49

80 9 4
                                        

Message

09379292739

Princess:

Ma

Mama:

Oh, ano? Manghihingi ka na agad ng pera? Kakabigay ko lang ng allowance mo ha.

Princess:

hindi po ako manghihingi.

ma, sinabi na sa'kin ni abo 'yung totoo.

bakit mo 'yun ginawa, ma?

ano bang kasalanan ko sa inyo para gantuhin niyo ko?

Mama:

Wag mo kong artehan jan, Princess.

Wala akong oras sa mga drama mo!

Princess:

Hindi ko naman po kasalanan kung anak ako sa labas.

Hindi ko rin po ginusto na maging resulta ng isang kasalanan.

Gusto ko lang naman maging masaya.

Wala akong ibang hiling sa inyo kung hindi tratuhin niyo lang ako nang maayos.

Kahit hindi na bilang anak, kahit bilang tao na lang.

Kapag binubugbog niyo ako noong bata ako, hindi ako lumalaban.

Kapag may gusto akong gawin pero ayaw niyo, hindi ako sumusuway.

Buong buhay ko para lang akong asong sumusunod sa mga utos niyo.

Hanggang ngayon ba naman gusto niyo pa ring kontrolin ang buhay ko?

Napapagod na rin akong sumunod sa inyo.

Hindi ko deserve lahat ng ginagawa niyo sa'kin.

At mas lalong hindi dapat 'yun naranasan ni abo.

Walang ibang ginawa 'yung tao kung hindi damayan ako sa lahat tapos sasaktan niyo lang siya.

Wala kang puso.

Kung ayaw mo na ng responsibilidad sa'kin, okay lang.

Mas kaya ko pang mabuhay nang ako lang kesa mabuhay nang kinokontrol niyo.

Mama:

Wala kang utang na loob.

Mula ngayon wala ka ng pamilya!

Bahala ka na sa buhay mo.

unscripted faith Where stories live. Discover now