Ang lamig dito sa guidance office, ah. Nakakapasma namang pumunta rito. Kagagaling mo lang sa napakainit na labas, pagpasok mo biglang sobrang lamig.
Nakaupo kami ngayon sa harap ng guidance counselor. Magkaharap kami ni Kate. Ako ang nasa kanang bahagi, si Kate naman at si Mr. Reyes na katabi niya ang nasa kaliwa.
"Mr. Mondragon. Care to explain yourself?", tanong sa'kin no'ng guidance counselor.
"Ma'am, I will explain myself but I'll let Kate explain herself first. I'll wait and see if she tells what really happened, if it was stated thoroughly without skipping any moment of our fight. I'll wait and see if she would not lie and makes me a criminal here and she's the victim".
"Your mouth and words, Mr. Mondragon. Okay! If that's what you want. Ms. Castro, what did really happen?"
Biglang hipokritang umiyak si Kate at may pahinga-hingalo pa. Kakairita, buwesit. Subukan mo lang talagang baliktarin ako rito at gawin akong sinungaling, mas lalong hindi kita titigilan.
"Ma'am, I was just standing sa pila, then binangga po ako nang baklang 'to. I think Jona po ang tawag sa kanya. Then, tinanong ko lang naman po siya kung bakit niya po ako binangga, sinabihan niya po akong wala raw po akong pakialam at bigla na lang niya akong sinampal", wtf?!
"Okay? Go on. Ano pang mga kasinungalingan ang sasabihin mo? Go on.", sarkastiko kong sabi.
"Mr. Mondragon. Watch your mouth. Nakita ko kung anong nangyari kanina. You were just talking to each other pagkatapos ay bigla mo na lang siyang sinampal", nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Sir Reyes.
"Sir. Nanggaling na rin sa inyo. Nakita niyo lang, wala kayong narinig na kahit ano. Kinakampihan niyo po 'yang babaeng 'yan nang walang sapat na ebidensya".
"Hindi ko akalaing ganito ka pala Mr. Mondragon. Napakabait mo no'ng grade 8 ka, no'ng estudyante pa kita. Pero ngayong lumabas na ang tunay mong ugali, wala akong masabi!", bakas ang disappointment sa mukha ni Sir Reyes.
Nanahimik na lang ako at hindi na sumagot. Kasi kahit ako, hindi ko rin tanggap na nandito ako. Never pa akong na-guidance.
"Mr. Mondragon, ipapaliwanag mo pa ba ang sarili mo? Whether there is a reason or not, you have no right to hurt a person, especially she's a girl", sabi ng guidance counselor.
"Yes, ipapaliwanag ko pa po ang sarili ko. Yes, totoo pong nabangga ko siya, but that wasn't intentional, aksidente ko lamang pong nabangga siya. But before ako makahingi ng sorry sa kanya, nilait niya po ako. Sinabi niya sa aking ganoon raw po ba umasta ang isang matalinong tao. At pinagtawanan niya pa ang identity ko. And that offended me. My feelings, my heart, and my mind made me slap her. Yes, ma'am, I don't have the right to hurt her physically, but she also doesn't have the right to humiliate, make fun of my identity, and hurt me emotionally and psychologically".
Natahimik silang lahat pagkatapos kong ipaglaban ang sarili ko.
"Ngayon po, nasa sa inyo na ang desisyon at kung sino ang gusto niyong paniwalaan. Ang mahalaga ay nasabi ko na ang dapat kong sabihin".
Natapos ang pag-uusap namin at si Kate pa rin ang pinanigan nila. Maybe they believed me, pero 'yong pananakit ko raw ay hindi tama. Bakit? Siya lang ba ang nasaktan? So funny, tumitingin lang sa kung anong nasasaktan sa panlabas, pero sa panloob, wala.
Nauna na akong umalis kay Kate. Walang gana akong pumunta sa room. Last period na sa umaga ang naabutan ko at patapos na rin ito. Naabutan kong nagpakilala ang isa sa mga kaklase ko at siya na ang ikahuli.
"Welcome, Mister. Sobrang late mo na", iyong lalaking teacher sa harapan.
"Sorry, Sir. May importante lang pong pinuntahan".
YOU ARE READING
Holy Hypnotism
RomanceI was a fragile young one when I fell in love with our church's sexton. 'Di ko masasabing infatuated lang ako kasi alam ko sa sarili kong minahal ko ang sakristang 'yon. Alam kong minahal niya rin ako pero ang pagiging sakristan niya ang pumipigil s...