013

22 14 0
                                    

Chapter 13:

"Mahal na prinsesa" napalingon ako kay vina, nasa harden kasi ako at Nakatingin sa fountain. Bukas na ang kaarawan ko, lumingon ako saaking likuran at Doon nakita ko si Vina na naka tayo, bahagya akong ngumiti.

"Vina" mahinang bigkas ko ng pangalan niya, she smiled. "Mahal na prinsesa, anoʼt naririto kayo? Hindi baʼt bukas ang iyong kaarawan? Ang sabi ng mahal na reyna ay tawagin ko kayu" aniya.

Umiling-iling na lamang ako, napaka rami niyang tanong. "Nagliliwaliw lamang ako Vina, Bakit daw ako pinapatawag ni ina?" ani ko. "Nais niyang sukatin mo raw ang damit na susuotin mo sa iyong kaarawan mahal na prinsesa, ipinatahi niya pa iyon mula sa Valcassia" ani nito.

Napakunot ang aking noo, Valcassia? Ang Valcassia ang Lugar Kong saan nandodoon ang mga tanyag na mga mananahi, mahal ang mga damit nila ngunit sulit dahil magaganda ang mga tinatahi nilang damit at iba pang kasuotan, nagtataka ako, Noong unang buhay ko ay simpleng damit lamang ang pinasuot ni ina sakin, ngunit talagang maganda iyon.

"Pangunahan mo ang daan" ani ko, tumango lamang siya at tumalikod bago nag lakad. Tahimik ko lamang siyang sinundan, nasa kalagitnaan na kami ng hallway ng makasalubong ko si Luke. Yumuko si vina sakanya at nag patuloy sa pag lakad. Naging blangko ang aking mukha, nawalan ng buhay ang aking mga mga mata.

Huminto siya sa aking harap lalagpasan ko sana siya ngunit nahawakan niya ang mga braso ko, nauna na si vina ngunit Huminto siya at bumalik, pumpwesto siya saaking likuran. "Arriane" usal nito. Hindi ko siya sinagot at tiningnan lamang. Nangungusap ang mga mata niya at dahan-dahang binitawan ang aking braso.

"I'll leave." Malamig Kong ani at akmang maglalakad ng muli nang tawagin niya ang pangalan ko napahinto akong muli sa paglalakad at hinintay ang kanyang sasabihin, nang wala akong marinig na anumang salita ay haha ang na sana akong muli ng "Arriane, Arriane I'm sorry" natigilan ako ng ilang sigundo. Ngunit agad din akong naglakad.

Hindi ko inaasahan na mag so sorry siya sakin, iwinaglit ko na lamang iyon sa aking isipan. "Vina, nasaan ang aking ina?" tanong ko habang hindi parin humihinto sa paglalakad.

"Nasa iyong silid, Mahal na prinsesa" tumango at at binilisan ang aking lakad. Maya-maya pa ay naka rating na kami sa pinto nang aking silid binuksan iyon ni vina para sakin. Pumasok ako at bumungad sakin si ina na may malaking ngiti sa labi, agad niya akong niyakap.

"Arriane anak ko! Ohhh how I miss you! Ilang linggo lang hindi lumabas sa iyong silid, at kanina na pinuntahan kita dito ay wala ka, ang sabi ni Vina ay nasa harden ka kaya pinata wag kita doon" ani nito pagkatapos humiwalay ng yakap saakin.

"sorry ina, kung kailangan Kong magmukmuk dito saaking silid" ani ko, simula kasi nung dumating ako dito ay hindi ako lumabas ng kwarto ko, ngayung araw lang.

"Nakita moba ang mga kapatid mo?" ani nito, I flinched ang uttered. "Si Luke lang po" ani ko. "May sinabi ba siya sayo?" ani nitong muli tumango ako at nag iwas ng tingin. Narinig ko ang buntong hininga nito, hinwakan niya ang aking pesnge at pinaharap iyon sa kanya.

"Anak~" pinutol kona agad ang sasabihin ni ina, "Ina, let's not just talk about it" ani ko Bumuntong hininga siyang muli "Arriane~" muli ay pinutol ko ang sasabihin niya. "Ina, Please."ani ko at kumawala sa pagkakahawak ni ina saakin. Pumunta ako sa bintana at niyakap ang sarili. Muli ay Narinig ko ang buntong hininga ni ina sa aking likuran.

"Okay, Arriane anak let's not just talk about it but" nramdaman ko ang paghawak ni ina sa aking pulsuhan, pinaharap niya ako sakanya at hinawakan ang dalawa Kong kamay. "But when your ready to forgive, please forgive them, okay" tumango ako at bahagyang ngumiti.

