UNANG KABANATA

3 0 0
                                    

Madilim pa ng ako ay lumabas sa aming kubo, tinahak ko ang daan papunta sa kakahuyan. Napayakap ako sa aking sarili ng madama ang napakalamig na simoy ng hangin nababalot din ng hamog ang buong paligid. Nahiligan ko na ang mag lakad tuwing madaling araw dahil napaka tahimik ng mundo tuwing ganitong oras, rinig ko ang bawat yapak ko at ang huni ng iba't ibang insekto sa kakahuyan. Tumingala ako at pinag masdan ang bilog na bilog na buwan, napaka ganda talaga netong pag masdan nakaka wala ng takot tuwing nakikita ko ang buwan na tila ba naka tingin din ito sa akin at ako ay binabantayan.

Tumigil muna ako sa mababaw na ilog at pinagmasdan ang dahan dahan na pag agos ng tubig, ako ay naupo sa may putol na katawan ng puno at isinawsaw sa tubig ang aking dalawang paa agad na namutawi ang lamig sa aking katawan. Kung magkakaroon lang nang pagkakataon na baguhin ang oras at ang mga pangyayari hindi na ako mag dadalawang isip pa. Napabuntong hininga na lamang ako ng muling maalala ang mga pangyayari at desisyon na labis kong pinag sisihan. Muli akong tumingin sa buwan at humiling.

"Sa susunod na aking buhay hayaan mo akong i-tama ang lahat"

Napasapo ako sa aking noo ng matapos mag walis sa bakuran ng aking pinapasukan, napaka init ng araw ewan ko ba bakit ngayon pa nila naisipan na ipalinis ang kanilang bakuran. Matapos mag walis ay nag tungo na ako sa kusina upang mag mop naman at mag hugas ng ginamit kanina sa pag luluto. Simula pagka bata parang pagiging kasambahay na agad ang aking trabaho sa mundong ito dahil kasambahay din si nanay ito lang din ang alam kong gawin dahil madalas ako netong isama sa kanyang mga pinapasukan. Mayayaman ang mga naging amo ni nanay noong sya ay nabubuhay pa, minsan nga napapaisip na lang ako kung ano kaya ang pakiramdam ng maging mayaman. Pano kaya naging mayaman ang mga taong ito nag mula din ba sila sa hirap o sadyang iyon na ang binigay na buhay sakanila ng nasa itaas. Alam ko naman na hindi lang ako ang inggit sa mayayaman, hindi lang ako yung titingin sa kanila ng may sakit sa dibdib dahil nakikita mo silang nagagawa ang kanilang mga gusto samantalang ikaw ay nag babanat na ng buto sa murang edad pa lamang.

"Tanya, pag katapos mo jan linisin mo naman ang kwarto ng ama ni Sir Nick" utos ni ate Telma bago ito pumasok muli sa loob habang dala ang mga prutas na hiningi ng mga bata.

Napakasarap siguro mabuhay sa isang marangyang pamilya noh, lahat ng luho mo masusunod ng hindi mo na kailangan mag trabaho. Tahimik akong nag lakad paakyat sa ikalawang palapag, dahan dahan kong binuksan ang pinto at kinapa ang switch ang ilaw ng kwarto. Luma ang disenyo ng kwarto n a ito hindi kagaya sa kwarto nila sir Nick at ng asawa neto. Ito ang kwarto ng kanyang ama marahil ay pinalinisan ito dahil uuwi na ito galing sa hospital, mahina na kasi ang kanyang ama at madalas  na nagkakasakit sa pagkaka alala ko mahigit isang taon na itong hindi umuuwi dito. Hindi naman ito gaanong marumi dahil linggo linggo din itong pinapalinis kay Ate Telma ako lamang ang naatasan ngayon dahil marami itong ginagawa.

Tahimik akong nag pupunas ng salamin ng mapansin ko ang lumang aklat na nasa ibabaw ng kama, tumibik ng napakabilis ang aking puso dahil alam kong wala iyon kanina. Pinagpag ko pa nga ang kumot at nagpalit ng comforter bago mag punas ng salamin. Kinakabahan akong dinampot ito at inilagay sa lumang aparador na punong puno din ng mga lumang aklat, hindi bago sakin ang kwento na meron daw nagpaparamdam sa kwarto na ito ayaw ko lamang maniwala dahil hindi ko naman akalain na ako na ang aatasan sa pag lilinis. Pinag masdan kong muli   ito ay isang luma ng aklat na gawa sa leather ang cover hindi ko na lamang muli inisip ang takot at nagsimula ng muli mag linis. Bandang alas tres ng matapos ako mag linis. Bumaba na din ako sa maids quarter upang kumain saglit bago muling mag hintay sa susunod na utos.

" Ate Telma, totoo po pala talaga ang kwento mong nakakatakot sa kwarto ng ama ni sir" saad ko ng pumasok ito sa maids quarter

"Naku nagparamdan din ba sa iyo?" usisa neto sa akin na agad kong tinanguan, uminom ito saglit ng tubig at umupo sa aking harap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now