Isang dalaga ang kaawang-awang naglalakad sa kalye. Hindi niya namamalayang nasa gitna na ng kalsada siya naglalakad. Hanggang sa muntikan na siyang mabangga ng kotse.
Mabilis na bumaba ang drayber ng kotse, isang babae na nasa trenta ang edad. Agad nya itong inasikaso at nag-aalalang nagtanong, "okay ka lang? Nasaktan ka ba?"
Wala siyang hikbi at nakatulala lang ito.
"Okay ka lang?" muling tanong ng babae.
Tumango ang dalaga bilang tugon.
"W-what's your name young lady?"
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil hindi nga niya matandaan ano ang pangalan niya at saan siya nagmula.
Nakita niya ang isang matandang babae na hinahabol ang bata na tumatakbo.
"Tina bumalik ka rito! Mamaya ka na maglaro dahil kakaligo mo lang!"
"Tina bumalik ka rito! Mamaya ka na maglaro dahil kakaligo mo lang!"
"Hello? Naririnig mo ba ako?" tanong ulit ng babae habang kinakaway ang kamay sa harap niya.
"Tina. Tina," tanging yan lang ang nabigkas niya.
"Y-you are Tina? Your name is Tina?"
"Tina," ulit niyang sabi.
"Ah y-yes. Your Tina. Hi! I'm Amanda!" nakangiting sabi ng ni Amanda habang iniaalok ang kanyang kamay kay Tina.
Walang tugon si Tina at nanatiling nakatitig kung saan.
"Hi?" sabi ni Amanda matapos nang hindi humihikbi si Tina.
Parang wala siya sa sarili na nakatingin lang sa kawalan. Ilang saglit lang ay tila bumalik ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.
Napatingin siya kay Amanda. "Ano kailangan mo?"
"K-kamustahin lang kita kung n-nasaktan ka ba? Bakit ka naglalakad sa gitna? Muntik na kitang mabangga," ani Amanda
Iniikot ni Tina ang kanyang paningin sa paligid na mababakas sa kaniyang mukha ang pagkalito at hindi maipaliwanag na sitwasyon.
"Nasaan ako?" kunot-noong tanong niya na tila naguguluhan.
"A-ano?" tanong ni Amanda na parang naguguluhan na rin sa dalagang kaharap niya, "mukhang hindi ka talaga okay Tina."
"T-Tina?" takang tanong ni Tina.
"Yes. Tinanong kita kanina kung ano pangalan mo ta's ang sabi mo Tina."
Nakaramdam ng pagkahilo si Tina at nanghina ang kaniyang katawan. Napansin iyon ni Amanda kaya agad niya itong naalalayan bago ito matumba. Nawalan ng malay si Tina kaya agad siyang isinakay ni Amanda sa kaniyang kotse.
Namulat ang mga mata ni Tina, ipinalibot niya ang kaniyang tingin sa paligid dahil nababaguhan siya sa kaniyang nakikita. Kumatok ang pinto, pumasok si Amanda na may dala-dalang pagkain at gatas.
"Oh gising ka na pala. Tamang tama ipinaghanda kita ng pagkain. Kainin mo yan para malagyan ka ng lakas," ani Amanda na inilapag ang pagkain sa lamesa.
Nakatitig si Tina sa pagkain at hindi na niya mapigil ang kaniyang sarili na hindi kainin ang inihanda sa kaniya ni Amanda dahil lubos siyang nagugutom.
Agad niyang kinuha ang pagkain at madaling isinubo sa bunganga.
Napatingin na lang sa kanya si Amanda. "Dahan dahan baka mabulunan ka."
BINABASA MO ANG
Esayah
WerewolfEsayah, a transferee student in an academy who experienced a cruel treatment from one of the wealthiest handsome man. Until, she can't resist the temptation, she release her hidden power. She can control everything around using the power that comes...