Is this Goodbye? Or is this Love?

96 3 3
                                    

"Babye na, Aalis ka na. At babye na rin ba sa ating ala-ala."

Pag sinabi bang babye na, magkakalimutan na agad? Di ba pwedeng sa bawat pag-alis eh may isang taong makikilala ka at papasayahin ka? Pero paano kung yung umalis eh bumalik at inamin sayo na mahal ka? Kaya mo bang pakawalan yung taong nandiyan noon para sayo o tatanggapin mo ulit yung taong iniwan ka na may dahilan pero bumalik. At sa pagbabalik niyang yun, mahal ka na pala niya.

Sabi nila, pag nagmahal daw ang isang tao, hindi maiiwasan ang masaktan ka. Pero sa bawat sakit na mararamdaman mo katumbas nun ang kaligayahang mararamdaman mo tuwing magkasama kayo. Pero lahat ng bagay may mabuti at masamang naiidudulot sa atin. Kagaya nalang pag nagmamahal ka, nakakalimutan mo yung mga problema mo, pero sa kabilang banda ito rin ang magiging problema mo sa huli.

Mahirap din umamin sa isang tao na mahal mo na pala siya. Nakakatakot baka kasi mareject ka o mapahiya ka lang! Pero pano kung gusto ka rin pala niya? Pero nahihiya din siya sayo? Ang gulo naman nun diba?

Haayy! Ang dami-dami ko nang nasasabi tungkol sa pag-ibig na yan. Balik tayo sa totoong buhay ko. Haha ako nga pala si Joyce, I'm 17 years old. I was born and raise and Philippines for 14 years but we moved in America when I was 15. Nakakilala ako ng maraming kaibigan dito. Naging parang mga kapatid ko na rin sila. Pero may nakilala akong lalaki. Ang bait niya, ang gwapo niya, matalino at higit sa lahat talented. Crush ko nga siya eh, pero nahihiya akong umamin sa kanya. Baka kasi mapahiya lang ako. Nakakatakot kaya yun. Magka-klase kami at everyday kami nagkikita. Shemay lang sa sobrang gwapo niya pati ako na top 1 sa class namin eh napapatanga pag ngumiti na siya. Hahaha ganun siya ka-gwapo. Isang taon kaming magkasama at naging close narin kami. At todo effort siya sa mga ginagawa niya pag magkasama kami. How I wish na sa akin siya nagpapa-impress, kaso malabo yun eh. Pero ngayong araw na to mismo aalis na siya. Uuwi siya sa Pilipinas. Natatakot ako kasi baka sa pag-uwi niang yun eh makahanap siya ng babaeng mamahalin niya. Baka kasi may makita siyang mas maganda, matalino kesa sakin, masakit kaya yun. Sana naman makahanap na ako ng paraan kung pano ako aamin sa kanya. Masaya ako pag anjan siya at dahil sa kanya, pero ngayong aalis siya, nalulungkot at nasasaktan ako.  

Ito na ba yung sinasabi sa kanta na,  

"Babye na, Aalis ka na. At babye na rin ba sa ating ala-ala." 

Sana naman kahit umalis siya, sana hindi niya makalimutan yung mga pinagsamahan namin. Sana hindi niya ako makalimutan.

••Alexis POV••

Ngaun na ung araw ng alis ko, pero hindi ko pa nasasabi sa knya na mahal koh siya.  

Sana naman nahahalata niya yung mga efforts ko tuwing magkasama kami. Sa kanya lang naman ako nag-eefort nang husto eh. Actually matagal ko na siang crush, pero baka pag sinabi ko eh magbago yung turing niya sakin, o kaya baka magalit siya sakin. Gusto kong magpaalam sa kanya bago ako umalis, pero baka mas lalo lang akong malungkot.

Nakasakay na ako ng eroplano at 2 oras nalang nasa Pilipinas na ulit ako. Sa 18 hours na byahe sa eroplano siya lang naiisip ko! Sana lang sa pag-alis kong to, eh hindi ko pagsisihan kasi baka pagbalik ko, huli na ang lahat. Baka may mahal na siya sa pagbalik ko. Sana hintayin mo ako! Wag mo akong kalimutan. Kasi ako, hinding-hindi kita makakalimutan.

••Joyce POV••

Mabilis lumipas ang panahon. Inaamin ko nung pag-alis niya, nalungkot ako. Pero dahil sa isang kaibigan din naka-recover ako agad. Si Micheal, lagi siyang nanjan para sa akin, lagi niya akong pinapatawa at lagi niya akong sinasamahan at iniintindi. Umamin na nga siya sa akin eh, na gusto daw niya ako. Balak daw niya akong ligawan pero pinigilan ko siya. Ayokong magpa-asa sa isang tao. He accepted and understand my decisions, we remain as a friends only. One day habang naglalakad ako sa may beach, may nakita akong isang pamilyar na mukha, pero hindi ako sigurado kung siya nga yun. Sandali akong nakatingin sa isang lalaking naka-side view sa akin. Natauhan lang ulit ako ng tinakpan ni Micheal yung mga mata ko tsaka niya ako iniharap sa kanya.! Tumatawa kami kasi alam ko na si Micheal yun, siya lang naman gumagawa sakin nun eh. Nag-umpisa na kaming maglakad sa buhangin malapit sa beach, yung mga paa namin ay nababasa ng alon na humahampas sa mga buhangin. It feels so nice and relaxing walking and talking with your friend. Pero naalala ko yung nakita ko kanina, pero baka guni-guni ko lang yun.

Is this Goodbye? Or is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon