"Anak, gising na, first day of school tapos mali-late ka? Bangon na diyan", ayan na naman ang bibig ni mama na dinig ng lahat ng kapitbahay.
Itong si mama super OA rin, e. 7:00 o'clock pa naman ang pasok ko, alas singko pa lang ng madaling araw. It's the first day of school at wala akong kagana-ganang pumasok. Hindi pa ako kuntento sa dalawang buwang bakasyon. Kagagaling lang namin noong nakaraang araw sa El Nido, nakiusap kasi si tita Shy na doon muna raw kami magbakasyon sa kanila. Lubos akong nahalina ng dagat kaya wala pa akong ganang pumasok.
"Ma, wait lang, alas singko pa lang naman, naaantok pa ako".
"Sa bagal mong kumilos sa tingin mo sapat ang dalawang oras para matapos mo ang lahat ng gagawin mo?! Hoy, saka ayus-ayusin mo 'yang tono ng pananalita mo, masyadong pambading, marinig ka ng papa mo, lagot ka talaga".
"Yeah, I know..." baka kembutan ko pa si papa sa harapan niya, e. Char.
"Bilisan mo na diyan, bumangon ka na, kumilos ka na", ayan na siya.
Dinig na dinig ang tunog ng kampana ng simbahan. Mag-isa akong naglalakad sa dilim, umiiyak. Hindi matigil sa pagtulo ang mga luha ko habang ako'y basang basa na nang ulan. Patuloy kong nilalakad ang madilim na daan at miminsa'y nadadapa pa. Palapit nang palapit ay lalo ring lumalakas ang tunog ng kampana.
Ilang hakbang na lamang ay mararating ko na ang simbahan. Dumiretso ako sa gate nito. Ang alam ko hindi nilo-lock ang gate ng simbahang ito para sa mga taong gustong manalangin nang hatinggabi o madaling araw. Hindi ko alam kung ano ang buong dahilan kasi hindi naman ako gaanong nagsisimba.
Binuksan ko ang gate at dahan-dahang lumakad patungong simbahan. Mga ilang hakbang lang naman ay mararating mo na ang pintuan nito, hindi ito kalayuan.
Dinama ko ang bawat patak ng ulan at ang dalang lamig ng simoy ng hangin. Iyak ako nang iyak at hindi matigil. Lumuhod ako kalagitnaan ng daan galing sa gate hanggang sa pintuan ng simbahan. Ramdam ko sa sarili kong hindi ako lumuhod para manalangin o humingi ng tawad sa Diyos. Mayroong ibang dahilan, siya ang dahilan kung bakit ako lumuluhod ngayon. Siya ang dahilan kung bakit wasak na wasak ang puso ko ngayon.
Biglang tumigil ang pagtunog ng kampana. Sa pagtataka ay napatigil rin ako sa pag-iyak. Humangad ako upang tignan ang itaas kung nasaan ang kampana. Doon ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng mahabang kulay puting tela. Isa siyang... sakristan.
"John, gumising ka. Gising!", medyo malabong boses ni mama ang naririnig ko.
Napamulat ako nang todo dahil sa malakas na tampal ni mama sa mukha ko. Ang sakit, ah!
"Bakit ka umiiyak? Ano 'yang napanaginipan mo? Masaklap ba ang nangyari?", pang-aasar ni mama.
"Mamaaaaaa", paungol kong reklamo.
"Hoy, ikaw. Sabi ko sa'yo kanina, mag-asikaso ka na kasi first day of school. Anong oras na, oh. 6:30 na. Bangon na diyan, kumain ka na, mala-late ka na. Naku kang bata ka, alas singko pa lang daw, masyado pang maaga. Hindi talaga ako nagkamali, sa bagal mong 'yan, siguradong late ka na".
Dumiretso na si mama sa labas. Sa kusina yata siya papunta. And... what was that?! Ang weird naman ng panaginip na 'yon. In fairness, ang gwapo ng sakristan na 'yon, ah. Dadalaw talaga ako ngayong Linggo sa simbahan, baka sakaling totoo siya.
"Hoy, kilos na diyan", sigaw ni mama galing sa labas.
Bumangon na ako at naghanda na sa pagligo. Nasanay na akong unahin ang pagligo bago kumain.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina para kumain. I really like breakfast, kasi gustong gusto ko ang mga ulam kahit cheap lang. Hotdog, prinitong itlog, at isang basong mainit na gatas. I don't know why but I find them more delicious kaysa sa mga mamahaling pagkain... Isa pa, wala talaga kaming pambili ng mamahaling pagkain.
YOU ARE READING
Holy Hypnotism
RomanceI was a fragile young one when I fell in love with our church's sexton. 'Di ko masasabing infatuated lang ako kasi alam ko sa sarili kong minahal ko ang sakristang 'yon. Alam kong minahal niya rin ako pero ang pagiging sakristan niya ang pumipigil s...