chapter three>>

113 2 4
                                    

hayy nako .. bumili nanaman itong besty ko..di ko naman nagagamit to,kase di naman ako laging umaalis . e sya laging lumalarga,kase nga may business sila,isang clothing company,may branch sila dito at saka sa maynila...

"ah..e-eh..salamat ha,nag-aabala ka pa sa mga ganito di ko naman nagagamit ee.. -__-" -ako

"nakuu,bestiee,hayaan mo na ayan na oh! nabili ko na! wag ka na mareklamoo,sukat mo nga dalii..!"-tricia

sinukat ko naman yung sapatos na binigay nya saken,may heel sya mga 4 inch heels....kulay pink pa naman favorite color ko....

"salamat ulit bestiee waa.. alabyuu! hahha *u*"- ako

"oo naman,ikaw pa!!"-tricia

FASTFORWARD

habang naghihiwa ako ng gulay para sa tanghalian namin ni lola,bigla nya akong tinawag.May sasabihin daw siya saakin.Kinakabahan naman ako,dahil baka kung ano nanaman iyon..

"apo,halika lumapit ka dito at may sasabihin ako sayong importante"-lola biana

lumapit ako kaagad kay lola..

"lola,ano po ga yung sasabihin nyo po?"-ako

"ah,apo,kase kanina noong nasa palengke ako,tinawagan ko yung kaklase ko noong araw,si Krishia,isa sya sa pinaka matalik kong kaibigan,at sya yung pinagsilbihan ng mga magulang mo,sinabi nya saakin na nakikiramay daw siya sa pagkawala ng mga magulang mo..Apo,sinabi nya saakin na,kung maari raw ay sakanila na lang tayo tumira dahil wala naman daw tayong makakasama dito."-lola biana

o_o "

nagulat naman ako sa sinabi ni lola,ilang segundo rin akong napatulala sa sinabi nya.

"lo-lola,eh,pag-isipan po natin iyan.Pag-iisipan ko rin po.Sa maynila po ga iyon lola?"-ako

"oo,apo."-lola

pagkatapos sabihin saakin ni lola yoon,itinuloy ko naman ang pagluluto sa kusina..iniisip ko kung tutuloy ba kami ni lola,..

"siguro tutuloy na lang kami ni lola.. ay ay hindi pala kase maiiwan dito si bestie siguradong magagalit saakin yun,pero papaliwanag ko nalang sakanya maiintindihan naman nya siguro yun.."-ako

narinig siguro ako ni lola na bulong ng bulong.

"apo,may sinasabi ka ga?"-lola

"ha,ahh.. e-eeh.wala po lola .. hehe.."-ako

pinagpatuloy ko naman ang pagluluto at naka-kain na kami ni lola..sinabi ko kay lola na pumapayag na ako..nakita ko naman sa mukha ni lola na bigla syang napangiti,sinabi ko kay lola pagkatapos namin kumain na,pupunta muna ako kila tricia,magpapa-alam na ako sa kanya.Pinayagan naman ako ni lola..

SA BAHAY NILA TRICIA

"kuya guard,magandang gabi po"-ako

"oh,jezreel,napadaan ka.Hinahanap mo ba si maam tricia?Nandito sya,tara pasok ka na"-kuya guard

dahil nga kakilala na ako nung guard,pinapasok na nya agad ako..

"tricia!bestie!"-ako

tawag ako ng tawag sa kanya doon.Hanggang bumukas yung pinto nya..

"oh,bestie bakt ka nandito?"-tricia

"ah,kase may gusto akong sabihin sayo importante"-ako

"ahh,sige tara pasok ka sa kwarto ko"-tricia

..pinaliwanag ko naman sa kanya lahat lahat,nung una ayaw nya ako payagan,pero dahl nga magaling ako magpaliwanag,naintindihan naman nya...

"salamat talaga bestie..Alam mo ma-mi-miss kita!"-ako

"lalo naman ako,nooh !!"-tricia

niyakap nya naman ako bago ko umalis ng bahay nila.Medyo naiiyak ako kase mami-miss ko talga yung kakulitan nya..Bukas na nga pala kami aalis ni lola,kaya pag-uwi ko sa bahay namin,inayos kaagad namin ni lola yung mga gami namin.

xxx
©fifiliciouxx

Master Kong Super SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon