Waiting for you (ONE SHOT)

77 4 0
                                    

Naka-upo sa gilid ng kalsada, naka-tingin sa bawat taong dumaraan sa harap niya. Napa-buntong hininga ang binata nang mapansing hindi pa dumaraan sa harap niya ang babaeng hinihintay niya.

"Hijo, dalawang linggo ka nang pabalik-balik rito. Sino ba talaga ang hinihintay mo?" tanong ng isang gwardya na nagba-bantay sa isang establishmentong malapit sa lugar na inuupuan niya.

"May babae po akong hinihintay. Kakahiwalay lang po namin, umaasa akong babalikan niya ako, at kung gusto niya mang bumalik sa piling ko, ito ang unang lugar na pupuntahan niya upang mahanap ako." Naka-ngiti nitong sambit sa gwardya. Naka-ngiti man ito, hindi parin nito naitatago ang kalungkutan sa mga mata niya.

"O sige, kung may kailangan ka, 'wag kang mahihiyang lumapit saakin." sambit ng gwardya, tinapik nito ang balikat ng binata saka ito tumalikod upang bumalik sakanyang pwesto.

Napa-buntong hininga ang binata at napa-sandal sa sementong nasa likod niya, agad na naalala niya ang araw kung kailan sila nagka-kilala ng babaeng pinaka-mamahal niya.

"Dude, come on. Hinihintay ka ni Marian, pumunta ka na kasi rito." bulyaw ng kaibigan niyang si Gino sa kabilang linya. Inipit niya ang telepono sa gitna ng kanyang balikat at sakanyang tenga. Napa-ngiwi si Angelo habang hirap na binabalanse ang mga papeles sa kanyang mga kamay, inayos niya ang pagkaka-sabit ng kanyang bag sa kaliwang balikat upang hindi ito tuluyang mahulog.

"No, Gino. I won't come to that damn party. Marami akong paper works na aayusin. You do know that College Life Sucks." reklamo ni Angelo. Mabilis siyang nag-lalakad papalabas ng kanilang eskwelahan upang maka-layo sa mga kaklaseng umiimbita sakanya sa isang party.

"Dude, You need to rest. Chill. This is the perfect time to relax. 'Wag mo munang isipin ang mga paper works mo." payo ng kanyang kaibigan ngunit napa-iling lamang si Angelo.

"Dude, tomorrow's the deadline."

"Cool."

"No. That is not so cool. Babagsak ako kung hindi ko 'to mapapasa bukas." sambit ni Angelo.

"I dont gi-" hindi na narinig pa ni Angelo ang sunod na sinabi ng kaibigan nang mahulog ang dala niyang mga papeles kasama na rin doon ang kanyang telepono.

"Shoot. I arranged that Alphabetically!!" Napa-sabunot na lamang si Angelo sa kanyang buhok nang makita ang nag-kalat na mga papel sa gitna ng kalsada.

"Oh my gosh. I'm Sorry." sambit ng dalaga saka dali-daling tinulungan ang binata sa pag-pulot ng mga nag-kalat na papel.

"It's okay. Ako 'tong hindi tumitingin sa dinaraanan ko." giit naman ni Angelo nang ibigay ng dalaga ang mga papel na napulot nito.

Napa-tulala ang binata nang makita ang ganda ng babaeng nasa harap niya. Parang napako ang mga paa niya sa sahig at hindi niya matanggal ang tingin niya sa mukha ng dalaga.

"Kuya? Okay ka lang?" tanong ng dalaga sakanya, agad naman siyang napa-balik sa realidad nang marinig ang boses ng dalaga.

"Ah? Oo, okay lang ako. I'm Angelo, by the way." naka-ngiti nitong sambit, inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga upang makipag-kamay rito.

"I'm Jenny. Nice to meet you, Angelo." sagot nito saka tinanggap ang kamay ng binata upang makipag-kamay.

"Nice to meet you Too, Jenny."

Bumalik sa realidad ang binata nang mapansin ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Hijo, nandito ka na naman?" Agad na napa-tingala si Angelo nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napa-ngiti siya nang makita si Lola Pia. Si Lola Pia ang matandang laging dumadaan sa kalsadang inuupuan niya tuwing hapon, Si lola Pia ang isa sa mga nakilala niya sa loob ng dalawang linggong pag-upo niya sa gilid ng kalsada kung saan sila unang nagkita ng taong mahal niya, Ni Jenny.

Waiting for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon