Chapter 2

159 5 22
                                    

"Wow, ginastusan, Rams?"

Kaagad na kumurba ang mga labi ko para sa isang mapagmalaking ngiti. Dalawang gabi kong pinagplanuhan at pinagpuyatan ito. Tatlong libo rin ang nagastos ko para masigurong hindi ito papalya. Ayaw kong magpatalo kay Matt.

The day he declared a war between us, I vowed to myself that I will never be defeated by him. Not even in his dreams.

Taas-noo akong pumunta sa pwesto. Late ako ngayon. Huli ng sampung minuto sa karaniwan kong pagpasok. Sinadya ko 'yon para masigurong marami na ang madadatnan sa room. Hindi naman ako nabigo dahil sa dami ng namamanghang reaksyon na nakuha ko mula sa mga kaklase.

Idiniretso ko ang instructional material na gagamitin ko sa likod. Napailing ako nang makitang bakante pa ang upuan ni Matt. Sabagay, lagi namang late iyon sa first subject.

"Paano gamitin iyon, Rams? Gagamitin mo mamaya?"

Hinarap ko ang nagtanong. "Obvious ba? Alangang idisplay ko lang 'yan dito. Saka mamaya na kayo ma-excite diyan. Parang first time niyo namang makakita ng ganiyan."

"Suplada mo naman, nagtatanong lang. Kaya wala kang kaibigan, eh."

"Sino ba kasi may sabi sayong kailangan ko ng gano'n?"

Nag-walk out ang kausap ko. Pumunta ito sa likod, nakipagdaldalan sa mga kaibigan niya.

Napatingin ako sa harapan nang pumasok si Matt. Nagkatinginan kaming dalawa. Inirapan ko siya.

Tinapik niya ang desk ko. "Morning, VP. Ang aga namang mag-irap ng mga mata mo. Puyat ka 'no?"

Hindi ko siya sinagot. Napailing siya bago dumiretso sa upuan sa likod.

"Oh, ano 'tong dambuhalang 'to?"

Isang kaklase ang sumagot. "Gagamitin daw ni Rams iyan mamaya sa report niya."

Lumapit siya sa instructional material ko. Hinawakan niya iyon kaya pinuntahan ko siya.

"Baka masira mo iyan!"

"Ibig sabihin, hindi siya durable. Madaling masira kaya isang gamitan lang."

Nagtaas ako ng kilay. "Kahit sobrang durable niyan, kung sa lakas pa lang ng hampas ng kamay mo, masisira iyan."

"Ayaw mo lang pahawak, eh. Magkano nagastos mo rito?"

"Bakit? Lalamangan mo?"

Ngumuso siya. "Ito naman, sa gastos na lang, competitive pa."

Hindi ko na siya pinatulan nang pumasok na ang teacher namin sa first subject. Umupo ako sa pwesto sa harapan. Statistics  ang subject ngayon kaya siguradong namumutla na naman ang mga kaklase ko.

Binilugan ko ang final answer sa papel. Ako ang naunang natapos sa activity na iniwan ni Mrs. Urbano.

"Bilisan niyong sumagot. Magpapass na 'ko."

Kaagad na nagkagulo ang klase. Ako kasi ang naatasan ng guro na magpasa sa mga activity sheets na iniwan niya. Wala si Matt dahil ipinatawag sa SSG room. May project yata sila ngayon kaya kailangan nilang magkaroon ng meeting.

"Sandali naman. Number 3 pa lang ako. Ang hirap kaya!"

"Sa totoo lang, hindi yata pwedeng masolve ang number 3, eh. Ilang formula na ginamit ko, hindi ko makuha 'yong sagot."

"Same! Kaya doon din ako nahinto. Hindi ko talaga makuha."

Umismid ako. Ipinakita ko sa kanila ang scratch paper na ginamit. "Gamitin niyo kasi 'yong last formula. Huwag niyo ring kalimutang mag-substitute."

No Retreat, No SurrenderWhere stories live. Discover now