Joanne
Ngayon ang araw na gagala kami ni Chiara, ewan ko ba dun. Bigla bigla na lang siyang nagyayaya ng gala eh ayoko nga. Hindi nga ako lumalabas ng bahay eh.
Hindi ko parin kasi maintindihan ang ginawa sakin nila Yuan. Ang tanga ko talaga, uto uto kasi ako eh bwesit. Inis naman akong nag-ayos ng sarili.
Pagkatapos ay bumaba na ako ng bahay. "Himala lumabas ka na din ng kwarto mo, hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Mama, umiling naman ako.
"No, Ma. Baka kumain kami ni Chi sa labas," sagot ko, tumango naman si Mama kaya umalis na ako ng bahay.
Sobrang init pala buti na lang ay may dala akong payong. Binuksan ko na ang payong ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pagkadating ko sa park ay hinanap ko na agad si Chiara pero ni anino niya ay wala akong nakita. Napa-buntong hininga na lamang ako at sinara ang payong ko.
Umupo na lang muna ako sa bench at kinuha ang phone ko. Icha-chat ko na lang muna siya. Siya nagyaya siya naman ang late tss.
Binaba ko na ang phone ko at naghintay na lang kahit sobrang init na. Nagpapaypay na nga ako eh gamit yung kamay ko pero wala parin talaga.
Maya maya ay nakarinig ako ng yapak, andito na si Chiara. "Ikaw na nagyaya, ikaw pa late," saad ko at tumingin kay Chiara pero hindi si Chiara ang nakita ko.
"Hi Jo," bati ni Beomgyu, what the heck? Sinet-up ba ako ni Chiara? Tumayo naman ako at aalis na sana ng hawakan ni Beomgyu ang kamay ko.
"Jo, mag-usap muna tayo please," saad niya.
"Ano pa bang pag-uusapan when you already explain everything to me?" Saad ko, bumuntong hininga naman siya.
"You think I'm playing with your feelings," saad niya, I blinked like a lot.
"Hindi ba?" Sarkastiko kong tanong.
"No, I was always sincere, Jo. The reason kung bakit humingi ako ng tulong kay Yuan at Jared ay dahil gusto kita ever since, hindi ko lang masabi sayo dahil nahihiya ako sayo tsaka baka hindi mo din ako gusto," saad niya.
"How can you be so sure?" Tanong ko, when in fact I actually like him as well ever since.
"I don't know," saad niya at yumuko, tumango naman ako.
"Well, thanks for explaining then but I need to go," saad ko, I looked at him for the last time and then I left just like that.
Gusto ko muna mag-isip isip.
-•-
Beomgyu
BINABASA MO ANG
𝐡𝐚𝐩𝐩𝐢𝐥𝐲 𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫 , 𝐜.𝐛𝐠 ✓
RomanceIn which a friend of Beomgyu create a game where he helps Beomgyu to talk to his long time crush which is Joanne, the pretty girl on the same section as him. [ 010824 - 072124 ] [ choi beomgyu ff. ] [ romance, fanfiction, drama? ] [ together series...