Chapter 5

0 0 0
                                    


        "Should I repeat it? I'm her husband." Inakbayan ni Gideon ang gulat na dalagang nakatayo na sa tabi niya.

        "Gideon—"

         Hindi niya hinayaan na makapagsalita si Lizzy, "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may imi-meet ka pala ngayon, sweetie? And who are they?"

        Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ng lalaking tinawag ni Don Rodrigo na Howard. Masama rin ang tingin nito sa kanya tulad ng Don.

       "May asawa ka na, hija?"

        Hinapit niya sa bewang ang dalaga palapit sa kanya. "Pwede kong ipakita sa inyo ang marriage certificate namin kung gusto ninyo. But again, may I know who you are?" 

       "I'm her father." Maawtoridad na sagot ni Don Rodrigo. Matiim ang titig nito sa binata.

        "Oh! Hindi ko alam ang tungkol sa kanya, sweetie. You never told me about your father."

         "Gideon—"

         He cut her off again. "It's wonderful meeting you, sir. I'm sorry to interrupt your reunion with your daughter. But we have to go. Let's go, sweetie. Your mom is waiting for us." 

         Wala ng nagawa si Lizzy ng akayin siya ni Gideon palabas ng restaurant. Walang pakialam ang binata kahit nakita niya ang pagtangis  ng bagang ng dalawang lalaking iniwan sa restaurant.

        "Sandali nga! Ano ba 'tong ginagawa mo, Gideon?" Pumiksi si Lizzy mula sa pagkakahapit ni Gideon sa kanya at kinonpronta ito.

        "'Wag tayo ritong mag-usap. Hinihintay tayo ng mommy mo."

         "So, alam ni Mommy ang tungkol dito?"

        "Yes."

        "What's going on?" Puno ng pagtataka ang ekpresyon ng dalaga.

       "Your mom will explain everything to you. Hop in." Sumakay ito sa bigbike at iniabot sa dalaga ang isa pang helmet.

        "Diyan mo ako isasakay?" shocked na tanong nito. Na ikinangisi ni Gideon.

         "Don't worry. You are safe with me, wife."

          Kinilabutan si Lizzy sa pagkakasabi no'n ni Gideon sa kanya.

          "Sasakay ka o bubuhatin pa kita para isakay dito?"

         Umaktong bababa ng motor si Gideon. Kaya inunahan na ito ni Lizzy. Sumampa na siya sa motor.

        "Safety first. Pakisuot itong helmet." Inaabot niya sa dalaga ang helmet na hindi nito kinuha ng iabot niya.

          "Mom should have a good explanation for this." Inirapan nito ang binata habang isinusuot ang helmet. "Kung hindi— Aah!" Hindi na naituloy nito ang sasabihin ng pasibadin ni Gideon ang bigbike niya. Wala ng choice ang dalaga kung hindi ang yumakap ng mahigpit sa bewang ng binata.

        Napangiti naman si Gideon nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Lizzy sa kanya.

        Nang marating nila ang bahay nina Lizzy kung saan naghihintay ang ina nito, ay nakatikim si Gideon ng hampas mula sa dalaga.

       "Nakakainis ka! Are you trying to kill me?" galit na singhal nito.

       "No sweetie. I'm trying to save you."

        "Pilosopo!"

        "Iyon ang totoo."

        "Lizzy! Anak!" Patakbong sinalubong sila ni Mrs. Mariano at niyakap ang anak. "How are you? Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong nito.

Mr. Playboy is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon