ONESHOT

175 10 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

____________________________________________

Malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mama. "Isa kang kahihiyan sa pamilyang 'to! Sana hindi na lang kita ipinanganak!" singhal niya sa akin.

Mas lalong ikinadurog ng puso ko ang mga salitang 'yon.

Dahil lang sa isang pagkakamali ay nakalimutan na niya ang lahat na nagawa kong tama sa pamilyang 'to.

I hate this life!

Nagpakalayo layo muna ako, yung hindi nila ako mahahanap.

Yung hinding hindi na talaga.

Sa Batanes ako pumunta.

Ayaw ko na. Ayaw ko na sa mundong 'to!

Agad ako tumakbo papunta sa dagat.

I hate this fucking life!

Gusto ko na lang mawala.

Hinihintay ko yung alon pero may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"Huwag, please." boses babae.

"Let me go!" pagpupumiglas ko.

"Hindi." humigpit ang yakap niya.

"Bitawan mo ako sabi!"

"Hindi."

"Damn!" hinatak ko siya palayo sa tubig.

Pabalibag ko siyang binitawan.

"Ano bang problema mo?!" singhal ko sa kanya.

"Nililigtas lang kita."

"Nababaliw ka na ba?"

"Kung mabigat na ang pinapasan mo, bitawan mo. Lahat may solusyon."

"Anong alam mo? Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko!"

"Alam ko, pero mapag uusapan naman 'yan."

"Kahit pag usapan pa, hindi na masosolusyonan pa dahil tadhana ko na 'yon!"

"Hindi."

"Shut up!"

"Ang daming gustong mabuhay."

"Pwes ako hindi!"

"Huwag mong sabihin 'yan."

"Sawang sawa na ako sa buhay ko. Gustong gusto ko na ng payapa." naging emosyonal na ako.

"Hirap na hirap na ako sa buhay ko." napaupo na lang ako.

Naramdaman ko ang pag tapik niya sa likuran ko.

Nakaupo kami ngayon sa buhangin at pinagmamasdan ang dagat.

"Mababawasan ang bigat niyan kapag sinabi mo sa akin."

7 Days With YouWhere stories live. Discover now