1

7 0 0
                                    

Chapter 1

~*~

"Wala pa nga?" Sabi ng katabi ko

Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi niya at pinagmamasdan ang labas, it was raining. Napatingin ako sa orasan sa loob ng classroom at nakita na malapit ng mag 8:30am, if nag 8:30 na at wala pa rin si sir ay vacant na namin. And next na klase ay mamayang 1pm pa, kung may klase pa, sa lakas ba naman ng ulan?

O kaya dahil wala pa si sir ay natraffic siya o nabasa na sa ulan, ewan, tinapat sa akin ni Mira ang electric fan kaya napayakap ako sa sarili ko at sinamaan siya ng tingin

Tinawanan niya lang ako at inilayo na ulit sa akin ang electric fan, ang lamig lamig na nga bubuksan pa yan, nakabukas ang aircon, naka bukas pa ang bintana, 'di ba lalabas ang aircon niyan?

"Yesha" napalingon ako sa tumawag sa akin, it was Simon

Nakangiti siyang tumabi sa akin, I froze in my chair when he put his jacket on my shoulders, I look at him frowning

"Malamig" nakangiti niyang sambit, nginitian ko na lang siya at hinayaan ang jacket sa balikat ko

Sino pa ba ako para tumanggi?

Nakaupo lang siya sa tabi ko at tumingin sa labas, maya maya ay inilagay niya ang kamay niya sa likod ng upuan ko kaya napatingin ako sa kaniya, I awkwardly smile at him, di ba dapat pag ginagawa ng lalaki 'to ay kikiligin ang babae? Eh ba't ako naiilang?

Bakit parang gusto ko siyang paalisin, laking pasasalamat ko kay Mira ng tawagin niya ako kaya dali dali akong tumayo at nagpaalam sa kaniya

Iniabot ko sa kaniya ang jacket niya na sa una ay sabi niya na dalhin ko na lang pero tumanggi ako at sabi ko sa kaniya na baka lamigin siya, agad akong umalis para di na siya tumanggi at lumabas, pumunta kung nasaan si Mira

I saw her talking to a girl, and when she look at my direction she smile, ngayon ko lang napagtanto na kaya pala pamilyar ang mahaba at straight nitong buhok ay si Keziah pala 'to

I guess wala rin ang prof. nila

"Yesha!"

"Keziah, ba't ka nandito?" Tinaasan ko siya ng kilay

Syempre di papatalo 'to kaya inirapan niya ako at nahampas pa ng panyo

Pinanlakihan ko siya ng mata kaya natawa na lang siya

"Ikaw nag-umpisa"

"Ba't may paghampas!?" I exclaimed

Nakalimutan kong nandito pa si Mira

"Mira, you know what?" I said, napakunot naman ang noo niya sa akin "wala lang"

Like Keziah, inirapan niya ako at nahampas ng kaniyang kamay, ngumiwi ako

Ba't ba lahat ng nagiging kaibigan ko hinahampas ako?

"You know what tas wala lang!? Umalis ka na nga" irap nito "kaladkarin mo na yan, shoo"

Napailing sa kaniya si Keziah at hinila na nga ako

"Uyy teka"

"Tara na" hinila niya na ako ng tuluyan

"W-wait"

"Sige na lagpas na nang 10 minutes! Vacant na!" Sigaw nito habang nasa magkabilng pisngi niya ang kaniyang kamay

She smiled at me at kumaway, kumaway na rin ako at umayos ng tayo para makasunod ako kay Keziah

"Keziah" napalingon ako sa tumawag sa kaniya at nanlaki ang mata

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

#2Where stories live. Discover now