Chapter 1: My whole life story

27 4 2
                                    

Ako nga pala si Eiser Owen Martinez at Si Alishiana Suarez naman ay matagal ko ng kaibigan simula nung Grade 8 highschool palang kami at hanggang ngayon na college student na kami.
Marami rin nag aakala noon na may relasyon kaming dalawa dahil sa sobrang close namin sa isa't isa pero alam kong kapatid lang ang turing sa'akin ni Alishiana
Magaling kumanta si Alishiana at magaling rin sa acads.
Mathematics ang paborito niyang subject at hindi na'ko magtataka pa dahil simula nung nakilala ko siya magaling na talaga siya sa math kaya lahat ng nakakakilala sakanya namamangha sa galing niya sa math at ako naman magaling rin sa pagkanta pero hindi magaling sa acads mahina ang utak ko pagdating sa pag aaral pero kahit papaano nakakapasa pa rin ako.

Malalim na ang gabi at ang lamig na rin ng simoy ng hangin nakatambay ako ngayon sa balcony mag isa
nasa kwarto ko kasi ang balcony namin kaya kapag hindi ako makatulog nagkakape nalang ako at tumatambay dito

                         
                              ****
Goodmorning !!!

"Umaga na pala, ma l-late na naman siguro ako" 7am na'ko nagising at ang pasok ko ay 8am
Isa akong IT student stem ang kinuha kong kurso at si Alishiana naman ay BA (Bachelor of Arts in Photography) ang kinuha niyang course
Highschool palang kami pangarap na talaga niya maging isang photographer at ngayon pa unti - unti na niyang natutupad at ganoon rin ako

Naliligo na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko narinig kong may tumatawag kaya nagsaklob muna ako ng tuwalya para sagutin at tignan kung sinong tumatawag

Alishiana's Calling...📳

Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Alishiana sa cellphone lo kaya agad ko na itong sinagot
"Goodmorning! ang aga mo tumawag ha?" syempre greet muna bago tanongin kung bakit siya tumawag "Free kaba today? ano kasi eh may laro kami mamayang 9am sa court ng barangay malatap" volleyball player pala siya kaya minsan hindi niya alam kung anong uunahin niya kung pag aaral ba o sports, eh ikaw na nagbabasa matanong saglit anong mas mahalaga sa'yo pag aaral o sports? hehe

"Bakit? bakit parang madaling madali ka magsalita? teka lang naliligo pa ako" aligaga kasi siyang nagsasalita kanina "Wait 'wag mo munang ibaba yung call gusto ko lang sanang i-excuse mo ako sa prof ko mamaya, please pasabi may laro kami ng volleyball" hays hindi na naman pala siya nakapag paalam sa prof niya pero sige ipapaalam ko nalang siya mukang nagmamadali siya eh "O siya sige na ako na ang bahala ipapaalam kita pagkapasok ko" tinignan ko ang oras
Malapit na pala mag 9 kaya nagmamadali na rin ako
"Okay thank you eiser!maasahan ka talaga bye!" binaba ko na ang cellphone at tinuloy ko na ang pagligo ko halos kinakabahan na'ko kasi ma l-late na naman ako at magagalit na naman si Mrs. Ponaez buti nalang at kaibigan ko yung guard ng university namin kaya pwede pa akong makapasok kahit na late na late na ako

           
                                 ****

At school...

Around 9am na'ko nakarating ng school agad na'kong pumasok sa loob ng room namin at ang swerte ko dahil wala pa si Mrs. Ponaez
maingay pa sa loob ng room namin kaya naisip kong lumabas nalang muna at sakto pagkalabas ko nakita ko ang prof ni Alishiana si
Professor Axel kaya nilapitan ko kaagad siya bago pa makarating si Mrs. Ponaez sa room namin
"Ah hello po excuse me goodmorning po prof axel" medj. kinakabahan ako kasi mukang masungit at parang gulat ng makita akong kinausap siya "Hi dear! do I know you?" hays akala ko naman magagalit siya hmmm mabait naman pala "To be honest po hindi po hehe, I am Suarez's friend po at gusto ko lang po siyang ipaalam" nakakatakot yung tingin ni prof axel parang hindi siya kumukurap habang nagsasalita ako "Hm well, what do you want to say?" ang lalim ng boses niya "Hindi raw po makakapasok ngayon si Ms. Suarez may laban raw po sila ng volleyball sa barangay malatap" parang nag iisip si prof axel nung sinabi ko 'yun
"Hmm okay" biglang ngumiti si prof axel "Thank you po" ngumiti nalang rin ako atsaka umalis

Sunshine of my life Where stories live. Discover now