Paru-paro

1 0 0
                                    

Sa ngiti pinapakita, may lungkot sa mga mata, 
Hindi maibsan mga luha na pagsisi. 
Sa huli, hininga, hindi kita nakausap 
Dahil sa pagmamalaki ko sa'yo. 

Alam ko wala kang ginawa kundi puro kagandahan lang sa akin. 
Sa huli nating pag-uusap, ikaw unang humingi ng patawad. 
Sa pagtulo ng aking luha, naalala ko bawat nating 
Nakaraan na puno ng saya na walang katapusan. 

Kahit wala ka na, isang paru-paro'y lumilipad 
Na parang sinasabi, "Kaya mo 'yan." 
Kahit sa huling pag-alis mo sa mundo, 
Ako pa rin ang inaalala mo.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon