Prologue

0 0 0
                                    

Goodbye senior life, hello 1st year college. Sa sobra atang excited ko, hindi na ako nakatulog kagabi, kinakabahan din at the same time but I'm excited of my new journey!

"Anak, kumain ka muna masyado ka naman excited sa first day mo" nilingon ko si mama na abala sa pagluluto sa kusina, amoy palang ay sobrang sarap na!

"Syempre naman ma! tatlong taon nalang at matatapos na school life ko at makakatulong na rin ako sa inyo" sabi ko at tinulungan siya pag ayos ng plato at kutsara, kami nalang tatlo ni kuya at mama, lumipat kami dito sa home town ni mama dahil nahihirapan na kami sa spain. Sa spain talaga kami nakatira haggang sa namatay si papa dahil sa sakit at walang malapitan si mama na kamag anak ni papa dahil ayaw nila kay mama kaya napilitan kaming lumipat at tumira sa pilipinas.

"Alam mo nak, parehong pareho kayo ng kuya mo" lumapit ito sa akin at niyakap ako "pero, kaya ko pa naman anak, ang intindihin mo nalang pag aaral mo para makatapos ka at magbuo ng sarili mong pamilya" umiba ang timpla ng aking mukha ng marinig ko ang pang huling sinabi ni mama.

"Kadiri ka naman ma, ayoko nga" sabi ko at nagpapanggap na nasusuka, wala talaga sa isipan ko ang mag ka pamilya man, kahit ata 30 na edad ko, ayoko pa rin.

"Asus, baka mag ka boyfriend ka na agad sa university niyo" mas lalo ata akong masusuka nito, habang si mama ay tawa ng tawa. Hindi naman sa ayaw ko, wala lang sa isip ko

"Bawal pa yan mag boyfriend, ma" may biglang sumingit at nakita namin si kuya na bumababa sa hagdan at inaayos ang necktie niya, lumapit naman si mama at inayos ito.

"Wag mo naman pag higpitan kapatid mo, baka magtampo yan"
hindi nalang ako nagsalita at umuna ng umupo sa upuan

"Hindi naman sa ganon ma, ayaw ko lang na may umaaligid dyan tapos sasaktan lang din pala, nangako ako ni papa na aalagaan ko kayong dalawa" ngumiti ako sa narinig ko at nakita ko naman na niyakap ni mama si kuya, ayaw pa naman ni kuya sa yakap. Masyadong maarte eh pero no choice siya, si mama nayan.

"Una na kami ma" sigaw ko at kumaway kay mama, sumabay na ako kay kuya pareho naman kami ng dadaan sa pupuntahan namin o in short, parehong university kami papasok. Teacher na si kuya, sa sobrang talino ba naman nito at gwapo syempre genes na nakuha niya ni papa, nakapasok agad dito pero walang nagkakaalam na magkapatid kami, hindi naman kami masyadong kamukha, mas kamukha ko si mama habang siya si papa kaya't walang nagtataka masyado, iilan nagsasabi na magkamukha kami pero tinatangi lang namin.

"Wag kang mag jojowa" ani ni kuya at napatingin ako sa kaniya, bago pa naman ako makasagot ay umalis na agad siya at tumunog na ang bell.

Hala, hindi ko alam saan room ko. hindi ko na nakita kung saan napunta si kuya at dali dali nalang akong tumakbo, ako nalang ata hindi pa nakakapasok sa room.

Alam ko anong room peri hindi ko alam anong floor, 4th floor ang kada building alangan naman isa isahin ko ito!

Tumakbo ako patungo second floor at may nakita akong pa akyat din, late din siya? tanungin ko kaya.

"Hi, excuse me" sabi ko at hinihingal, nilingon niya ako at oh boy biglang nagpakita ang anak ni Aphrodite, ang gwapo!

Hep hep, janna bawal ma distract! Focus sa goal, deadma sa gwapo!

"Tatanungin ko lang sana kung..."

"No, i have a girlfriend"

Ano?....inaakala ba niya, sabagay gwapo dami talagang nagtatanong sa kaniya, tanongin ko nalang ulit.

"Hindi yon, tatanong ko lang sana yung—"

"I don't have a phone"

ano daw??? potangina, sobrang assuming naman nito, iniinis ako nito last nalang, ma l-late na talaga ako

"Tatanungin ko lang kasi—"

"I'm busy" sabi niya at umakyat sa hagdan, bwisit siya!

Sinundan ko siya at huminto sa harapan niya, "Alam naman natin na gwapo ka, yes that's true but you're super duper feeler, don't you know that? Tatanongin ko lang naman kung alam mo ang room A-5 pero sa sobrang dami ata ng admirers mo, kahit ang nagtatanong lang ay hindi mo na pinapasalita!" Matapos kong sabihin yun ay umalis na ako agad, first day ko at first subject ma l-late ako, kainis!

Pumunta ako sa 3rd floor at buti nalang ay andon ang room na hinahanap ko, pumasok agad ako at buti nalang wala pang prof. nandon at agad agad akong umupo sa harapan, hindi ako nakakakita ng malayo eh.

Nakita ko bumukas ang pintuan at nakita ko naman siya, dito rin siya?! Iniinis ata ako ng universe!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sevgilim Where stories live. Discover now