Chapter 14- Hong Kong

309 31 3
                                    

Ryker

Gagong Al, ang galing ng pagkaka-edit ng mga video. Tanginang 'yon, kahit ako gusto ko ng maniwalang in-love ako sa video.

Pinaulit-ulit ni Mitch at Rose ang video. Sa tuwing matatapos ang video ay dumarami ang comment sa YouTube.

Sino si girl?

Sino ang leading lady?

Lakas maka- A Love Beyond Time ng music video.

"Parang kinikilig si Ryker," simula ni Rose. Kung malapit lang sa akin ang babae na ito ay binato ko ng patatas.

"Bagay kayo ni Charlie," sabi ni Mitch.

Nabulunan si Charlie sa kinakain potato wedge. Dali-daling kinuha ang tubig na hindi niya alam na sa akin.

"Magaling lang si Al," katwiran ko.

"Si Al din naman ang nag-direk ng music video ko," defensive na sagot ni Blaze.

"Nakaupo ka lang sa kawalan sa music video mo," I pointed out. "Hindi ka gumagalaw, panay ka buntong hininga. Dapat ikaw 'yong sinasabihan na lonely Blaze, hindi ako."

"Bakit galit ka?" tukso ni Rose. Nasa mood na naman ang babaeng ito na mang-asar.

"Kumusta naman ang lundag ng puso mo, Ryker?" tanong ni Jaxx na seryoso ang mukha pero may ngiting nakakaloko sa labi. "May pakiramdam ako, ang video mo ang may pinakamaraming views dahil sa paulit-ulit ni panonood ni Mitch."

Natawa si Mitch. "Kinikilig kasi ako para kay Ryker at Charlie."

Nabulunan na naman si Charlie.

"Malapit ka ng mamatay, lagi kang nabubulunan," puna ko kay Charlie.

Hinahabol niya ang paghinga pagkatapos uminom ng tubig.

"Sila kasi," katwiran ni Charlie.

"Charlie, maiba ako. Don't you wanna find another work? Mukha kang maghapong nakatayo," sabi ni Mitch.

"May trabaho kasi ako dati, tapos nasesante ako dahil dito." Tinuro ako ni Charlie.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko.

"Saka malapit na akong umalis," dagdag ni Charlie.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Blaze.

"May apply ako sa Hong Kong," Charlie replied.

Hong Kong?

"What will you do in Hong Kong?" tanong ni Mitch. Mabuti at tsismosa itong si Mitch. Hindi ko na kailangang magtanong.

"Errr, magtatrabaho ako," sagot ni Charlie.

"Why Hong Kong?" follow up na tanong ni Mitch.

"Sabi kasi ng mga kapitbahay ko, maganda raw magtrabaho do'n."

"Really?" hindi siguradong tanong ni Mitch. "I dunno, medyo racist kasi ang mga tao sa Hong Kong," sabi ni Mitch.

"Maraming filipino do'n," wika ni Charlie.

Hindi na-convince ang mukha ni Mitch. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"Paano si Ryker kung aalis ka?" tanong ni Brix.

"Yeah, paano si Ryker?" sulsol ni Blaze.

"Kakain na naman mag-isa sa food court 'yan," dagdag ni Rose sabay tawa.

"Wala ng hahampas ng tray kay Ryker," wika ni Jaxx na ikinatawa nila maging si Charlie.

"In my defence, sinabihan niya akong bakla," natatawang sagot ni Charlie.

"Boses bakla ka no'n," pagtatanggol ko sa sarili ko. Patuloy sa pagtawa ang iba.

"Anyway, mauna na akong umuwi," paalam bigla ni Charlie.

"Ihahatid ka na ni Ryker," Margaux said.

"Ay, hindi na. Baka gumanti, iligaw pa ako," biro ni Charlie.

"Ihahatid ka ni Ryker," pag-uulit ni Jaxx sa sinabi ng girlfriend.

Alanganing tumingin sa akin ni Charlie. Nagkibit balikat lang ako. Why not, wala naman akong sakay pauwi. Si Blaze ang maghahatid kay Rose.

"Bill out na ba tayo?" tanong ko sa lahat. Tumango si Jaxx. Sumenyas siya sa waiter na bill out na kami.

Sa parking ay nagpaalam kami sa isa't-isa. Kanya-kanya na kami ng sakay sa kotse. Si Charlie ay alanganing sumunod sa akin.

"Kahit sa sakayan lang ako," sabi nito.

"Ihahatid n akita. Mahuhuli pa ako kung hihinto ako sa gilid ng kalsada."

Hinintay kong makapasok sa kotse si Charlie. Para siyang pagod na sumandal sa upuan ng kotse. Hindi kasing mahal ng kotse ni Jaxx ang kotse ko pero comfortable naman ang upuan ng Lexus ko.

"Charlie, key-in mo ang address mo." Binigay ko kay Charlie ang cellphone ko para sa address niya habang palabas ako ng parking ng mall.

"Anong oras ang pasok mo usually?" I started a conversation.

"Mga 8 am, kailangan nasa mall na kami para ma-prepare ang area namin."

"At ang uwi mo?"

"Maaga na ang 6pm. Madalas ay nag-o-overtime ako hanggang 10pm."

"I see. Tapos maghapon kang nakatayo?"

"Yup," maikling sagot ni Charlie. "Paano kayo nagkakilala ng mga kaibigan mo? Mukha silang mayayaman."

I chuckled. "Sa UP kami nagkakilala. Doon nabuo ang Overdrive. Mayaman si Jaxx pero kaming tatlo nila Brix at Blaze ay mga scholars."

"I see."

"Naka-graduate ka ba?"

Matagal bago sumagot si Charlie. Akala ko ay nakatulog na. "Hindi ako nakapag-college."

"Don't get me wrong Charlie, pero ano ang ina-applyan mo sa Hong Kong?"

Hindi sumagot si Charlie. Lumingon ako sandali sa gawi niya. Nakatingin siya s alabas ng bintana.

"Charlie?"

"Care giver," mahinang sagot ni Charlie.

Care giver? Napakahirap na trabaho sa ibang bansa nito.

"Sigurado ka ba sa agency na pinag-a-apply-an mo?"

Hindi na sumagot si Charlie hanggang sa makarating kami sa tinutunton ng GPS.

"Dito na lang." Tinuro niya sa isang kanto. "'Wag ka ng pumasok. Masikip diyan. Ginawang parking space ang daan."

Huminto ako sa tapat ng kantong tinuro ni Charlie. Hindi naman squatter's area ang lugar pero masikip pa rin ang mga daan dahil sa double parking ng mga sasakyan.

"Thank you sa paghatid."

"Welcome."

Bumaba si Charlie ng sasakyan ko at kumaway ng bahagya sa akin bago naglakad papunta sa daan nila. Ako naman ay umuwi sa condo ko na nasa isip ang pagho-Hong Kong ni Charlie. 

Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon