"N-nay wag po, masakit," daing ko habang hinila niya ang buhok ko at kinakaladkad papuntang kusina.Ang sakit ng anit ko.
"Diba binilinan kita kanina bago ako umalis na hugasan mo lahat ng plato dito?!" Singhal into sa akin.
"O-opo-"
"Oh bakit hindi mo ginawang babaeta ka ha?!!"
"Nay g-ginawa kopo kasi yong mga takdang arali-"
"At talagang sasagot kapa," kinaladkad niya ako patungo sa lababo namin na gawa sa kahoy na puno ng mga hindi pa nahuhugasang mga plato at saka ako nginudnod at nilampaso doon.
"N-nay tama na po," igik ko pero parang wala lang siyang narinig at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Wag mo'kong matawag tawag na nanay dahil hindi kita anak! hindi ba at sinabi ko na sayong wag ka ng mag-aaral ha? ano? akala mo may pera tayong pantustos diyan sa pag aaral mo nayan ha?" Singhal into sa aking at hinala ang buhok ko at tinulak ako patungo sa basurahan.
"Yan! yan ang bagay sayong hayop ka, hindi ka marunong makaintindi ng estado natin sa buhay, pesteng to," Singhal nito sa akin at nag lakad na palayo sa akin.
Pinahid ko ang mga luha ko at tumayo mula sa pag kakasalampak at inayos ang mga natapon na basura at ibinalik sa basurahan habang pinipilit na hindi lumuha.
Palagi nalang ganito, kailan ba ako masasanay?
Porket ba anak ako sa labas ay dapat ganito na ang trato saakin ng mga tao?
Hindi ko namang kasalanan na ipinanganak ako sa mundong ito.
Noong buhay pa ang itay at may kaya pa sa buhay ay hindi ganito ang trato sa akin ni nanay, tinatrato niya akong tunay niyang anak pero noong namatay ang itay ay para naring hayop ang turing niya saakin.
Sana hindi nalang ako ipinanganak sa mundong ito kong ito lang rin naman ang
kahihinatnan ko, sana hindi na lang ako binuhay.Kung sana lang...
YOU ARE READING
Being His Whore
RomanceBEING HIS WHORE WARNING: THIS STORY IS RATED 18, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. DARK ROM-COM. (Saerafina and Xavier story)