birthdaypagod..
yan ang nararamdaman ko ngayun hindi ko nga alam bakit bigla nalang akong napagod kahit natulog lang naman ako.
nakaririnig ako ng ingay sa labas at kaya naman ay lumabas na ako.
ngayun Ang birthday ni mama hindi ako nakapag handa dahil narin sa ginawa ko kahapon, naalala ko may assignment na ibinigay si sir kahit na restday namin.
umupo ako sa kama at kasabay ng pag hikab ko, tumayo ako ng naka paa, ang lamig sa paa ng lapag.
bumaba ako ng matapos ako mag toothbrush at mag ayos ng sarili, pagka baba ko ay nagulat ako sa nakita ko.
"maureen, umalis si tita tara tulungan mo kaming mag ayos" sabi ni kyle na ngayun ay inaabot ang lobo kay kurt.
"H-huh? teka bakit kayo nandito?" tanong ko
"sinabi kong birthday ng mama mo kaya nandito sila kami ang nag ayos" sabi ni jc at ngumiti "hehe" dagdag nya
"kaninong.....pera?" tanong ko.
"kay third, sabi namin mag aambagan kami pero sabi ni third sya na raw bahala" singit ni dave
"nasaan sya?" tanong ko
"ayun oh" sabi ni jc at itinuro ang lalaking komportableng naka upo sa sofa, sya lang ang walang ginagawa.
syempre sa kanyang pera e.
ngumiti ako rito at tinignan nya lang ako maglakad papalapit sa kanya.
"thankyou" sabi ko sa kanya ng maka upo ako sa tabi nito.
"no need to thank me" sabi nito at ngumiti sa akin "dapat sa akin mo sinabi hindi kay jc, kung hindi pa sasabihin ni jc siguro ay hindi ko pa alam ngayun" parang nagtatampo nitong sabi.
"di pa kase kita close e.." sabi ko ngumiti sya at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya
kinakabahan ako sa tingin nito, ayoko naman mag assume na gusto nya ako.
"how close do you want? like this?" tanong nito agad ko syang tinulak.
"hindi, i mean hindi pa kita masyadong nakikilala" sabi ko "ngayun nga lang tayo nag usap ng matino"
he laugh "yeah i know" sabi nito "mas gusto ko kasing ginagalit ka" sabi nito
"anong ibig mong sabihin?" tanong ko,
"cute mo magalit" he said and wink at me.
hindi nako nakahanap ng salitang pwedeng masabi Hindi talaga ako nakakaimik kapag sinasabihan ako ng magandang bagay tungkol sa akin.
nakakahiya kasi.
tumikhim nalamang ako at nakita ko ang maliit nitong ngiti .
ilang oras ay natapos na ang ginagawa nila, nagulat pako ng may mga pagkaing ipinasok.
ayon pala ay inorder nila dahil tamad silang mag luto, hindi nako nagreklamo kase libre na'to e.
dumating si mama at halos maiyak sya sa nakita, ngayun lang kami nag celebrate ng ganito, sa tuwing birthday nya kase ay simple lang talaga.
gala lang ay ayos na.
"s-salamat talaga" sabi ni mama, ngumiti ako dahil kita ko ang saya sa mata nito.
"happy birthday po " sabi ni kyle
"salamat iho" sabi naman ni mama
ngumiti si mama at sya naraw ang mag hahanda ng mga platito hindi na ako nagsalita dahil talagang mapilit si mama
kaya hinayaan kona sya tutal birthday naman nya at hindi nako makikipag talo.
nag kainan kaming lahat at sabay sabay kami nagtataka ako ng ang tahimik nila masyado.
"jc paabot" sabi ko kaya naagaw ko ang attention nila
"ayan oh ang lapit lapit" sabi ni jc at inusog kaunti ang lagayan na may laman na spaghetti.
"oo na" sabi ko
"naninibago ako, ang dami naman natin bakit ang tahimik ninyo?" tanong ni mama
"okay lang po?" tanong ni kyle "Kahit mag salita kami habang kumakain?" dagdag nya pa
tumango naman si mama "oo naman" sabi nito
pagkatapos non ay halo halo na ang topic nila, mas sanay ako ng ganito maingay.
sobrang saya ko talaga nang makita kong masaya si mama
binati ni jc si mama at ganon din ang iba, si third ay parang walang pake, sabagay sinabi na sa akin ni jenica na ganon ang ugali na meron si third.
hindi nako nag taka kong bakit parang wala syang pake, wala naman talaga syang pake sa lahat.
nakakaurat sya sa part na yun ah.
nang paalis na sila ay tumigil si third at tumingin sa amin
"happy birthday po tita"
++++++++++++
YOU ARE READING
ONLY GIRL IN SECTION WILD| OGS#6 [COMPLETE]✓
Random-ito ay ang babaeng napunta sa pinaka lowest section which is section wild, dahil ang mga makaka sama nya ang ang mga lalaking pala away,basabulero sa labas at loob ng university, sya ay isang babaeng malakas ngunit kung titignan ay mahina at iyaki...