REID SIERRA
(Hours before the date)
As soon as Lily fell asleep, I quietly slipped out of bed and headed to the bathroom. After a quick shower, I changed into fresh clothes and carefully left the house, making sure not to wake her.
Nagpunta ako sa clubhouse na nasa loob ng Sierra Executive Village. Nakita ko sila Ezekiel at Ravi na naglalaro ng billiard, habang umiinom naman ng sila Riley, Yuri, Rafael, Eros at Ethan. Habang tahimik na nagbabasa ng libro sina Ysrael, Elio at Ryker sa kabilang gilid. Nasa labas naman at tapat ng pool si Errol at busy sa kanyang laptop, habang si Yael ay may kausap sa cellphone na nasa tabi ni Errol. Si Yassir naman ay nasa bar counter at nagtitimpla ng kape. Coffee is life for him. Hindi ko naman mahagilap si Yasmir, Emman at Yohan.
Inakbayan naman ako ni Yasmir na kakarating lang. "Anong ganap at pinapunta mo kaming lahat dito? At talagang nahuli ka pa." Natatawang sabi ni Yasmir.
"Malamang alam mo na kung anong ginawa para ma-late," natatawang sabi ni Emman. Sinamaan ko siya mg tingin at nag belat lang ito.
"May asawa't anak na ako, Reid. 'Di mo ko madadaan sa painosenteng galawan mo!" Sabi ni Emman tsaka tumawa ng malakas.
"Napakagago mo talaga," sabi ko at binato ang unan sa kanya. Napaupo naman kami ni Yasmir sa tabi ni Eros na namumula na.
"Lagot ka kay Sam niyan," wika ko kay Eros. Tumawa naman si Eros, "kaya nga nandito e, nag-away." Sabi naman ni Rafael. Tinaasaan ko naman ng kilay ang kapatid ko, pero natawa lang siya.
"Hindi na makaisa kay Sam. Napapagod na daw mabuntis!" Natatawang sabi ni Riley.
Apat na beses na kasing nabuntis si Sam, compare kay Hira na dalawang beses lang pero may limang anak agad, well, anak ni Fiona si Haniel kay Yasmir pero si Hiraya na naging ina ni Haniel.
"Ang babaw naman ng pinag-awayan niyo." Sabi ko nabatukan naman ako ni Riley kaya binatukan ko din siya.
"Putcha ka, Li!" Mura ko sa kanya, "Love you too, bro." Inirapan ko siya. "Nagagaya na kay Lily," natatawang sabi ni Yuri.
"Bakit?" Tanong ni Rafael. "Mahilig mang-irap ni Lily." Sabi ni Yasmir. "Para namang lagi mong kasama." Sabi ko kay Yasmir na nakataas na kilay. "Wala, mukhang alam ko lang." Tumawa ito na parang baliw.
"Bakit mo ba kasi kami pinatawag?" Inis na tanong ni Eros, kaya natawa ako. Mukhang gusto nang makipagbati kay Sam at makaisa. Gago talaga 'to.
"I need your help," napatayo naman sila Eros, Ethan at Riley at naglakad palayo, habang natatawa naman sila Yuri at Yasmir.
"Mga gago 'to! Kapag sila may kailangan go agad kami." Asar kong sabi sa tatlo. Napatingin naman silang tatlo saakin at sinamaan ako ng tingin.
"Ayusin mo, Reid. Baka batuhin kita ng bote diyan." Asar na sabi ni Eros.
"Spill, Reid. I have no time to deal with this. I still have a lot of works to do. Faster." Ethan commanded. Sus, sarap batukan ng isang 'to kaasar!
"I'm going to propose to Lily tomorrow. Sana." Mabilis kong sabi sa kanila.
Natahimik silang lahat, pati ang tatlong bunso ng pamilya namin na sila Ryker, Elio at Ysrael na tahimik ay mas lalong napatahimik. Napatigil sa paglalaro ng billiards sila Ezekiel at Ravi. Maging si Yassir na nagsasalin ng kape ay napatigil kaya umagos ang kape nang mapuno ang tasa ni Yassir. Si Yael naman na may katawag sa cellphone ay napatingin din sa akin at hindi na nagsalita. Lahat sila natigilan except kay Yohan na humihikab at kalmadong pumasok ng clubhouse pero nang makitang natigilan mga kapatid at pinsan namin ay kumunot ang noo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/369162958-288-k37171.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted Fate (Reid Sierra)[Under-Editing]
RomanceWARNING: R18+ on some chapters. Read at your own risk. Reid Sierra x Chandria Lily Lopez Reid Sierra and Luxury Suarez had been together for a decade before their wedding day arrived. However, their joyous occasion turned into chaos when a woman, na...