PROLOGUE

25 0 0
                                    

WARNING⚠
This story contains mature content, vulgarity, abusing, violence and other disturbing content that may not be suitable for young readers.

--------

"Putangina. Ano ahas ka rin?" gigil kong sinuntok si Gino, tangina. Sa lahat ng mga kaibigan ko siya ang hinding hindi ko pinagdudahan na aahas sa girlfriend ko.

"Fuck you, man!" Ilang beses ko pa siyang sinuntok, pumaibabaw na ako sa kanya dahil sa gigil ko.

Madaming pumipigil sa akin, sila Evan at Taniel na hinihila ako patayo akala mo naman kung sinong hindi rin ahas.

"Tumigil ka na nga! Puta, mag asawa na ba kayo ni Jiel para maging ganyan ka?!" Si Lee, at bumira naman ng suntok sakin ang gago.

Punyeta, kung pwede lang sabihing nagselos po ako your honor kapag napatay ko ang mga 'to.

iika-ikang tumayo ang ahas kong kaibigan na si Gino at inis na pinahiran ang dugo sa labi niya.

Ngumisi ito sakin ng nakakaloko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

'Nu kala niya sakin matatakot sa kanya? Mukha niya!

"What if I say na.. she initiated the kiss..?" nakakatanginang tanong nito.

"Eh tangina ka pala eh!" Akmang susugod ako ng hawakan na naman ako nila Evan.

"Morons. Are you going to ruin our friendship because of that woman?" Si Eros na kanina pa nanonood samin mag rambulan.

"Matagal na tayong sira, Ros" si Krein na parang baliw na tumatawa kahit maraming galos sa mukha na gawa ko, ahas rin 'yan eh.

Patalikod dumadamoves kay Jiel, ang gago.

"Jiel fixed us, lahat ng kagaguhan at mali natin inayos niya." Mahinang bulong ni Evan pero sapat na para marinig naming lahat.

"Paalala lang mga bro, hindi lang basta babae si Jiel, BABAE KO si Jiel, akin..  akin lang." Inis kong tinanggal ang hawak nila Evan sa braso ko, pinagpag ko pa at pikon akong naglakad palayo sa kanila.

"Kung naghahanap kayo ng malalaro, 'wag niyong idamay si Jiel, maraming babae sa labas, 'wag niyong idamay sa dumi at kababuyan niyo si Jiel." Badtrip kong dinampot ang itim na bracelet ko na napigtas kanina, gawa 'to ni Jiel mas importante pa 'to sa buhay nila.

Bago tuluyang makalabas rinig ko pa ang nakakalokong tawa ni Krein at ramdam ko ang nakakamatay nilang titig sa bulto 'kong papalayo.

Mga ahas.

"May the best man win, Red!" huli kong narinig bago ko ipaharurot ang Black Sedan ko.

Nilabas ko agad ang phone ko at tinawagan si Jiel.

Ako ang boyfriend, ako lang.

--------------




A/N: Who's yourr fighterr??

-Jared - the hot possessive boyfiee

-Eros - the nonchalant na selosong dzaddy/indenial na bet niya rin si Jiel

-Evaniel - the kind/gentle one specially kay Jiel

-Krein - the oa kid na nasobrahan sa gatas nung bata/attention seeker pagdating kay Jiel

-Nathaniel - the tahimik na baby na amoy baby Johnson/clingy/mahilig magpababy kay Jiel

-Gino - the mayabang na playboy pero obsessed kay Jiel

-Lee - the clown sa circle nila/taga-awat pag may nag aaway, pero pag si Jiel kaaway tiklop agad

B E L

Chasing The WavesWhere stories live. Discover now