Prologue

18 3 0
                                    

Prologue 

"Congratulations, our Hirang!" Mama greeted in delight. Pumapalakpak pa sa tuwa at abot tenga ang ngiti. "Ang bunso ko... graduate na. Cum Laude pa! Hay, salamat sa Diyos!"

Papa handed me the bouquet of roses and gave me a warm hug. Nag-thumbs up pa siya sa akin.

I smiled at them. "Salamat po."

Ate Hiraya laughed, side-eyeing me. "Graduate na rin kaya kay–"

I rolled my eyes. This bitch. "Shut up."

"Aya, huwag mong badtrip-in ang kapatid mo at araw niya 'to! Baka 'pag sinumpong 'yan, lumipad 'yan agad papuntang New York!" ani Mama at bahagya siyang kinurot sa tagiliran.

"Aww! Ma naman, eh!" daing nito. "Speaking of which, anong plano mo, lil sis?"

Napaisip ako. Everyone is starting to leave the stadium. Kanina pa natapos ang seremonya at parada. Nandito lang kami sa gilid para mag-picture at para hintayin ang mga kaibigan ko.

"Magpapahinga." maikling sagot ko. I got my phone inside my purse and decided to chat them — asking where they were. Mabilis naman silang nag-reply at sinabing nasa labas daw sila, sa arko.

Habang naglalakad ay inuusisa nila ako sa plano at mga gagawin ko ngayong tapos na ang apat na taon ko sa kolehiyo. To be frank, I have no idea. Gusto ko lang muna magpahinga. I know these past few months, I seemed so lost. Mabuti nga at naka-graduate pa ako — Cum Laude pa. I couldn't be more proud. Hindi lang maalis 'yong bigat ng nararamdaman ko.

I don't know. I'm still trying to figure things out. Alam ko naman ang sagot. Ayoko lang aminin sa sarili ko.

"Today is your day, Hira. Cum Laude ka, basura siya! This shouldn't revolve around Rhed. Six months na rin... I'm not trying to invalidate you, but don't ruin this successful day of yours para sa bullshit na 'yon, okay?" Ate Aya consoled me.

Ngumiti sa akin si Mama at hinagod ang likod ko. Nakatingin lang si Papa sa akin pero alam kong malalim ang iniisip niya.

I took a deep breath and gave them a reassuring smile. Nakita ko sa kalayuan ang dalawa kong kaibigan. As soon as they saw me, they immediately waved their hands. Lumapad ang ngiti ko at mabilis na naglakad sa gawi nila.

"Ey! Ang angas! Patingin nga ng lakad Cum Laude!" Hope teased.

"Slay! Hindi mo kinaya!" dagdag pa ni Amaris.

They both laughed. I rolled my eyes in disbelief. "So OA."

Binati silang dalawa ni Mama at niyakap. "Congratulations, mga ganda! Punta kayo sa bahay, ah? May simpleng handaan."

"Sige po, Tita Helen!" They both replied in chorus.

"Oh, sige, mauna na kami. Hintayin namin kayo roon! Hirang, 'nak, mag-ingat ha?" paalam ni Mama kaya tumango ako. Umalis na sila pagkatapos no'n.

Nagpaiwan ako dahil kailangan pa naming mag-picture ng mga profs at batchmates ko. Hinintay ko rin matapos si Maris at Hope makipag-usap sa mga ka-batchmates nila para sabay na kami didiretso sa bahay. We just graduated with our different programs. Hindi namin alam kung kailan ulit magtatagpo ang mga landas namin, so might as well cherish it with our little moments today. Yakap dito, usap doon. Kahit ngayon lang makipag-plastikan muna ako.

Maris and Hope are my only dearest friends since high school. Kahit ngayong college na magkakaiba ang mga programs namin ay sila pa rin at hindi 'yon magbabago.

It was strange — the first week of being a fresh graduate felt strange. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga kamag-anak kong nagtatanong kung kailan ko balak maghanap ng trabaho. I want to tell them that it's not their business anymore, but I can't. I just shrugged and told exactly my reason: to rest for a while.

Scratches SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon