"BILANGGO"
sa tuwing naiisip ka, nagdudulot ng sakit at saya
saya, sapagkat naiisip ang mga masasayang ala-ala
saya na nagdulot ng pagpatak ng aking mga luha
hindi mapigilan, kusang pumapatak at gustong lumabas sa aking mga matasimpleng tubig ang umaagos
napapaisip kung kailan ako makakaraos
kailan makakawala sa pag-ibig mo
hindi makalimot sa mga binitawan mong pangakopangako mong napako
nagdulot ng sobrang sakit sa aking puso
nagmumuni-muni kung kailan nga ba ito matatapos
mga mata'y bumubugto, boses ay napapaosnais kong ika'y kalimutan
kasabay ng paglimot ko sa ala-alang ako ay agad na iyong binitawan
nag-iisip, kailan ba 'ko makakalaya
sa sugat na iyong natamo, wala ng balak na umibig pailang araw ang lumipas
binuhos ko sa paghahanap ng iba ang aking oras
ngunit hindi ko kayang magmahal ng iba bukod sa'yo
'pagkat bilanggo ako, bilanggo ako sa pag-ibig mo
![](https://img.wattpad.com/cover/369140176-288-k901391.jpg)
YOU ARE READING
Mga Obra ni Elyas
PoetryTAGALOG CODE GUIDE (TITLE): FORMAT: medium:part:date:"[title]":link Medium: 1 - TAGALOG 2 - ENGLISH - elyas