Chapter 10

10 1 0
                                    

CHAPTER 10 : Pandemic, can we fight you?

“Two weeks bakasyon muna bago kayo bumalik sa school.”

Two weeks daw na walang pasok na naging isang buwan hanggang sa naadjust na naman.

Hindi ko alam kung paano o kailan kami muling babalik sa paaralan. Dahil nga sa pandemic na nagaganap, hindi kami makalabas sa aming mga tahanan na naging dahilan upang hindi ko rin makita si Reymark.

Hindi madali, nakakakaba. Maraming nangyari sa nakalipas na buwan. Katulad ng hindi namin pagbalik sa paaralan, pagtatapos ng klase na naging dahilan upang maging malungkot dahil sa mga parangal na hindi natuloy.

Nakakalungkot bilang mag-aaral na nag-aasam na makamtan ang mga ito. Pero paano pa iyong mga mag-aaral na hindi nakaakyat sa stage o nakaranas ng personal na graduation dahil sa pandemya?

Naiiling akong tumingin sa cellphone, simula na naman ng bagong klase ngunit ang kaibahan ay new normal kami o mas magandang sabihin ay modular at online classes ang mangyayari.

Nakakapanibago ngunit anong magagawa natin? Maganda na naman iyon kaysa nasa school pero hinahabol naman ng sakit.

Sino ba kasing may gawa kaya nagkaroon ng Covid-19 dito? Kung sino man ang nagdala nito sa bansa, nako nandamay pa siya.

Reymark
Hi, love! Musta ka na?

Allysa
Hello po! Okay lang ako, ikaw ba?

Simula ng magkaroon ng pandemic sa bansa, naging ganito na ang routine namin. Magkakamustahan tuwing umaga, tanghali, maging sa gabi. Siguro kaya naging matatag kami dahil hindi kami nawawala ng oras sa isa't isa.

Nagagawa pa rin namin na makagawa ng paraan para makapag-usap.

Sa katunayan nga, halos hindi na namin mabitawan ang cellphone.

Natatawa ako, nagsend ito sa akin ng picture na mukhang nakita niya sa wall niya. Isa itong magcouple na may ginagawang kalokohin, not literal na kalokohan talaga pero kalandihan.

Allysa
Ikaw ha, gusto mo iyan ano?

Reymark
halata ba? haha

Natawa ako ng malakas. Hindi naman halata, sobra lang.

Nagpaalam ako sa kaniya na maggagawa muna ng module bago mag-online ulit. Umoo naman ito at sinabing magagawa na muna rin siya at mag-iigib na rin bago mag-online mamayang gabi.

Nagsimula ako magbasa ng lesson. Nakakalito ang iba lalo na yong mga part ng science kasi hindi ko man sabihin, ayoko talaga sa science.

‘Ni hindi ko nga maintindihan ang ibang lesson. Minsan noon sa room, hirap na ako o talagang matagal bago ko magets kaya paano pa kaya ngayon na walang teacher na magpapaliwanag agad di ba?

Hindi ko man type ang Science pero masasabi ko naman na may panlaban ako pag Mathematics ang pag-uusapan.

Sabi nga nila, hindi natin kailan maging magaling sa lahat pero kung kaya, edi good. Sana lahat

“Allysa, ikaw muna ang maghugas ng plato pagkatapos mo riyan ha.”

“Opo!” nagmadali akong magsagot para magawa ko na ang iniuutos ni mama. Kapangit naman di ba kung aabutan niya itong hindi hugas.

High School Love Story Where stories live. Discover now