Chapter Nine

16 1 0
                                    

2008

It was summer of 2008, month of April. Bakasyon sa school. Nabalitaan ng tatay ko na pumanaw ang ama ng tiyuhin ko. Kaya pagsapit ng linggo, pumunta kaming pamilya sa subdivision sa Alabang.

Hindi ako makatulog nung gabi pa lang kakaisip sa crush kong kempee ang buhok. Kahit maattitude 'yun, hindi ko siya maalis sa isip ko.

Sa tuwing nagsasagot ako ng slumbook ng mga besties ko, siya ang nilalagay ko sa 'who is your crush' na tanong.

I don't know his name but I call him my 'dreamboy'.

Pagpunta namin sa lamay ay humarap kami at nagmano sa mga kamag-anak. Ilang saglit pa ay nagpaalam muna ako sa parents ko na lalabas ako.

Agad kong tinahak ang daan papunta sa playground ng subdibisyon. Gusto kong makita uli si dreamboy! Kamusta na kaya siya? Alam niya bang hindi siya mawaglit sa isip ko simula nung nakita ko siya? Maldito nga siya't tinulak niya ako. Pero nakaganti naman ako kasi naitulak ko rin siya. So wala na akong nararamdamang sama ng loob ngayon. Puro nalang kilig sa tuwing naaalala ko siya. Hindi ako nagkacrush sa mga lalaki sa school kasi loyal ang damdamin ko kay kempee boy.

Pagkarating ko sa playground ay agad na hinanap ng mga mata ko ang batang lalaki na gustong-gusto kong makita. Ang daming bata ang nakapalibot sa mga slide na parang kagaya ng nasa McDo. Meron na palang gano'n dito.

Wala sa mga bata doon si dreamboy. Hays..

Umupo ako sa swing. Bakante ang katabing swing. Sana dumating si dreamboy at umupo siya dito sa tabi ko.

Pero mag-dadalawang oras na akong naghihintay sa swing, wala pa rin si dreamboy. Malapit na akong mawalan ng pag-asa at umuwi sa bahay ng tito ko. Bigla kong naalalang humiling kay Lord.

Pinikit ko mga mata ko at taimtim na nanalangin.

Please, Lord. Sana makita ko siya.

Paulit-ulit ang pag-usal ko no'n hanggang sa bigla nalang akong may naamoy na tila pinaghalong baby powder at pabangong panlalaki.

Madalas ay umaasa lang talaga ako sa wala. Tila 80% ng mga expectations ko ay hindi naman talaga nagkakatotoo. Kaya alam kong hindi siya itong naaamoy ko.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nilingon ko ang katabing swing.

Tila huminto ng isang segundo ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang lalaking gustong-gusto kong makita sa nakalipas na dalawang taon. Si Dreamboy!

He's smiling at me. I smiled too.

I can't believe that I'm seeing him. Am I hallucinating?

He looked way better than the last time I saw him. Lalo siyang pogi kapag nakangiti. Busangot at salubong kasi mukha niya nung una ko siyang nakita.

"Hey, you!" bati niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag. Para bang kilalang kilala niya ako. Tila ba game na game siyang makipag-kaibigan sa akin. He's so friendly and approachable. Binago nga yata talaga siya ng dalawang taon na hindi ko siya nakita.

Ako naman ang biglang nahiya. Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.

"Hi.." bati ko sakaniya sabay lagay ng hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.

"How are you?" bati niya pabalik sabay kamot sa pisngi. "Ahmm.. I'm sorry for my behavior towards you before. I was in a bad situation back then. Nasungitan kita last time. I hope you forgive me, Elia."

Kumunot ang kilay ko. Sa pagienglish niya na pilit kong kino-comprehend at 'yung narinig kong pangalan ko. Bakit alam niya ang pangalan ko. Not my exact name pero malapit na malapit sa real name ko. Pa'no niya ako nakilala?

There Was You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon