Makalipas ang halos dalawang taon na walang ginagawa kundi’ kumaen,matulog at manuod ng cartoons.., nag ENDO na’rin ako sa pagiging tambay..-balik’eskwela ang lolo mo..
PUCHA..plano ko pagkagising ko pa lang magmumura na’ko para malakas ang dating ng unang bahagi ng kwento ko…Pero dahil inaantok pa’ko nun’..,hindi ko na nagawa.. 10:00 pa ang pasok ko sa unang araw ng pagsabak ko sa gyera..Dalawang subject lang..History at Values..,dalawang nakaka’tamad na subject..hay…maaga akong nagising’..mga 6:00 siguro..hindi muna ako nag almusal..maaga pa naman eh..nag ayos na’lang muna ako ng gamit at na’kinig ng radyo..Na’e-excite ba’ko??..-hindi. ewan ko..Pero walang tumatakbong pananabik sa dibdib ko..Maaga pa.., makaka’nuod pa’ko ng spnogebob at pokemon..Nag almusal ako,nanuod ng TV at nag’bihis..Hindi muna ako magsusuot ng uniform..pwede’ pa naman YATA..hindi ako sigurado kung pwede’ nga..Bahala na..Bago matapos ang laban ni Ash KeTchum at Garry Oak..,umalis na’ko..Nag bukod ako ng 16 pesos na barya..Plano ko kasi na yun’ lang ang gagastusin ko..kuripot kasi ang lolo mo..Nilagay ko ‘yung ID ko sa maliit na bulsa sa harapan ng bag ko..Ang ganda ng ID holder, yung uso..ID holder/wallet..
Tumawid ako ng kalsada para maghintay ng jeep..Gustong-gusto ko ang ganitong oras ng biyahe..Wala kang gaanong kaagaw sa sasakyan..Sandali lang ako naghintay.,may jeep agad..Lumampas pa ng konti’ yung jeep nung pinara ko, kaya humabol pa’ko..PAHK!!..pag sampa ko sa jeep..ArraAAy!!..pucha.. may naramdaman akong masakit sa may kanang binti ko..pulikat..ang sakit..,ngayon lang ako pinulikat sa biyahe..may palundag’lundag pa kasi papasok ng jeep eh!..tingan mo yang muscle na yan..parang taling nagka’pili-pilipit..Kailangan d’yan ALAXAN FR..tang’inis talaga..na’dale ako ng sumpa ni Manny Pacquiao..,ang sakit..kainis..malas..parang may pumipigil saking pumasok…Inunat ko ang paa ko sa loob ng jeep..dalawa lang naman kaming pasahero..naka’bukaka ako habang naka’upo..Bahala na s’ya kung isipin n’yang mahapdi ang singit ko..ang sakit pa’rin..hinilot ko ng konti..nabawasan ang sakit..Tiningnan ko muna kung nasa bag ko pa yung ID ko’ para may dahilan akong umuwi kung sakaling wala..nandun’ naman..Ilang minuto lang nasa may school na’ko..Pinag iisipan ko pa kung sa Main o sa Annex building ako dadaan habang pi’pilay-pilay ako mag’lakad..Saan nga ba ang una kong Klase?? Tiningnan ko sa Regs form ko..Pero iba ang nakita ko..wAaaahhh!!!..NAWAWALA ANG ID KO..waaaaaaaaaHH!!!.. na’san na?? tang’inis..Kasama din’ dun sa ID holder yung pera ko..malas!! maLaAaaas!!! binalikan ko ang mga dinaan ko..wala..tiningnan ko isa’isa ang mga naglalakad..baka meron silang hawak n kagaya ng ID holder ko. t@ng’ina talaga oh..Uso pala talaga ang ganung’ ID holder..halos lahat ng maka’salubong ko kapareho ng akin ‘yung ID holder..pucha..wala na badtrip na talaga ako..malas..malas..malas..pilay-pilay pa’ko maglakad.. nagtanong ako sa mga security guard..“kuya’ may nag surrender ba dito ng ID??nawala ho kasi ‘yung ID ko”.. -“wala eh..kelan nawala??”..“ngayon lang ho”..paliwanag ko..“o’ sige punta ka munang OSA.,hingi ka ng admission slip” tsk..tsk..badtrip talaga..magsisimula na ang klase ko..Pumunta muna ako ng Office of Student Affairs..hihingi ako ng gate pass..Nagtanong din’ ako kung anong dapat kong gawin..Pumunta daw ako ng munisipyo at humingi ng Affidavit Of Lost..buwisit!! ang laking istorbo ng simpleng katangahan..malas..malas..malas..Nabigyan ako ng admission slip para sa LOST ID.. makakapasok na’ko..pero isang araw lang daw ang bisa ng SPELL..kailangan bukas on process na ang ID ko..paksyet..ito na yata ang araw na pinaka’maraming beses ako nag mura..malas..buwisit..ok..ok..Nag text ako sa mama ko na nawawala ang ID ko..kailangan mag move on.. magsisimula na ang klase ko within 5 minutes.. “A” ang naka’lagay sa unang subject ko.., ibig sabihin sa Main building ako..eh di deretso akong Main building..room 401..nasa 4th floor na’ko ng maalala kong “A” stands for Annex!! bobo talaga..dapat ‘yung utak ko na lang ang nawala..hindi ko rin naman nagagamit..malas..buwisit..malas..pi’pilay-pilay akong bumaba ng building dala ang badtrip kong mukha at ang out of order kong utak..syet..Pumunta ako ng Annex building..nakiramdam muna ako..bakit naka uniform sila?? alam ko p’wede naman mag civilian pag first day ah??..p’wede nga ba??hmm.. bahala na..kinuha ko ‘yung gate pass ko at nilagyan ko din ng CHECK yung NO UNIFORM..wahahaha..sige..sugod..“na’san ang ID mo??” tanong nung guard..Gusto ko isampal sakanya ‘yung Gate Pass..yan oh!! basahin mo..nawala yung ID ko!!!!!!!! tanga kasi ako..hampasin mo’ko ng batuta mo hanggang mag second sem!!.syet..pinakita ko ‘yung gate pass..“ngayon lang to ah..bukas hindi na” sabi nung guard..oo na.., f*ck you..Naiinis ako sa guard na yun..hinaharang niya pa kasi yung mga naka’civilian..eh sinabi naman sa orientation 2 years ago na p’wede mag civilian pag first day..hmmm..Naka’pasok naman ako..room 401..401..Annex..Ok nsa tamang building na’ko..paulit-ulit ko pa’ring binabanggit ang aking WORD FOR THE DAY..malas..malas..malas…