Chapter 38: Day before the Night

28 15 10
                                    

Third Person's POV

Seventh-Year

Rk-1 Eos Layton Serafica [SR-99%]
Rk-2 Lynx Marco Maython [ SR-98%]
Rk-3 Norn Hale [ SR-98%]
Rk-4 Zeno Earthwolod [SR-97%]
Rk-5 Koa Stalinski [SR-96%]
Rk-5 Jurius Marillon [SR-96.27%]
Rk-5 Cosima Gaccione [SR-96.25%]
Rk-6 Cole Stalinski [SR-96.13%]
Rk-6 Syria Brandel [ SR-95.34%]
Rk-7 Nalani East [SR-95.25%]
Rk-8 Supea Amberstone [SR-94%]

"Paanong parepareho kayo nang ranggo gayong may palabis ang mga marka na meroon kayo?" nagtatakang tanong ni Misha habang naka-upo sa ulo ni Eos.

"Hindi kasi duon lamang nakabase iyon Misha. Pumasok sila sa mga ranggo na yan dahil sa palabis ng puryento." Paliwanag naman ng binata sa kaniya.

Nasa harapan sila ng isa sa mga blackboard na nasa mga pasilsyo ng eskwelahan. Duon ay naka lagay ang kabuuag marka nila. May ilan rin ang naruon at hinahanap ang sariling mga pangalan. Maging ang ibang myembro ng Sirius Knights at Canopus Knights ay naruon din.

"Pero halos napantayan ka ni Norn sa laban ninyo noon. Bakit hindi magkapantay ang nakuha ninyo? May labis nga lamang ang sayo." anang faerie.

Nahihiyang maikling natawa naman si Eos sa narinig. "Uhmm.... Siguro dahil kinulang sa panahon? Hindi sa naganap na laban lamang kinuha ang magiging marka namin, magibg sa mga naipakita namin sa klase. Kahanga-hanga ang mga ipinakita ni Norn sa klase pero dahil malapit na mag quarterly battle noon ay hindi na siya masyadong nakadalo sa mga klase. Kung unang araw pa lamang ng pasukan ay nakapasok na siya ay baka mas mataas pa ang marka niya sa akin." nakangiting paliwanag nito.

"Paano yung si Tania kamo? Bakit wala siya sa listahan?" tanong muli ni Misha.

"Ah! Sa fourth year lamang kasi ito. Pero sigurado akong siya ang nangunguna sa batch nila. Ika-anim na taon naman nila dito. Masyado malakas si Zantania. Kahit sino nga ay takot siyang kalabanin. Sa huling exam pa malalaman kung sino ang ngungunang istudyante sa buong akademya." tugon muli ng binata.

"Nasaan nga pala si Norn?" pagsabat ni Syria. Nagpalingon-lingon ang mga ito ngunit wala ang dalaga sa paligid.

"Why not look for her and get out of our way? Hindi lang pangalan ninyo ang nakapaskil sa board." anang isang boses mula sa likod.

Ang nagsalitang iyon ay walang iba kundi si Supea ng Canopus Knights. Halos makalimutan na ng Sirius knights na naruon pala ang ikalawang ranggo. Ang hindi lamang nila makita ay ang captain ng mga ito na wala ruon.

"Oho?.... looks like you manage to stay being Canopus Knights." Syria mocked with a smug look on her face. Nainis naman kaagad duon ang iba sa mga kabilang panig.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon