PROLOGUE

3 1 0
                                    

Ngayong araw na 'to ang unang araw ng book signing ko kasama ang mga readers at supporters ko na patuloy na bumabasa sa mga nilalathala kong obra dito sa bansa. Ito ang unang beses kong makikipag socialize sa mga taong nais akong makita at makilala bilang si HabbyBI, na isang manunulat. 

May karatula ro'n kung saan nakasulat ang pen name ko at sa screen naman ay ang mga libro kong naisulat. Nang maka akyat ako sa stage kung saan may mga nakatutok na spotlight sa akin, narinig ko ang malakas na paghiyaw sa pangalan ko. Kahit nanginginig ang pisngi ko sa kaba ay pinilit kong ngumiti at kumaway. 

Binigyan nila ako ng mic upang makabati ako sa kanila. 

"Hello mga Ha-baby! Grabe talaga ang suporta nyo sa akin. Sinong mag aakalang ang katulad kong napagtripan lang gumawa ng simpleng kwento ay masusundan ng maraming libro? Kaya naman nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sa inyo, walang HabbyBi sa stage na ito. Yun lang at salamat.  Tangkilikin ang sariling atin!" wika ko sa lahat at doon sila'y nagsipalakpak. 

Ang kabog ko naman day. Sa tunog ng kanilang palakpak, alam kong marami sila ngayon dito. Infairness naman talaga sa akin at kinabog ko pa ang meet and greet ng mga koreano. 

Maya-maya pa ay nagsimula na ang book signing. Pinatutugtog nila ang bawat kantang nabanggit sa mga libro ko upang mas dama ng mga readers ko ang event at maging memorable ang aking book signing. Marami ring tao ang dumalo kasama ang mga kaibigan, jowa at magulang nila upang makapag pa autograph. 

Kabog diba, daig pa ang artista. Hindi pa bayad yang mga yan ha, paano pa kaya kapag nagbayad ako ng mga dadalo diba? Baka kagulo na. Chariz!

Matagal din akong nakikipag batian, nakikipag kamay at pumipirma sa mga libro nila kaya naman medyo nangangalay na ang pwet ko sa pag upo. Nakaka tuyo rin pala ng lalamunan ang pagsasalita nang paulit ulit eh 'no? Nakakahiya. Baka mamaya ma antot na ang hininga ko ta's todo salita at tawa ako dito. Gagi! 

Lumingalinga ako sa paligid ko at naghanap ng taong pwedeng mag abot sa akin ng tubig or chicha man lang. Sumenyas ako sa staff ng event ng tubig at agad naman nitong na gets. Maya-maya pa ay may lumapit sa  akin na batang babae. 

Naka suot siya ng hairband na may tenga ng aso. Kapansin pansin din ang malaking mukha ko na may edit na blush sa kanyang T-Shirt. Inilapag nya ang kanyang libro sa aking table. Nagtakip siya ng bibig at dinig ko ang impit niyang tili.

"Ate Abby! Ate! Pwede magpa picture? Omg!" tanong niya mula sa mataas na pitch ng boses. Tumango ako kaya lalo siyang nagtitili sa sobrang saya. Ngumiti ako sa harap ng camera. 

"Ate Abby, isa pa. Peace sign dali!"aniya pa. Wala na rin akong nagawa kundi mag pose ng peace sign.

"Grabe Ate Abby a.k.a HabbyBI! Hindi ko talaga aakalain na makikita kita ng personal. Like grabe! Totoo pala talaga ang chismis!"

"Chismis? Anong chismis?" takang tanong ko. 

May issue ba ako na hindi ko alam? Anong chismis? As of now wala naman akong maalala na may ginawa akong kahiyahiya para pag chismisan ng ibang tao. Grabe na talaga ugali ng mga tao ngayon para gawing pulutan ngayaong bwan. 

"Totoo ang chismis na very pretty ka talaga! Nauso na kaya ulit ang morena beauty dahil sa'yo Ate Abby!" Wika niya. Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Kinilig ako sa compliment nya pero hindi ako makapaniwala na dahil sa akin, eh, nauuso na yung gan'tong kulay ko. Like... gano'n na ba kalaki ang ambag ko dito sa Pilipinas? 

"Talaga? Wow. Grabe naman." Hindi makapaniwala kuno kong sabi sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga ko. 

"Anyways ate, lagi ko binabasa yung story mo sa wattpad. Araw-araw ko pang inaabangan ang update mo. Huhu grabe talaga!"aniya sabay picture ulit. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here, There And EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon