"Baby Out, 4:24 am."
"Baby Out, 4:26 am."
Yes, we were born on the same day, same hour, same hospital, but different mother obviously. My Parents and His parents became friends since the day we both got born, and they realized that they have been living on the same Barangay. I can say that Sebastian was my first friend.
"Huy! Kanina pa kita kita kinakausap. Tulala ka na naman." Sebastian said, hindi ko namamalayang nandito na pala siya dahil sa kakadaydream ko.
"Sorry? Kasalanan ko bang para kang kabute na pasulpot sulpot nalang bigla?"
"Back to the topic na, anong plano natin this year? Out of the town nalang ba uli?" He asked, talking about our birthday celebration. It's been 19 years since sabay namin laging sinecelebrate yung birthday namin. Hindi pa ba siya nagsasawa sa shared birthday celebration?
"Ayaw mo bang hiwalay tayong magcelebrate ng birthday?" I asked.
"Bakit? Ayaw mo na ako kasabay magcelebrate ng birthday?" Pagtanong niya naman pabalik. Daig ko pa yata si Tita kasi parang ako na yung Nanay niya. Ayaw ba naman mahiwalay sakin.
"Hindi naman sa ganon. I just want to ask it to you talaga kasi mag 19 years na tayong nagcecelebrate na sabay, ayaw mo bang magcelebrate on your own, with your friends."
"Ayoko." Diretsang sagot niya naman.
"Huh? Bakit?"
"Kasi yearly naman na nating nagagawa yun, okay naman sa parents natin na sabay tayong magcelebrate, okay lang din naman satin. So, bakit pa maghihiwalay ng celebration? Pero... ikaw? Gusto mo ba magcelebrate ng hiwalay? Kasi kung oo, edi gawin natin." He said.
"I'm fine with both, tinanong lang talaga kita kasi baka gusto niyo mag boys night ganon." He chuckled with what i said. "Bakit ka natawa?"
"Ang cute mo kasi. Lagi naman kami nagbo-boys night, di na kailangan non sa birthday ko tsaka kilala mo din naman mga kaibigan ko. Hindi na kailangan magcelebrate pa ng hiwalay, mas masaya ngang madami tayo eh, diba?" He smiled.
He will always find his ways with everything and that's what i admire about him. He never failed to make anyone around him comfortable. He always have his smile shown to everyone he interacts with. Hindi din maikakaila na halos lahat ata ng babae sa section namin ay nagugustuhan siya. Kasama na din ako 'don.
I started liking him during middle school, we were both 14 that time. Akala ko nga nung una baka naman infatuation lang pero habang tumatagal, iba na yung feeling. Hindi ko nga alam paano ko nakakayang makipaginteract sa kaniya lalo na't alam ko namang hanggang friends lang kami. Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan lalo na't hindi naman siya katulad ng ibang lalaki na nakikilala ko. Well, based on my experience lang naman kasi so far, siya at mga friends niya palang yung nakikilala kong lalaki na talagang nakakausap ko. Pero masasabi ko talagang siya yung ibang iba yung vibes, kumbaga one in a billion siya, hinding hindi mo mahahanap basta basta.
Masyado ko na yata siyang pinupuri 'no?
"Janna, hindi na 'ko magtataka kung one day mag drunk text ka nalang kay Sebastian tapos sasabihin mo sa kaniyang "hanggang kaibigan lang ba talaga tingin mo sakin?" kasi, tingnan mo naman 'yang tingin mo sa kaniya!" Sabi ni Belen.
"Kaya nga! Ibang iba, daig mo pa yung mga pinapanood nating love team. Grabe namang look of love yan!" Pang-gagatong pa ni Yna.
They're my friends since Elementary na hindi na 'ko nilubayan. Hanggang High School ba naman sinundan ako. Dapat si Belen magmimigrate sa Canada pero ayaw niya na daw kSi wala daw kami don ni Yna. Si Yna naman, binigyan ng opportunity na mag-aral sa switzerland kasi nandon yung Mom and Dad niya, pero dinecline niya din. Ayaw niya daw don kasi mahal daw tumira don. Eh hindi naman siya yung gagastos?
"Anong look of love pinagsasabi mo dyan! Wag ka nga maingay, baka mamaya bigla nalang sumulpot dito yung friends ni Basti!" Pananaway ko naman sa kanila.
"Kailan mo ba balak umamin? Ang tagal mo na siyang gusto tapos ayaw mo pa umamin? Feel ko din naman gusto ka niya." Sabi ni Belen.
Ayan na naman siya sa mga "feeling" niya, kailan ko kaya mafefeel yung sinasabi ni Belen? kasi so far, ang nafefeel ko lang talaga ngayon ay hanggang friends lang kami. Which is okay lang naman, siguro?
Wala naman akong balak umamin. I just want to enjoy 'liking' him this way, ayokong mawalan ng kaibigan. Mas pipiliin ko pang tiisin 'tong nararamdaman ko kaysa mag take ng risk na umamin.
"Oo nga, Janna! Sayo lang kaya umaakto ng ganon si Sebastian. Hindi naman siya ganyan sa kahit sino eh." Dagdag naman ni Yna. Bonding nila yan, paasahin ako.
"Umakto ng ano?" Pagtatanong ko. Alam ko naman kasing di sila titigil kahit na sabihin ko, hahayaan ko nalang sila magsabi ng mga paniniwala nila tungkol sa "feelings" na alam nila.
"Alam kong childhood friends kayo, pero so far, sayo palang siya nagbibigay ng gifts every "best friends" day, kahit normal day lagi siyang may regalo kasi "naalala" ka niya, kaya niya binili 'yon. Tapos tuwing dalaw mo, lagi kang dinadalhan ng mga cravings mo ganyan or kaya chocolates, minsan nga diba nung nagkaron ka ng dalaw tapos wala kang dalang extra, nagpaalam pa siya sa teachers natin para lang mabili ka ng napkin! Sabihin mo ngayon na hindi ka gusto ni Sebastian sa lagay na yan!" Mahaba pang explanation ni Yna.
"Alam niyo, ganon din naman siya sainyo diba? Inutusan niya pa nga yung friends niya nung dati, nung nagkaron ka din nung nandito ka sa school." Sabi ko naman.
"Iba 'yon, girl! Siya yung bumili nung napkin para sayo, yung samin, inutusan niya friends niya. Tsaka huy! yung time na nangyari yung sayo, exams natin non tapos yung terror na teacher na kinatatakutan pa ni Sebastian yung nagbabantay sating nung oras na 'yon. Wag mo na kasi intanggi. Alam kong kahit ikaw nararamdaman mong gusto ka din ni Sebastian!"
Hindi ko nalang sila sinagot para matigil na sila sa pagpapaasa sakin. Ang hirap din kayang magkagusto sa kaibigan mo tapos yung mga nasa paligid niyo pa, walang ginawa kundi paasahin ka. Pero isa lang ang alam ko, lahat ng sinasabi nila, wala lang 'yon. Kasi kung gusto man ako ni Sebastian... malabong mangyari yon.
Kaibigan ko si Basti. Hanggang 'don lang. Kaya hangga't maaari, hindi pwedeng hayaan kong mabrainwash ako ng mga kaibigan ko at umasang magugustuhan talaga ako ni Basti.
Kapag kaibigan lang, kaibigan lang.

YOU ARE READING
Love, S.
RomanceLiking her childhood bestfriend has been the biggest secret of Janna. It always had been hard to hide her "kilig" everytime they would hangout, but what if one day, she'd realize that "liking" her best friend already became "loving" her best friend.