awkward 1

4 1 0
                                    

I like him. Simple lang si Liam kaya naman sa simpleng pagpansin at pag ngiti nya sa akin, para na akong nanalo sa loto.

Alam nyang gusto ko sya kaya nga may wall sa pagitan naming dalawa. Pinapansin ko palagi ang mga kaibigan nya pero sya bilang lang sa daliri ang pagpansin ko sa kanya. Ganon din sya sa akin. Nakakakwentuhan nya ang mga kaibigan ko pero ako, nilalayuan. Maybe ayaw nya na umasa ako sa kanya dahil may iba syang gusto.

I cherished every moment we shared. Sinusulit ko na pagpinapansin nya ako. Kaya lang mas marami ang mga araw na pakiramdam ko isa akong sakit na kailangan nyang layuan. Kung nasan ako, wala sya. Kapag umalis na ako, nandon na sya. Nasaktan ako pero at the same time hinahangaan pa rin sya kase hindi nya ako tinetake advantage. Kahit nahihirapan sya, hindi sya lumapit sa akin para magpagawa ng kung ano mang activities.

Si Liam yung tipo ng tao na kahit wala naman syang ginagawa, attractive pa rin. O baka naman kaya ganito ang pag describe ko sa kanya kase bias ako? Hindi ko na rin alam. Ang alam ko lang, ang lakas ng tama ko sa kanya.

Piyesta noon sa barangay ng isa naming kaklase. Nagkayayaan kaya naman sumama ako. Kumain kami at nag inom sila. Hapon na kaya walang dumadaan na jeep. Nakauwi na ang iba naming kaklase at tatlo na lang kaming naghihintay ng masasakyan. May tumigil na tricycle sa harap namin at doon na lang kami sumakay. Iyong isa naming kaklaseng babae ay doon pumuwesto sa angkasan. Ako naman sa loob. Si liam na lang yung hindi nakakasakay. Pinipilit nya na si Miles na lang raw ang doon sa loob kasama ko pero ayaw ni miles dahil sya naman daw ang unang bababa. No choice sya kaya sumakay na sya sa loob ng tricycle katabi ko.

Awkward. Thats the best description sa sitwasyon namin. Hindi sya nagsasalita kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan. Pagkatapos ko magtanong, isang sagot lang ang binigay nya. Iyong sagot na parang may tuldok kaya hindi mo na masusundan pa. Buong biyahe tahimik kami.

"Neng di ata kayo nag uusap dyan ah" sabi ni kuya driver

Napangiti ako.

"Mag jowa ba kayo?" dagdag nya

"HINDI PO"
"HINDI HO"

nagulat kami.

di ko alam ang mararamdaman ko. si miles naman tawa ng tawa sa likod.

kung kanina ackward, ngayon gusto ko na lang makauwi na kasi hindi ko kinakaya ang feeling. Super nakakailang. Kinausap ko na lang si kuya driver para naman kahit paano ay gumaan ang atmosphere.

kami lang dalawa ni liam ang bumaba sa may kanto dahil nakauwi na si miles.

"trish, una na ako"

"sige"

nagsimula na syang lumakad. pareho lang kami ng lalakaran pero pinapauna ko sya. mabagal lang ang paghakbang ko habang sya ang bilis. nalulungkot ako pero at the same time, natutuwa.

nagulat ako ng lumingon sya ulit kaya naman sinenyasan ko sya na umuna na. naisip ko na ayaw nya ako kasabay kase baka may kakakilala sa kanya tapos iba rin ang isipin.

Habang naglalakad, puno ng kalungkutan ang puso ko. His actions says that he doesn't like me. And it hurts me.

Mr. LIAM BINABALIW MO AKO!

Greatest WHAT IFWhere stories live. Discover now