"Hindi ako naniniwala sa love at first sight hanggang sa naranasan ko ito..."
Sa unang araw ko sa "KP University" (ito'y paaralan sa mga mayayaman at matatalinong estudyante) nahihiya talaga ako dahil isa lamang akong hamak na anak ng mahirap. Ang aking ama ay isang magsasaka at ang aking ina naman ay isang labandera. Nakapag-aral ako sa eskwelahang ito dahil may iskolar ako. Hindi dahil sa matalino ako kundi sa aking talento.
Habang naghihintay ako sa aming susunod na subject, umupo muna ako sa bench habang nakatingin sa water fountain ng school. Hanggang sa may nakita akong lalaki na nakangiti sa akin at bigla nalang huminto ang mundo ko...
"You look familiar, have we met before?" tanong ng gwapong lalaki sa akin pero hindi ako sumasagot dahil wala akong narinig sa sinasabi niya tanging mukha niya lang at ngiti ang nakikita ko.
"Hey! Bingi ka ba? O di ka lang makaintindi ng English?" tumatawang tanong ng lalaki sa akin kaya namumula ang pisngi ko at bigla akong natauhan.
"Sorry po..." nahihiya kong sagot sa kanya sabay yuko.
"It's okay! By the way, Just call me Kyle! How about you?" tanong niya habang nakatitig sa akin.
"Jenny... po...!!!" nauutal kong sagot. Hindi ko akalain, sa unang pagkakataon naging ganito ako sa isang lalaki.
"Nahiya ka ba sa akin? Ganyan ka ba talaga magsalita? O may pagtingin ka sa akin? Hahaha" pang-iinis niya sa akin.
"Bakit naman ako magkagusto sayo? Ang badoy mo nga manamit buti nalang gwapo ka!" irap ko sa kanya.
"Badoy pala ha! Okay! Salamat, Ms. Jen!" nasasaktang sagot ni Kyle sa akin.
"Wait! Kyle!" tawag ko sa kanya ngunit hindi na ito lumingon pa.
Hanggang sa lumipas ang ilang araw at linggo hindi ko na nakita pa si Kyle kaya nalulungkot ako dahil namimiss ko siya.
"Jen, hwag ka nang malungkot dahil nabalitaan kong may bago tayong kaklase at anak ng may-ari ng school natin! Sabi nila, gwapo raw!" kinikilig na sabi ng aking kaklase na naging kaibigan ko na rin, na si Jassy.
"Hindi ako interesado!" tipid kong sagot sa kanya. Hanggang sa pumasok na ang aming guro.
"Guys! Meet, Kyle Petterson ang anak ng may-ari ng ating school." pakilala ng aming guro.
Grabe ang kaba ng aking dibdib hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil iba na siya ngayon, para na siyang Hollywood star. Nanliit tuloy ako sa aking sarili, hindi ko akalain na mayaman ang taong sinabihan ko nang badoy.
"At Kyle doon ka maupo sa tabi ni Jenny!" utos ni Ma'am Cruz kay Kyle ngunit bigla itong sumagot.
"I don't want to sit next to her! She's so badoy!" seryoso niyang sabi at nagtatawanan ang aming mga kaklase.
Doon nagsimulang binubully ako ng aking mga kaklase. Ang tahimik kong buhay naging magulo na simula ng makilala ko siya. Ang feelings ko sa kanya biglang naglaho at napalitan na ng galit.
Gusto ko nang huminto ng pag-aaral at bumalik nalang sa aming probinsya ngunit naalala ko ang pangako ko sa aking mga magulang na makapagtapos ng pag-aaral. Pero paano ko ito matutupad kong may galit sa aking tao?
Tumawag ako sa aking ina dahil malungkot ako at gusto ko nang kausap...
"Nay, magagalit ka ba kung huminto na ako sa aking pag-aaral?" malungkot kong tanong sa kanya ngunit hindi ito sumagot at nagbuntong hininga lang ito.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa Unang Tingin
Short Story"Hindi ako naniniwala sa love at first sight hanggang sa naranasan ko ito..."