KUNG BALAK MO ITONG BASAHIN, SA DREAME APP MO NA LANG ITULOY. KUMPLETO KASI ANG NAKA-UPLOAD NA CHAPTERS DOON. KAPAG DITO MO BINASA, MABIBITIN KA LANG. MY DREAME USERNAME IS iamjcquin. SEARCH MO LANG DOON. PA-FOLLOW NA RIN AND ADD TO LIBRARY! THANKS! ENJOY READING! ^__^
P.S. DON'T WORRY, LIBRE DOON AND HINDI NEED NG COINS. ^__^
Di talaga ako makapaniwala na ang daming magvovote at comment dito.. Kaya maraming thank you talaga! :)) Sana hanggang dulo suportahan niyo yung story :) Sa mga gusto naman magbasa ng finished stories na, if ever mainip kayo sa paghintay ng updates dito.. You can check my profile:
Finished stories:
Living Under The Same Roof Book 1 and 2
A Kiss in The Rain
My Hot Alien Boyfriend
Cursed To Love You
First (one shot)
Ang Payaso (one shot)
Dedicated to ban_VIP22 isa sa mga active readers ko.. Ilang stories ko na rin kasi ang nabasa niya.. with votes and comments pa.. Kaya salamat! :))
Enjoy!:))Panagutan Mo 'Ko! *1*
"Sigurado ka ba hija na ipapaputol mo 'yang buhok mo? Sayang naman. Ang ganda pa naman," sabi ni Mang Jessie. Nandito ako ngayon sa barber shop niya. Opo, nasa barber shop ako at hindi sa parlor. Sa barbero naman talaga nagpapagupit ang mga lalaki 'di ba? 'Yun nga lang hindi ako lalaki, pero pusong lalaki.
Nakapagdesisyon na 'ko. Sasabihin ko na kay Nanay na tomboy ako. Alam kong masasaktan at iiyak siya at baka nga himatayin pa kapag nakitang wala na 'tong mahabang buhok ko na alagang-alaga niya at palagi niyang sinusuklay.
"Opo, ipapaputol ko po, 'tsaka gusto ko po 'yung ganitong gupit." Ipinakita ko pa kay Mang Jessie 'yung picture ng gupit na gusto ko.
Napabuntong hininga na lang siya. "Nanghihinayang talaga ako hija," sabi niya, kaya nginitian ko na lang siya. Ito talaga ang gusto ko eh.
Hinintay ko lang talaga na matapos ang 18th birthday ko at pinagbigyan ko lang si Nanay sa pangarap niyang debut para sa 'kin. Naku, kinikilabutan talaga 'ko 'pag naalala ko 'yung ipinasuot niya sa 'kin na pink na dress at high heeled na sapatos na kulay silver na may mga bato-bato pa na hiniram pa niya sa anak ng kapitbahay namin na mahilig magsasali sa mga beauty pageant. Pati na rin bawat lalaki na isinayaw ako nung gabing 'yun, ang sasarap pektusan. Kung makakapit sa bewang at makahawak sa kamay ko, nakakainis. Isama pa 'yung malalagkit na tingin sa 'kin. Nakakabwisit. Hindi ko naman kasi sila kilala at si Nanay lang ang nag-imbita sa kanila. Anak daw ni ganito, anak ng kumare niya. Dito kasi sa lugar namin, wala kahit isa kaming kamag-anak. Mula kasi nang tumakas kami ni Nanay kay Tatay, hindi na kami bumalik sa dating tinitirhan namin. Lasenggero at basagulero kasi 'yung tatay ko, tapos gabi-gabi na lang ata kapag umuuwi siya, lagi niyang binubugbog si Nanay. Ang tagal ding nagtiis ni Nanay, pero nung ako na ang saktan ni Tatay, doon na nagdesisyon ang Nanay na umalis at iwan si Tatay kasama ako. Anim na taon pa lang ako noon, pero natandaan ko bawat hagupit, tadyak at sampal ni Tatay sa 'min ni Nanay, kaya abot langit ang galit 'ko sa kanya. Hanggang ngayon 'di ko pa rin napapatawad ang tatay ko, kasi masama siyang ama at asawa. Kung hindi siya ganon, sana buo 'yung pamilya namin, sana hindi namin kailangan lumayo.
"Hija, huling tanong ko na 'to—."
Hindi ko na pinatapos magsalita si Mang Jessie at sumagot na ako agad. "Opo, hindi na po magbabago ang isip ko 'tsaka Mang Jessie, 'yung buhok po na mapuputol itatabi ko po. Balak ko po kasi i-donate para sa mga batang may cancer." Sayang naman kasi, 'tsaka para may makinabang na iba.

BINABASA MO ANG
Panagutan Mo 'Ko!
RomanceTomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD