"Gusto kita"
S'yam na letra, dalawang salita
Masakit makitang kasama mo siya at napapasaya ka niya,
Pero anong magagawa?
Dahil di mo alam na gusto kita.Sa bawat salitang binibigkas mo patungkol sa kanya
Doble ang balik na sakit, pero pilit inaalis
"Gusto kita" mga simpleng salita
Pero sakit ang resulta.Oo, kaibigan kita,
Pero higit pa doon ang aking nadarama,
Pasensya kana,
Dahil ginusto kita.Kay sarap makitang kasama kita
Sa hirap at ginhawa,
Ngunit, nakakatawa
Nagising ako at panaginip lang pala.Hanggang imahinasyon na lamang ito
Dahil hindi ko kayang isakripisyo,
Ang pagkakaibigan na ito,
Dahil sa nararamdamang ito, na balang araw umaasang magbabago.