Nag lalakad kami ng may napansin akong kanina pa nag mamasid samin. hindi kona lang muna pinansin at nag patuloy parin.
" hey, may nahahalata nako" pabulong na sabi ni prinzyvel. siguro kanina niya din napapansin.
nag tinginan kami at sabay sabing." tara na...." takbo lang kami ng takbo habang naka tingin ako sa likod namin na may tatlong lalaki na naka itim,naka face mask at balot na balot habang hinahabol kami.
takbo parin kami ng takbo hanggang sa gusto nang sumuko ng binti ko dahil sa pagod kaya pero hindi pwedeng hihinto kami.
Hanggang sa dulo ng tinakbuhan namin may eskenita kaming nakita kaya doon kami dumaan habang magka hawak ang kamay namin ng pinsan ko.
huminto kami sa isang madilim at mga puno lang. wala na kaming choice at dumaan kami sa kanan at mukhang wrong way panga ata. semento nayun at wala na talagang madadaanan.
nakita namin ang mga lalaki na palapit samin. " wag ka muna gagawa ng ikakagalit nila." pabulong na sabi ko sa pinsan ko. tumango lang siya at mukhang naintindihan niya naman ang nais kong iparating.
" hey girls, hahahaha grabe pinahirapan niyo pa kami." sabi ng isa na may dalang arnis.halata na napagod din sila sa kakatakbo para mahuli kami.
" a-ano k-kailangan niyo s-samin?" sabi naman ng pinsan ko.
"kung sumama kayo samin at hindi niyo na kami pinahirapan edi sana hindi pa kayo napagod. sayang naman ang Ganda niyo hahaha." sabi ng lalaking nasa kaliwa at may dalang kutsilyo.
tahimik lang kami ng pinsan ko habang pinapanood ang susunod na gagawin nila.
" ang sexy niyo naman." sabi ng lalaki na nasa gitna at puno ng pag nanasa.
" teka, sabi ni boss wag daw natin silang gagalawin" sabi nung nasa kanan.
"hindi naman malalaman kung walang mag sasabi" kaliwang lalaki.
naiinis nako sakanila pero kailangan ko munang malaman kung sino ang sinasabi nilang boss bago ako gagawa ng aksyon. hindi kopa rin alam kung sino ang paniniwalaan ko. mas mabuti na siguro na wag na muna mag tiwala kahit kanino.
palapit ng palapit ang mga lalaki.hanggang sa wala na kaming mapag aatrasan. nakasandal kami ng pinsan ko sa pader. nang makalapit na ang lalaki samin hinahaplos haplos nito ang pisngi namin at tumatawa.
mga demonyo talaga tong mga to.pag ako nakabawi sisisguraduhin kong mananagot sila. wala ba silang mga kapatid na babae o nanay, asawa,anak? halatang mga bastos at kulang sa good manners and right conduct. sabi ng isipan ko habang naka ngisi.
gagalawin niya na sana ang kamay niya pababa saking dibdib ng sinipa ko ang kalakihan niya. napadaing siya habang hawak yun.
"shit" sabi niya habang masama ang tingin sakin.
ganon din ang ginawa ng pinsan ko.at akmang tatakbo kami ng hinila nila ang mga binti namin.kaya natisod kami sa ginawa nila.
" pakipot pa kayong dalawa. wag kayong mag alala langit ang pupuntahan natin ngayon. at sasaya kayo ng lubos." sabi ng lalaking naka dagan sakin
" mga bweset kayo! binatawan niyo kami!!." sigaw ko sakanya.
" tangina!!" sigaw ng pinsan ko. habang unti unting hinuhubad ng lalaking naka dagan sakanya ang t-shirt na suot niya.
huhubarin sana ng lalaki ang blouse na suot ko ng may biglang dumating na dalawang lalaki. matangkad, naka slacks na itim, t-shirt na brown ang suot ng lalaking isa.pababa ang basa ng kanyang buhok.matangos ang ilong at may pulang labing maninipis. ang isang lalaki naman. magulo ang buhok at basa rin. naka jogging pants na gray, t-shirt na black, naka sumbrero ng itim, mapupulang labi,matangos na ilong.
suntok dito, suntok doon. tadyak dito,tadyak doon. haganggang sa tumakbo ang tatlong lalaki.
tinulungan kami ng dalawang lalaki na makatayo. at nag pagpag muna ako ng dumi bago namin hinarap ang lalaki.