She hugged me very tight, "Come on! Try your gown!" biglang ani nito at hinila ako, napangiti ako, kinuha ni ina ang gown na nasa kama, "Isuot mona bilis!" ani ina at inabot saakin ang gown na dark blue off shoulder gown, may glitters ito at semple lang pero elegante.

Kinuha ko ito nang biglang sumakit ang ulo ko, muntik akong matumba. Nabitawan ko ang gown napahawak ako sa kama, nahawakan din ako ni ina. "Anak? Are you okay? What happened?" napa pikit ako at Di magawang makasagot kay ina.

Muli at sumakit ang ulo ko dahilan para mapasigaw ako, napahawak na ang dalawang kamay ko saaking ulo dahil sa sobrang sakit, napa upo narin ako sa kama, "Anak? Arriane? What happened to you? Are you okay? Anak?" nag aalala ang boses ni ina, natataranta siya at wala nalang siyang ibang ginawa kundi ang yakapin ako.

It somehow helps me, Maya-maya ay humupa na ang sakit ng ulo ko, "Anak, are you oka~ anong nangyari sayo? Bakit kanamumutla? Anak?" anong nagyayari sakin? Bakit, bakit biglang.

"ina, I'm okay. Maari niyo ba akong Iwan? Nais ko lang pong magpahinga" ani ko, nag aalalang tumango si ina, "Paki kuha ng damit, at ilagay sa nararapat niyang kalagyan madali, Nais magpahinga ng prinsesa" ani nito sa mga katulong.

"Anak, magpahinga ka. Dahil bukas ay lalabas na ang iyong gaurdian, nasasabik na ako para sa iyo anak kaya magpa hinga ka" ani nito habang kinukumutan ako.

"Ina, Don't expect too much" ani ko, ngunit ngumiti lamang siya at hinalikan ako sa noo. "Tomorrow is your big celebration!" ani nito at naglakad palabas ng aking silid, sumunod naman agad ang mga katulong.

Napapikit na lamang ako sa aking mata, bigla akong napabangon nang may Narinig ako sigaw nang kung ano, hindi siya tao kundi sigaw ng isang mukhang napakalaking hayop at tila malapit lamang ito sa aking tenga "Ahhhhhh! Please stop! Please! Stop!" I shouted, masakit sa tenga, sobrang sakit malakas ang sigaw.

Nasa magkabilang tenga kona ang aking mga kamay ko, sabrang lakas ng sigaw at ang sakit sa tenga. Maya-maya pa ay nalihis ang sigaw at napalitan ng isang napaka gandang musika, hindi ko alam kung saan ito nag mumula ngunit dahil dito ay bumigat ang talukap ng mata ko.

NAGISING ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin, iminulat ko ang aking mata. Bumangon ako sa aking kama at inilibot ang tingin, gabi na pala. Napalingon ako samay bintana maliwanag sa labas, bumaba ako sa aking kama at nag lakad patungong Veranda.

Napayakap ako sa aking sarili ng madama ang Malamig ngunit sariwang hangin. Sa tingin ko ay dis oras na nang gabe, namangha ako ng makita ang milyon-milyong mga bituin sa kalangitan at ang maliwanag na buwan.

"The Moon and the stars really are a good couple" I whispered, kinuha ko ang tali sa aking buhok at binuhaghag ang aking buhok para maibsan ang lamig. Natigilan na lamang ako nang may mga matipunong braso ang pumulumot sa bewang ko.

May naramdaman akong mainit na hininga sa itaas ng leeg ko, sumibol ang kaba sa aking dibdib ngunit bumilis ang tibok ng puso ko. "Wait a sec" he whispered in my ears.

Hindi ako maka galaw at makapag sakita, tila may pumipigil saakin na gawin ang bagay na yun. I just found myself closing my eyes dahil sa kiliti, he was kissing my neck! "S-stop" I finally uttered, he stopped. Naramdaman ko nadin ang pagluwag ng hawak niya sa bewang ko.

I was about face him at susurprisahin ko sana siya ng suntok ng wala na akong makitang tao sa likuran ko, I was speechless. "Where is he?"

"Princess? I brought your dinner" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Vina, "Okay, I'm coming" I said at sandling ibinalik anv tingin sa ilalim ng veranda. "Okay, Princess"

"u-uhmm" ani ko, muling humarap sakin si vina at tila nag hihintay sa aking sasabihin. "don't call me Princess Arriane, Eve, Princess Eve."ani ko, napakunot naman ang kanyang noo "O-okay? P-per-"

"just do what I said, I don't want you or anyone call me 'Arrianeʼ again. Eve, I'm Princess Athena Everlyn doughfox" there's full of authority in my voice, she nooded without any questions.

Travel back in TimeWhere stories live. Discover now