakita kong yumuko sya.

"FUCK TERRENCE, Tangina naman! Alam kong ikakasal ka na, tinatanggap ko na din na hindi mo ko mahal. Pero, sana naman wag kong ipagduldulan sakin! Di ka na sana nagpunta, kung ito lang din ang ipapakita mo." galit kong sabi kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

"I'm sorry." nakayuko parin nyang sabi.

"Wag ka ng magpapakita sakin, kasi masakit, dito sobrang sakit." Umiiyak kong sabi habang itinuturo ang puso ko.

Terrence's POV

Tumulo narin ang mga luha sa mga mata ko, ayokong makita syang nasasaktan. Di ko na napigilan lahat at niyakap ko nalang sya bigla.

"I'm sorry, i'm sorry for being stupid. I'm sorry i'm not the perfect guy." umiiyak kong sabi habang mahigpit syang niyayakap.

"I love you, i'm sorry." sabi ko bago sya hinalikan sa noo at niyakap sya ulit. Nararamdaman ko ang paghikbi nya at pagbabalik nya ng yakap.

"Sshhhh, don't cry. I'm sorry, i'm sorry." sabi ko habang hinihimas ang ulo nya, pagpapatahan sa kanya.

"Alam mo, di ko maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo. Di ko magawang magalit, nanghihina ako sa mga yakap mo. Kahit sobrang sakit, nagagawa ko paring hindi magalit sayo."narinig kong sabi nya.

"Shh, tama na. Mahal mo ba ko?" tanong ko. Tumango naman sya.

"Jusko, mahal na mahal kita." sabi nya.

"I love you too." sabi ko bago sya binuhat ng bridal style at itinakbo palabas ng Araneta.

"Huy a-anong ginagawa mo?" tanong nya.

"May tiwala ka ba?" sabi ko ng makarating kami sa labas. Tumango naman sya.

Pumasok kami ng kotse ko at nagsimula akong magdrive.

"We'll run away, malayo sa Manila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAANO BANG MAGMAHAL? • ViRenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon