Prologue

3 1 0
                                    

Memories are unstable. At least, that is what other people believe. You can easily forget a person whom you have accidentally bumped into while strolling on the sidewalk. Madali mong makalimutan ang mga taong panandalian mong nakasalamuha during your academic years. You'll meet a few people as you go on living and might perhaps create a special bond with them, pero mayroong pagkakataon na hindi sila magtatagal sa buhay mo and that's okay. You get it. You're fine with it.

Oo, maaalala mo 'yung ibang memories mo with them, but once you went separate ways, masasabi mo nalang sa sarili mo. . . "Ah, nagkaroon pala ako ng ganitong moment with them?"

That's how unstable memories are. That's at least what I thought. Kaya naging kampante ako. I thought that maybe, when I grow older, I won't be that bothered anymore when people around me start to drift away from me. But then I realized. . . meron at meron pa rin pala talagang mga taong hindi mo kayang pakawalan. Mga taong gugustuhin mong makasama habang nabubuhay ka. But was it really the person that I was having a hard time to forget or the memories that we made together? 

Binato ko ang aking phone sa sofa at sinubukang ibaling na lamang muli ang atensyon sa pagrereview. Pero kahit anong pilit ko, kahit ilang ulit kong basahin ang kahulugan ng lintik na Trichuris trichiura na 'yan ay wala pa ring pumapasok sa isip ko. 

Pinatong ko ang siko ko sa coffee table at mahigpit na lamang na napasabunot sa aking buhok. Malalim akong napabuntong hininga at nanlilisik na napatingin sa inosente kong phone na nasa sofa. 

Natawa ako sa sarili at marahas na napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nabasa kong balita sa Twitter. 

"Topnotcher. . ." Bulong ko sa sarili. "Good for you." I bitterly crumpled the nearest sheet of paper I've been using for reviewing. 

"What a life you have there, Riguel Tristan Fabrigo." 

Agad namuo ang butil ng luha sa aking mata. Napakagat ako ng pangibabang labi at bago pa man tuluyang tumulo ang luha ko ay mabilis ko na itong pinahid.

"Babawi ako." Sunod kong bulong at pilit pinursige ang muling magreview. 

Ngunit makalaan ang ilang minuto at wala pa ring pumapasok sa isip ko ay tuluyan na akong nalugmok at inuntog ang noo sa coffee table. 

"Ahhhh! Bwisit!" Padabog akong napatayo at nameywang. "Sinong niloko mo Alflor! Sa tingin mo ba talaga ay kayang mong mag-topnotcher? Ha?! Ni hindi mo man lang nga naransang maging DL tapos ano?! Topnotcher? Bobo ka pala eh!" 

Para akong baliw na dinuro-duro ang hangin habang kausap ang sarili. Habol ko ang aking hininga habang nanatili akong nakatayo. Hindi ko maiwasang magalit kay Riguel kahit na wala naman akong karapatan na magalit. 

Bakit nga ba ako magagalit kay Riguel kung ako naman ang tumapos sa relasyon namin? 

Marahas at iritado kong kinamot ang ulo dahil sa sariling realizations. I'm being petty all over again. Akala ko ay naka-move on na ako. Akala ko wala nang epekto sa akin ang Riguel na 'yan. Pero ano ako ngayon? Ito at hindi na agad mapakali dahil sa nabasang artikulo. 

A graduate from the University of Baguio is the topnotcher in the March 2024 Medical Technology Licensure Examination, according to the Professional Regulatory Commission (PRC).

Riguel Tristan Fabrigo garnered a percentage rating of 95 percent, the highest among 7,309 graduates who successfully hurdled the exam given earlier this month. 

I bit my lower lip, and it nearly bled. When I realized that there's no point in grumbling about these things, I heavily sighed. 

Naglakad ako palapit sa drawer ko at kumuha ng jacket. Sunod kong ibinulsa ang wallet ko, kasama ang susi ng apartment, pati na rin ang phone ko. 

Until the World Grows Tired of UsWhere stories live. Discover now