CHAPTER 18

98 2 0
                                    

ASIA

Nang magising ang aking diwa ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mata para tignan kung katabi ko ba si Philip. He's not home when I arrived last night, and I haven't felt his presence all through the night. Kinuha ko ang aking cellphone to check the time. I have 30 minutes to prepare bago magsimula ang oras ng aking trabaho. I have to work starting 10 AM to 10 PM, but Blaire said that I don't have to follow it. Napaisip ako roon kung dapat ko ba siyang sundin kaso ang pasahod nila ay base sa gaano karami ang ma-e-encode, it's not hard for me kaya I'll work full time. 

Money is money.

Bumaba ako sa kusina para makapag-almusal at nakasalubong ko roon si manang. I asked her about Philip's whereabouts, but she don't have any idea dahil hindi pa rin daw siya nauwi. Nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala. Baka mamaya ay kinuha na siya ng mga laman-lupa or maybe he's been kidnapped by aliens. I tried to ease my worries by focusing on eating, and it worked. Sinimulan ko nang mag-encode at madali ko lang natapos ang unang page. Labis akong nakaramdam ng tuwa pero agad din itong napawi nang makita ko ang second page.

Too many numbers, rows, and columns.

Sinubukan ko itong basahin at intindihin nang paulit-ulit, but I still cannot comprehend. Loud thuds of my heart make me think that it can be heard on every corner of this room. I tried contacting Blaire for help at halos kapusin na ako ng hininga dahil hindi siya sumasagot kahit ilang ulit ko siyang tinatawagan. All I can hear is a woman that kept saying that I don't have enough balance to—never mind. Napaiyak na lang ako dahil pakiramdam ko na sobra ang pagiging tanga ko. Hindi ko alam ang gagawin sa second page kahit ilang beses na itong itinuro ni Blaire plus hindi ko rin naisip agad na wala pala akong load. Palakas nang palakas ang aking iyak hanggang sa nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Kuya!" I rushed towards him dahil hindi ko inaasahan na pupunta siya rito.

"Little Asia, I heard you crying kaya nagmadali akong umakyat." He inspected me and kissed my forehead. "Sinaktan ka ba ni Philip?"

"No, kuya. He's not here," humihikbi kong tugon. "Bakit ka po nandito?"

He shifted his gaze to the study table where the laptop sits. "You're working?"

"Yes, kuya. I want to earn para hindi nakaasa lahat kay Philip. Gusto ko rin po na kung may sosobra sa magiging sahod ko, ibibigay ko po 'yon sa kumbento."

"That's so nice of you, little Asia. Though, what made you cry?" He asked with confusion.

"Nakaka-frustrate po kasi, kuya." Itinuro ko ang sandamakmak na folder na nakapatong sa study table. "Hindi ko maintindihan 'yong gagawin kahit naituro na sa akin."

Kuya Jaesten laughed softly. "I'll help you. Let's go."

He sat down beside me while browsing the contents of each folder. Pinagmamasdan ko siya at kitang-kita na naguguluhan din siya rito. Pipigilan ko na sana siya para hindi na makaabala pero nagulat ako nang nagsimula na siyang mag-type sa laptop.

"Kuya! Hindi ikaw dapat gagawa niyan. Teach me, please?" I gently touched his hand, and he pulled me closer to show me the details. Masinsinan ko siyang pinapakinggan habang sinusunod ang kaniyang mga instruction. Nawala ang kaba na aking nararamdaman at napalitan ito ng comfort. "Life savior talaga kita, kuya."

"Lagi akong nandito para sa'yo." Umakbay siya sa akin at hinalikan ang aking ulo. "Let's have lunch, my treat."

Excited akong tumayo at nagmamadaling bumaba. Inunahan ko siya dahil baka mamaya ay nandito na pala si Philip, but lucky me, he's still not here. "Hurry up, kuya!"

Indulging in Lustful Sins (Hamartolos Series #1)Where stories live. Discover now