Sa tagpong yun, napagpasyahan ni Bella na magpalit na ng simcard para hindi na nya makausap pa si Kevin. Hindi man klaro sa kanya ang narinig, buo na ang pasya nya na iwasan at kalimutan na ang lalaki. Mas naging focus na muna sya sa nalalapit nilang graduation.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kahit pa anong iwas ni Bella, pagkakataon na talaga ang gumagawa ng paraan para sila ay magkitang muli.
Isang araw..
Hayy naku..! kaya ayaw kong mag-grocery ng maramihan eh. Ang bigat na, hassle pa!",nagmamaktol na sabi sa sarili.
Dahil sa madaming dala, di na nya napansin ang lalaking kanina pa nakasunod sa kanya. Kung di pa sya natisud ay hindi nya mamamalayan na si Kevin ay nasa likuran nya.
O-ooh..!di makapaniwalang sabi sa sarili. Gulat at kaba ang naramdaman nya ng makilala kung sino ang nsa likuran nya.
Ikaw!at bakit ka pa nagpakita sa akin ha?Ang kapal ng mukha mo!"dinuro-duro ang kausap.
Let me explain," kalma ni Kkevin kay Bella.
Anong let me explain..let me explain?! Umalis ka jan sa daraanan ko at baka ihagis ko pa sa iyo itong mga pinamili ko. ALIS..! ",bulyaw nya sa kausap.
As expected, nagtaka ang mga tao sa paligiod nila kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa. Naging eskandalosa tuloy sya sa paningin ng karamihan.
Pwde ba Bell, mag-usap naman tayo oh..ng mahinahon..please? ",pagmamakaawa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
MALI MAN NA IKA'Y IBIGIN
Short StoryThis is my first constructed story. Hope you like it anyway.