ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 4:

6 3 0
                                    

"Attorney How does the defendant plead? Saad ng Judge.

"Your honor, The Defendant Noah Corpuz is not guilty of the charge against him, saad ni Roxan Fuentes.

At sabay tumingin ito kay Crizell na tila nang aasar pa.

"Itinatanggi namin ang paratang sa client ko sapagkat walang motibo ang akusado na gawin iyon sa sarili niyang kapatid, kung mana lang din naman ang usapan hindi na kailangan pang pagka interesan ng nasasakdal ang mana ng kanyang kapatid lalo na't mayroon naman siyang sariling kompanya na pinapatakbo, kasama na doon ang pinamana sa kanya ng kanilang mga magulang, saad ni Roxan.

"Kung wala talagang motibo ang nasasakdal na patayin ang sarili niyang kapatid, bakit niya tinulak sa hagdan ang biktima upang palabasin na aksidente ang nangyari, saad ni Crizell.

"Sapagkat yun naman talaga ang totoo aksidente niyang naitulak ang kanyang kapatid habang nagtatalo sila, saad ni Roxan.

Sabay ngumisi si Crizell dito.

"Your honor, I would like to ask the defendant, saad ni Crizell.

"Go ahead prosecutor, saad ng Judge.

Saka tumayo na nga sa harap si Crizell upang tanungin ang akusado.

"Mr. Noah Corpuz ayun sa statement mo nagtalo pa kayo ng kapatid mo bago mo siya aksidenteng naitulak sa hagdan tama ba? Saad ni Crizell.

"Opo, saad ni Noah.

"Ibig bang sabihin nyan sinasabi mong wala kang kinalaman sa nangyari sa kapatid mo?, saad ni Crizell.

"Opo, saad ni Noah.

"Kung ganun paano mo ipapaliwanag ang fingerprint mo na naiwan sa tumbler ng kapatid mo, saad ni Crizell.

Sabay binuksan niya ang screen.

"Kung makikita niyo sa screen, yan ang tumbler na ininoman ng biktima bago siya nanghina at nawalan ng malay, base sa result ng forensic analysis ay nakita mismo sa bute na yan na hindi lamang ordinaryong tubig ang laman nyan nang inumin yan ng biktima, may halo ang tubig... Saad ni Crizell.

Hindi niya natapos ang sasabihin nya ng magsalita si Atty. Fuetes.

"Objection Your honor, hindi sapat na ebidensya ang tumbler na yan para mapatunayan na pinatay nga ng nasasakdal ang biktima, lalo na't natural lang talaga na may maiiwan na fingerprint dyan dahil ang defendant mismo ang madalas na nag aasikaso sa kanyang kapatid dahil ganun niya ito kamahal, at ganun sila ka close sa isa't isa kaya maging sa pagkain ay maasikaso rin ito, isa pa posibleng fabricated ang ebidensya na yan dahil ilang araw na ang lumipas bago pa man mailabas yan, hindi natin alam baka nilagyan na yan na kung ano ng prosecutor para palabasin na...., saad ni Roxan.

Hindi niya rin natapos ang sasabihin niya sapagkat pinutol na siya ni Crizell.

"Kung fabricated ang ebidensya na yan gaya ng sinasabi ng defense attorney, ibig bang sabihin peneke ng mga pulis yan?, Your honor ang tumbler na yan ay nakuha mismo sa bag ng biktima kaunti na lamang ang laman ng bute na yan sapagkat bago ito tuluyan maubos ng biktima ay nakaramdam na siya ng hindi maganda, kaya hindi natin masasabi na fabricated yan, saad ni Crizell.

"Overruled, saad ng Judge.

"Please continue Prosecutor, dagdag pa nito.

"Thank you Your honor, saad ni Crizell.

Saka sinimulan na niya muli ang pagsasalita.

"Ayon pa sa diagnose ng isang doctor na tumingin mismo sa katawan ng biktima ay posibleng hindi sa pagkakahulog namatay ang biktima, ayon pa kay Atty. Fuentes madalas na ang nasasakdal ang nag aasikaso ng pagkain para sa kapatid niya.... Ibig sabihin posibleng nilagyan mo ng lason ang tubig ng kapatid mo bago sila umalis upang magpunta sa fitness workout Gym tama ba? Ibig sabihin pinatay mo ang kapatid mo sa pamamagitan ng panlalason mo sa kanya? Saad ni Crizell.

"Objection Your honor, Argumentative and Compound question, saad ni Roxan.

"Overruled, saad ng Judge.

"Answer me Mr. Corpuz pinatay mo ang kapatid mo gamit mo ang lason tama ba?! Ang paglakas ng boses ni Crizell.

At sa mga sandaling iyon ay tila kinakabahan na ang akusado.

"Bakit hindi ka makasagot Mr. Corpuz? Answer me! Pagtaas ng boses ni Crizell.

Hanggang sa...

"Hindi ko magagawa yun sa kapatid ko, hindi ko siya nilason! Pag tanggi ni Noah.

"Kung hindi mo nilason ang kapatid mo bakit tinanggihan mo ang autopsy na nirequest ng prosecution, saad ni Crizel.

"Yun ang magandang tanong galing talaga ni Prosecutor Crizell Do, bulong ni Dylan.

Sabay napatingin naman sa kanya sila Calvin habang abala sila sa panonood ng trial.

"Objection hindi na pina autopsy ng akusado ang katawan ng kapatid niya bilang pagrespeto na rin dito, saad ni Roxan.

"Bilang pag respeto? hindi ba....para pagtakpan ang ginawa niyang krimen, saad ni Crizell na tila nang aasar.

At sa mga sandaling iyon ay napaupo at napatahimik na lamang ang defense counsel ng kabilang panig

"That is all your honor, saad ni Crizell.

Saka bumalik na siya sa kanyang pwesto.

"Attorney may idadagdag ka pa ba? Saad ng Judge.

"Yes your honor, about sa mga sinabmit na ebidensya ng prosecution disagree po kami sa #3, #4, at #5, saad ni Roxan.

"Disagree ka? Ang mga number na yan ay testimonya ng tatlong witness at ang isa sa kanila ay doctor na sumuri sa katawan ng biktima, saad ng Judge.

"Yes Your honor, inakusahan ang kliyente ko na pumatay sa sarili sa niyang kapatid ayun sa testimonya ng mga witness, malaki ang impluwensya ng mga testimony nila sa pagaakusa sa kliyente ko kaya mas mabuti kung maririnig natin lahat dito sa korte ang testimony ng tatlong witness upang mapaniwala natin na makatotohanan nga ang kanilang mga sinabi, saad ni Roxan.

"Kung ganun prosecutor padalhan ng summon sina Thomas Trinidad, Luis Tolentino, at Dr. Emily Santos para sa susunod na trial, sasd ng Judge.

"Opo Your honor, saad ni Crizell.

Hindi nagtagal ay natapos na nga ang unang trial nila Crizell at pinadalhan nila agad ng summon ang tatlong witness nila.

"Grabe balak idiscredit ni Atty. Fuentes ang mga witness natin ano na naman bang klaseng dumi ang pinaplano niya, saad ni Shenny.

"Mukhang ito ang unang beses na hahaba ang trial ko, saad ni Crizell.

"Think positive Zell kilala kita papatalo ka ba naman sa kalaban mo?, saad ni Kian.

"Ang kailangan dyan ay mapatunayan mo na pinatay nga ng defendant ang biktima, hindi sapat yung mga pinakita mong ebidensya kanina, saad ni Calvin.

The Law Of Truth🚨(Truth behind the crime scene) Ft. Dyshen coupleWhere stories live. Discover now