Chapter 28: Surprise

2 1 0
                                    

Lorraine's Pov:

Nag tinginan lang ang tatlo at umiwas ng sila ng tingin, ano kaya meron? Bakit sila umiiwas? Pati ako naguguluhan na din sakanila.

"Mauna na kami lorie, may aasikasuhin pa kami." Sabi ni gino sakin at ngumiti.

"Saan?" Tanung ko sakaniya. he glared at me once again.

"Secret." Sabi niya, binatok ko siya gamit ang palad ko at napakamot naman siya sa batok niya. Pa secret secret pa! Hindi ba sabihin na lang!

"Aray! bawal nga sabihin, surprise yun." Sunod sunod na sabi ni gino habang naka hawak pa rin siya sa kaniyang batok. Sorry! masakit talaga ako mang-hampas.

"Surprise? anong surprise nga?" Halatang inis naman si constellation–hunter pala, tinignan niya ako ng masama na para bang di niya ako nakikita na parang tao. ayoko na balikan ang nakaraan, yung pag-sasamahan namin? hindi! ibang iba ma siya ngayon! Di niya na ko pinapansin kagaya noon palagi siya nag aalok sakin maki-paglaro at kung ano pa.

"Kulit mo talaga lorie." Bulong ni kuya brei. Ehh ano naman kung makulit? ganito na talaga ako lumaki, walang tatay. Kaya curious na ako sa mga bagay na di ko alam tungkol sakanila, o kaya may tinatago silang di mailabas sa katotohanan.

"Eh ano gusto mo iparating?" Madiin na sabi ng constellation–hunter.

Inirapan ko lang, di ko siya pinansin. Umiling ako at binalik ang tingin kay gino.

"Sorry talaga lorie, bawi na lang kami sa susunod, kami naman aalok sa'yo, surprise kasi toh' ng pinsan ko sa taong nagugustuhan niya mamayang gabi." He gave me a pat on my head, at pinilit ko na lang ngumiti sakaniya, habang si hunter masamang nakatingin sakin, irap ko lang siyang tinignan. Si kuya brei naman may tina-type sa phone na kung ano.

Bahala na si batman.

"Sige, sabi mo yan." Tumawa siya maging si kuya brei, yung constellation– walang reaksyon. Palibhasa yata pinaglihi siya sa sama ng loob.

"Promise." Nag pinky pa kami.

"Promise." Sabi din niya. Umalis na silang tatlo at pumatungo naman ako sa mga kaibigan ko.

"Nandyan ka pala! Pinapakaba mo naman kami, saan ka galing?" Tanung ni leiah na nag-aalala.

"Oo nga." sambit naman ni hazethe na katabi si thrisia. Napatingin naman ako sa kalayuan ng may nakita ako kakaiba. Duguan siya at babae din ito, nakatingin ng deretso sakin at ang nangingiyak na mga mata nito, may kasama din siyang babae na halos kaparehas lang namin ang height. Di ako nakapaniwala sa nakita ko...si c-claire?? Akala ko namatay siya sa disease? pero ano tong' nakita ko? Totoo ba ito?? namamalik mata lang ata ako. pero duguan siya, nung araw na bumisita kami kay claire nun sa hospital kasabay din si ate kate yung ate ni nate, parehas silang namatay, saktong araw.

Naalala ko yung nurse na nag alaga kay claire nung araw na nasa hospital pa siya, sa pag kaalam namin namatay talaga si claire dahil sa sakit niya, siguro alam din nung nurse kung bakit duguan ito si claire tsaka yung babaeng kasama na mas mukhang matanda pa kay claire.

Ano ba talaga nangyayari??

Totoo kaya itong nakikita ko??

Bakit sila nag papakita sakin??

"Lorie!" Nagulat naman ako sa nag tawa sakin. Si thrisia pala.

"Kanina ka pa kakatingin dun, sino tinitignan mo?" Bigla ako natahimik nang makita ko si claire at yung babaeng kasama niya na nasa likuran ng mga kasama ko, parehas sila nangingiyak at puno ng dugo ang damit nila. Paano nangyari yan?

Unknown Mystery Guy (COMPLETED)Where stories live. Discover now