Chapter 8

3 1 0
                                    

Irishanne Yvonne Hiraeji Pov.


Grabe first week natin sa CIS no? Clinic agad bagsak ko! Natatawang sabi niya habang gumugulong sa kama. Weekend ngayon kaya nasa apartment kami, iisa lang din ang tinutuluyan namin.

Lapitin kase tayo sa gulo, kahit magpakasanto ka pa sabi ko naman na ikina tawa niya, umupo naman siya saka mariin akong tinignan

Feeling ko talaga sis, may crush sayo si pres. Biglang usal niya kaya nabilaukan ako sa iniinom ko

Ayan ka na naman, sabing wala! Sadyang mabait lang yung tao...

Hindi talaga bestie! Kakaiba siya tumitig sayo kaysa sa...

Tigilan mo na nga yan, ang bata pa nun...

Anong bata? Balita ko 17 years old na yun! Takang napa tingin naman ako sa kanya

Ha?

Mukhang huli siya naka pag aral kaya nauna ang edad niya...

Bata pa din yun no!

Eh ano naman? 13 years old nga ako nang magkaroon ako ng crush...

Magkaiba kayo!

Basta! Pusta ko 50, may gusto yun sayo! Hindi ko nalang pinatulan pa

Ano namang balak mo kay Escaves? Mukhang hindi ka talaga titigilan nun. Mahinang sabi ko

Ay ewan! Bwisit naman kase eh! Mag babagong buhay na nga ako sa pagiging bulakbol may dumating namang fish ball!

Hinding-hindi ka na ata talaga magkakaroon ng katahimikan duon  saka ako napa iling

Psh... Gala tayo!

May pera ka? Napa simangot naman siya

Hindi tayo magshoshopping, mag papa aircon lang sa mall. Saka siya tumayo para ata mag bihis, nag kibit balikat nalang ako

***

Kanina pa kami dito sa mall, inaaliw niya lang ang sarili sa pagsusukat ng damit pero wala namang pera.

Bagay sayo to beshie! Tinapat niya pa ang blouse sa akin kaya tinabig ko iyon

Ayoko, baba na tayo. Sabi ko

KJ mo naman sis! Tara na nga!

Don't pull me, I can walk! Pero nginisihan niya lang ako kaya napa irap ako

Jabi tayo!

Ha? Jabi what? Takang tanong ko

Jollibee, duh?!

Tsk... siya na ang nag order, nag hintay lang ako. While waiting ay namataan ko si Pres, may kasama siyang babae.

Girlfriend niya ata?

Ang sweet kase nila, talagang mahahalata na mag jowa.

At talagang pumasok sila sa Jollibee, wala naman akong pakialam dun.

Don't forget the Icecream! Rinig kong sabi ng babae, ang tinis ng boses

I know, just look for a seat.

I look around the place, walang nang vacant pero baka sa taas meron. Nang biglang may lumapit sa akin.

Dicentra (Bleeding Hearts)Where stories live. Discover now