" Okey lang ba kayo?" tanong ng lalaking naka brown samin.
" ahh... oo. salamat nga pala" sabi ng pinsan ko.
" kilala niyo ba ang mga yun" tanong ng lalaking naka black.
" hindi. staka sadya nila yun. may boss silang binanggit kanina." sagot ko naman.
" by the way, ako nga pala si Franklin." pag pakilala ng naka brown na lalaki. nilahad nila ang kamay niya sa pinsan ko sabay samin.
" ahm.. prinzyvel nga pala" sagot naman ng pinsan kong namumula.
" yoohan" cold na pag-papakilala naman ng lalaking naka black.
" jhaycie" sabi ko naman. nilahad ko ang kamay ko sa lalaking naka black at tinanggap niya naman yun.
pero... bakit parang ang bilis naman ata ng tibok ng puso ko. baka hiningal lang dahil sa nangyari kanina.
tinulungan kami ng dalawa na makatayo. tinuro niya din ang daan samin. habang nag lalakad kami nahihiya akong sumaharap kay yoohan. sa harap naman ang pinsan ko at si Franklin habang masayang nag tatawanan ang dalawa. habang kami heto nag lalakad ng tahimik.
" ahm.. pano niyo pala kami nakita kanina." naguguluhan na tanong ko habang nag lalakad.
" nag jogging kami, tapos dumaan kami sa convinience store para bumili ng tubig.tapos dumaan napadaan kami sa compound nayun.naka headset si yoohan nun hahaha. tapos akala ko guni guni kolang yung sumisigaw. palapit kami ng palapit sa kinaroroonan niyo ng may narinig talaga ako.kaya ayun hindi naniniwala si yoohan nun. akala niya kasi nag bibiro ako pero narinig niya din, tapos nakita namin kayo." pag kwento ni Franklin.
" salamat talaga sa inyo at dumating kayo." namumulang sabi ng pinsan ko.
kanina pako nakakahalata ah. may gusto ba siya agad sa lalaking yun?. pero bahala na siya. iniisip ko parin ngayon yung mga lalaki at kung sino ang may pakana nun malalagot talaga sila ng buhay.
habang nag lalakad kami. diko napansin na nandito na pala kmi sa street namin kaya himinto na kami.
" sege,dito nalang siguro. salamat nga pala kanina." nakangiting sabi ko sa dalawa.
" sure kayo?" tanong ni Franklin na kita parin sa mukha niya ang pag aalala.
"ahh... oo. mag salamat ulit at mag ingat kayo." sabi ng pinsan ko.
" thank you." sabi ko naman na kaharap si yoohan na cold parin kung titingnan.
"ok." maikling sabi niya.
tiningnan namin ang pag alis nila. at nag simula naring mag lakad pauwi ng bahay. hindi naman malayo yun dito dahil pag pasok ng malaking gate tinitingnan muna ng mga guard ang I'd namin. masyado silang mahigpit para narin sa kapakanan ng naka tira dito.
pag katapos namin pinakita ang I'd namin pumasok na kami sa loob at nag lakad.
" ang pogi nila. type kona ata di Franklin" kinikilig na sabi ni prinzyvel sakin at panay hampas sa braso ko.
gwapo naman sila pareho pero hindi parin nawawala ang kagwapohan ni yoohan.
si Franklin joyful siya at makulit.ka vibes niya nga ata pinsan ko kaya ganon nalang sila kanina.
si yoohan naman pogi kaya nga lang mas cold pa sa malamig na tubig.seryoso ang mukha.pinapahalagahan din masyado ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. isang tanong isang sagot. pasalamat at pogi.